bugtongATpalaisipan BanghayAralin

You might also like

You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XI
Sangay ng Davao del Sur

Pamantayang Pangnilalaman
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting) tungkol sa
kanilang lugar.

Kasanayang Pampagkatuto
a. Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan. ( F7PB-IIa-c-14)
b. Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang mga pamantayan.

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, inaasahang matamo ng mga mag-aaral ang


sumusunod:
1. Nasusuri ang nilalaman ng bugtong at palaisipan;
2. Nabibigkas ng may ritmo ang bugtong at palaisipan;
3. Naisusulat ng sarili ang bugtong at palaisipan batay sa itinakdang pamantayan.
Nakasusulat ng sariling bugtong at palaisipan batay sa itinakdang pamantayan.

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Bugtong at palaisipan


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Phoenix Publishing House
Kagamitan: Manila paper, pentel pen

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala sa mga lumiban
B. Pagbabalik-aral
Guro: Kahapon ay napag-aralan natin ang tungkol sa tula/awiting panudyo
at tugmaang de gulong.
Tanong: Gamit ang Venn Diagram ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
tula/awiting panudyo at tugmaang de gulong?

C. Pagganyak
Guro: Magpapakita ang guro ng ilang halimbawa ng pahulaan.
1. Kung kailan pinatay, saka humaba ang buhay.
Sagot:kandila
2. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot:anino
3. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot:kubyertos
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot:ilaw
Guro: Ang galing ang lahat ng aking pinahulaan ay inyong nahulaan, palakpakan ang
inyong mga sarili.
D. Paglalahad
Mga tanong: Ano ang inyong napansin sa mga halimbawa? (ito ay maiiksi lamang)
: Sa inyong palagay ano ang tawag sa inyong mga hinulaan? (bugtong)
E. Pagtatalakay
Guro: Magaling at natumbok ninyo ang paksang tatalakayin natin ngayon. Ang
paksang tatalakayin natin ngayon ay ang bugtong at palaisipan.
1. Bugtong
-ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito ng patula
at kalimitang maiksi lamang. Noon, karaniwan itong nilalaro sa lamay upang
magbigay-aliw sa mga namatayan ngunit ng lumaon ay kinagigiliwan na ring
laruin kapag may mga handaan o pista.
Halimbawa:
a. Gumagamapang pa ang ina.
Umuupo na ang anak. Sagot:kalabasa
b. Maliit pa si totoy.
Marunong ng lumangoy. Sagot:isda
c. Nagtago si Pilo.
Nakalitaw ang ulo. Sagot:pako

2. Palaisipan
-ay nasa anyong tukuyan. Layunin nito na pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng
mga taong nagkatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng
ating mga mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang
Pilipino ay sana’y na mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Halimbawa:
Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan. Lumundag ang isa. Ilan
ang natira?
Sagot:Lima pa rin lumundag lang naman ang baboy at hindi umalis.

E. Abstraksyon
Ano ang pagkakaiba ng bugtong sa palaisipan?
G. Paglalapat (Bigkasin Mo, at sasagotin Ko) 15 min.
Guro: Papangkatin natin ang klase sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay
mag-iisip ng at bubuo ng limang bugtong at susubokin itong ng ikalawang
pangkat. Habang ang ikalawang pangkat naman ay mag-iisip at bubuo ng limang
halimbawa ng palaisipan at susukin naman itong sagotin ng unang pangkat.
Panuto: Bawat aytem ay bibigkasin sa harap ng klase, bigkasin ng malakas at
malinaw.
Itanong: Sinong pangkat ang nais mauna?
IV. Pagtataya (5 min.)
Panuto: Kumuha ng kalahating papel, sumulat ng dalawang halimbawa ng bugtong at
dalawang halimbawa ng palaisipan.
Pamantayan sa Pagsulat:
Kalinisan – 5
Wastong pagbaybay – 5
Total: 10 pts
V. Takdang-aralin
Panuto: Maghanap ng isang Alamat. Isulat ang pamagat at mga tauhan nito. Ipasa bukas.

You might also like