Professional Documents
Culture Documents
Diyosesis ng Zambales
Lupon ng Liturhiya at Musika
4
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Lahat: Ipalakpak ninyo ang mga kamay, kayong lahat na bayan ng
Diyos. Sa Diyos ay magsihiyaw kayo ng tinig ng kagalakan. Ang
Panginoon ay nasa kaitaasan, at siya’y karapatdapat na
katakutan sapagkat siya’y dakilang Hari ng sandaigdigan.
Koro: Ang mga batang Hebreo na may tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabing: Osana sa kaitaasan!
Lahat: Kanyang ipinasuko sa atin ang mga bayan, at ang mga bansa
ay kanyang ipinagapi sa ilalim ng ating mga paa, ipinili niya
tayo ng ating pamana; mana na ikinarangal ni Jacob na
kanyang minamahal.
Koro: Ang mga batang Hebreo na may tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabi; Osana sa kaitaasan!
Lahat: Pumailanlang ang Diyos na may hiyawan; ang Panginoon ay
sumahimpapawid na kasabay ng tunog ng palakpak. Magsi-
awit kayo ng mga papuri sa Diyos, idalit ninyo ang kanyang
karangalan. Sa ating Hari, kayo ay magsi-awit ng papuri.
Koro: Ang mga batang Hebreo namay tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabi: Osana sa kaitaasan!
Lahat: Ang Panginoong Diyos ay Hari ng buong sansinukob; kayo’y
umawit umawit sa pamamagitan ng mga salmo. Naghahari ang
Diyos sa mga bansa; naupo ang Diyos sa kanyang banal na
luklukan.
Koro: Ang mga batang Hebreo na may tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabi: Osana sa kaitaasan!
Lahat: Ang mga prinsipe ng mga bayan ay nangagkatipon bilang bayan
ng Diyos ni Abraham. Siya ay Diyos na lubhang dakila;
kanyang alipin ang lahat ng mga prinsipe sa buong kalupaan.
Koro: Ang mga batang Hebreo na may tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabi: Osana sa kaitaasan!
5
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Lahat: Luwalhati sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo. Katulad
noong una, ngayon at magpakailanman, at magpasawalang
hanggan.
Koro: Ang mga batang Hebreo na may tangan na mga sanga ng olibo
ay lumabas upang kanilang salubungin ang Panginoon; sila’y
sumisigaw at nagsasabi: Osana sa kaitaasan!
Sa ibang mga Parokya at Diyosesis ay mayroong mga bata na gumaganap
bilang mga batang Hebreo o di naman kaya ay mga anghel at may mga parte na
kakanta ang mga bata. Dito maaaring gawin ang mga nabanggit.
Ang Prusisyon
Bilang paghahanda sa prusisyon, ilalagay ng pari ang kanyang kamanyang sa
lalagyan.
Ang Pagpasok
Kukunin ng pari ang krus na seryales at itutuktok niya ito ng makatlo sa pinto.
Bubuksan ang pinto ng mga nasa loob. Bago pumasok ang lahat, gagawin muna
ang panalangin:
Tagabasa: O Diyos ko: O Diyos ko: Bakit ako pinabayaan? Masidhi ang
pagtaghoy ko upang ako ay tulungan, ngunit hindi dumarating
ang saklolong hinihintay. Araw-gabi’y dumaraing, tumatawag
ako, O Diyos, hindi ako mapanatag, di ka pa rin sumasagot.
Ikaw yaong pinatungan tanging banal, walang iba, dinakila ng
Israel, pinupuri sa tuwina.
Sa iyo ang lahi nami’y nagtitiwala at umasa, nagtiwala silang
lubos; iniligtas mo nga sila. Noong sila ay tumawag, ang
panganib ay nawala, lubos silang nagtiwala at di naman
napahiya.
Tila ako’y isang uod at hindi na isang tao, kung makita’y
inuuyam, nagtatwa kahit sino. Bawa’t taong makakita’y
umiiling nanunukso, pabalik na nagtataka’t sinasabi ang
ganito: “Nagtitiwala siya sa Diyos, ang patnubay”. Magmula sa
pagkabata, ako’y iyong iningatan. Kaya naman mula noon, sa
Iyo na umaasa, sapul noon ikaw na lang ang Diyos na
kinikilala.Huwag mo akong lilisanin, huwag mo akong
tatalikdan, pagka’t walang sasaklolo sa panganib na daratal.
Pagbasa Mula Sa Bagong Tipan
(Filipos 2:5-11)
Pagkatapos ng pagbasa ay isang angkop na imno ang aawitin. Tatayo ang lahat
upang magbigay galang sa Pasyon ng Panginoong Hesukristo.
9
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Ang Pagbasa ng pasyon ay sisimulan sa pagbigkas ng ganitong pambungad:”
Ang Pasyon Ng Ating Panginoong Hesukristo Ayon Kay.” Taon A: Mateo
26:36-27:54 (55-66); Taon B: Marcos 14:32-15:39 (40-47) o 15:1-39 (40-47); Taon
K: Lukas 22:39-23:49 (50-56) o 23:1-49 (50-56).
Sa araw na ito ay walang Sermon at hindi rin bibigkasin ang Kredo.
Magpatuloy ang Misa sa bahagi ng Kapayapaan. Ang Punong Tagapagdiwang
ay haharap sa bayan at sasabihin niya:
Ang Pag-aalay
Pari: Mag-aalay tayo ng hain ng pasasalamat at tatawag sa Pangalan
ng Panginoon. Aawit tayo at magsasalita ng papuri sa
Panginoon.
