You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EKONOMIKS 9

ni: Angelina A. Regalado

I. LAYUNIN

 Nasusuri ang bahaging ginampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa


ekonomiya at sa bansa;
 nakakabuo ng Concept Definition Map tungkol sa sektor ng agrikultura;
 napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng agrikultura sa ekonomiya at sa bansa.

II. PAKSA

Aralin 1: Demand
Sanggunian: Ekonomiks: AralingPnalipunan 9; 112-120
Mgakagamitan: BatayangAklat, power point presentation, LCD projector, laptop

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA

1. Pagdadasal
2. Pagtatala ng liban
3. Pagbabalik-aral
4. Pagganyak

KANTANG BAYAN – ALAM KO!

Magpapakita ng video lyrics tungkol sa ‘Magtanim ay Di’ Biro’.


Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang kanta. Pagkatapos tatanungin ang mga mag-aaral sa
mga sumusunod na katanungan .
1. Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumasok sa isip mo kapag binabasa, naririnig o
inaawit ang ‘ Magtanim ay Di’ Biro’?
2. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin?

B. PAGLALAHAD

1. Magkakaroon ng pangkatang Gawain. Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat pangkat. Bawat grupo ay
bibigyan ng envelope na naglalaman ng jumbled letters.
2. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa sektor ng agrikultura.

C. PAGSASANAY

 Magkakaron ng pangkatang gawain ang mag-aaral. Bawat pangkat ay bibigyan ng larawan


tungkol sa mga gawaing agrikultura.

 Ilalahad ang mga ideya tungkol sa larawan sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.


Bawat grupo ay bibigyan ng sampung minuto para ihanda ang kanilang presentasyon.
Unang pangkat - Role playing
Ikalawang pangkat - Talk show
Ikatlong pangkat - Jingle
Ikaapat na pangkat - Pantomine
Ikalimang pangkat - News casting

RUBRIK:
Pamantayan Puntos
Kaangkupan sa paksa 20 puntos

Pagkamalikhain 20 puntos

Pagkamalikhain 10 puntos

D. PAGLALAPAT

CONCEPT DEFINITION MAP


Panuto: Mula sa mga impormasyong iyong natutunan tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng Concept
Definition Map gamit ang modelo sa ibaba.

E. PAGLALAHAT

1. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa ating ekonomiya?


IV. PAGTATAYA

Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang kahulugan ng sektor ng agrikultura?


2. Ito ay tumutukoy sa produksiyon ng palay, mais, niyog, tubo, saging, at iba pa.
3. Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato, at iba pa.
4. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Basahin ang kasunod na paksa tungkol sa “suliranin sa sektor ng agrikultura” sa inyong
aklat na matatagpuan sa pahina 371-380. Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa isang buong
papel.

1. Ano-anu ang mga suliranin na kinakaharap sa sektor ng agrikultura?


2. Bakit nakaapekto ang paggamit ng teknolohiya sa produksiyon ng lupa o pagsasaka?
3. Ano-anu ang mga batas na pumuprotekta sa sektor ng agrikultura?

You might also like