You are on page 1of 2

ETIKAL NA PANANALIKSIK

A. Isulat ang T sa patlang kung ang mga halimbawa o pahayag ay sumusunod


sa pamantayan ng etikal na pananaliksik at H naman kung hindi.
H 1. Kung ang pamamaraan ay sarbey, hindi na kailangang ipaliwanag sa
tagasagot ang layunin ng pag-aaral.
T 2. Makabubuti kung magbibigay ng token bilang pasasalamat sa mga kalahok sa
pananaliksik.
H 3. Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang ideya kung
nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa internet.
H 4. Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isinalin naman
ito sa ibang wika.
T 5. Makabubuti kung ibabalik at ipaaalam sa mga kalahok ang kinalabasan ng
pag-aaral.
H 6. Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-tanggap na hindi
na balikan ang mga taong naging kalahok sa pananaliksik.
T 7. Kailangang kusang sumang-ayon ang mga kalahok sa pananaliksik.
H 8. Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian upang
magmukhang malalim ang pananaliksik.
H 9. Maaring ipasa nang sabay ang isang nagawang pananaliksik sa dalawang
refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
H 10. Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko ang
resulta ng pananaliksik.

B. Basahin mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung


may naganap na paglabag sa etikal na pamantayan sa pananaliksik.
Pangatwiranan ang sagot sa bawat kaso.
1. Nanaliksik si Brian tungkol sa Sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip niyang
basahin ang aklat ni Paulo Freire na Pedagogy of the Opressed upang
makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang maghanap ng
kopya. Nabasa niya sa isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala ang
isa sa mahalagang bahagi ng libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni dr. Sy at
binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sa Sanggunian, kapwa rin nita binanggit
ang libro ni Freire at artikulo ni Dr. Sy.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads.
Natanggap ito para sa publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa
kulturang popular. Hindi na niya ipinagpaalam sa bandang Eraserheads ang
paggamit niya ng mga kanta nito sa kaniyang pananaliksik. Ang katuwira niya ay
matagal na itong isinapubliko at nagkawatak-watak na ang banda.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

You might also like