Ang mga handog ng bayan ay lilikumin. Ang Banal na Hapag, ang Tinapay at
ang Alak ay ihahanda. Samantala, ang bayan ay nakaupo. Kung handa na ang
lahat ay tatayo ang lahat. Dadalhin sa Altar ng mga kinatawan ng bayan ang
mga handog na salapi at iba pang mga alay, pati na ang Tinapay at ang Alak,
na tatanggapin ng Punong Tagapagdiwang at iaabot ang mga ito sa Diyakono,
katuwang na ministro o ibang tagapaglingkod na siya namang maglalagay ng
mga ito sa ibabaw ng Banal na Hapag.
Matapos na maibigay ng mga nagsipaghandog ang mga alay, tinapay at alak ay
babasbasan ng Punong Tagapagdiwang ang mga naghandog gamit ang isa sa
sumusunod na panalangin:
12
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Pari: Tunay na marapat, aming tungkulin at kaligayahan, lagi at
saan man na magpasalamat sa Iyo, O Panginoon, Banal na
Ama, makapangyarihan at walang hanggang Diyos.
Itinakda Mo na ang kaligtasan ng sangkatauhan ay maganap sa
pamamagitan ng krus na kahoy: Ang punong kahoy ng
pagkalupig ng tao ay naging punong kahoy ng Kaniyang
tagumpay. Kung saan natapos ang Kaniyang buhay, doon din
ito masasauli, sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon.
Kaya nga, kasama ang mga anghel at mga arkanghel, at lahat
ng kalipunan ng langit, buong kagalakan naming ipinapahayag
ang inyong kaluwalhatian, laging nagpupuri sa iyo at
nagsasabi:
Sanctus
Dapat tandaan na dadagok sa dibdib ang Punong Tagapagdiwang sa pagsambit
ng mga salitang Banal, Banal, Banal at mag-aantanda ng Krus sa bahagi ng +
Pinagpala...
13
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Luluhod ang lahat. Sa mga sumusunod na salita hinggil sa Tinapay at Alak,
ipapatong ng Punong Tagapagdiwang ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng
Tinapay at Kalis o kaya’y hahawakan at bahagyang itataas niya ito.
Anamnesis
Nang gabing siya’y ipagkanulo upang magdusa at mamatay, ang aming
Panginoon ay kumuha ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat sa
iyo, kanyang piniraso ito, at ibinigay sa kanyang mga alagad at sinabi:
“KUNIN AT KANIN ITO: ITO ANG AKING KATAWAN NA
IPINAGKAKALOOB KO SA INYO. GAWIN NINYO ITO SA PAGALAALA SA
AKIN.”
Matapos ang hapunan ay kinuha niya ang kalis, at nang siya’y
makapagpasalamat ay ibinigay ito sa kanila, at sinabi:
“INUMIN NINYO ITO, KAYONG LAHAT: ITO ANG AKING DUGO NG
BAGONG TIPAN, NA IBINUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA MARAMI
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. SA TUWING IINUMIN
NINYO ITO AY GAWIN SA PAGALAALA SA AKIN.”
Pagkatapos magbigay galang ng Punong Tagapagdiwang sa tinapay at alak ay
magsisitayo ang lahat at sasabihin ng Punong Tagapagdiwang ang mga
sumusunod:
Lahat: AMEN!
Kung naibaba na ng Punong Tagapagdiwang ang Katawan at Dugo ng ating
Panginoong Hesukristo at matapos magbigay galang ay aawitin o sasambitin ng
lahat ang Ama Namin. Mananatiling nakaluhod ang lahat.
Pater Noster
Pari: Tulad ng itinuro sa atin ng ating Tagapagligtas na si
Hesukristo, tayo’y manalangin:
Lahat: Ama namin sa langit, sambahin ang Ngalan mo, sumapit nawa
ang kaharian mo, sundin ang loob mo, dito sa lupa gaya ng sa
langit, Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
araw. Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan gaya rin ng
pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. Huwag mo
kaming itulot sa mga pagsubok kundi iadya mo kami sa
15
Trial Use Of Holy Week Liturgies
masama. Sapagkat sa iyo ang kaharian, ang kapangyarihan at
ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. Amen.
Mananatiling nakaluhod ang lahat.
Ang Komunyon
Habang itinataas ng Punong Tagapagdiwang ang Tinapay at Kalis ay sasabihin
sa lahat:
17
Trial Use Of Holy Week Liturgies
Lahat: At sa mga Banal na misteryong ito ay tiniyak Mo na kami’y nga
buhay na bahagi ng katawan ng Iyong Anak, at mga
tagapagmana ng Kanyang walang hanggang kaharian. Ngayon
Ama, isugo Mo kami upang gawin namin ang tungkuling ini-
atas Mo sa amin, upang Ikaw ay ibigin at paglingkuran at ang
aming kapwa, bilang mga tapat na saksi ni Kristong aming
Panginoon: sa Kanya, sa Iyo, at sa Espiritu Santo, ang lahat ng
karangalan at kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman.
AMEN.
Ang Pagpapala
Lahat ay luluhod. Ang mga sumusunod na Pagbabasbas ay sasabihin ng
Obispo. Maaaring sabihin ng Pari maliban sa mga bersikulong nauukol sa
Obispo.