You are on page 1of 14

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY

National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
North Luzon

FLA 3: PAGSULAT NG BOOK REVIEW

ORTOGAPIYANG PAMBANSA
Komisyon sa Wikang Filipino, 2014

Isinumite nina:

ALMAZAN, JAMAICA G.
ANDRES, CHARMAINE JOYCE G.
AQUINO, ELLA TRICIA M.
BALLESTEROS, BONIFACIO JR. R.
BAPTISTA, QUENNIE ROSE G.
CALIMBAS, TEODORO I, A.
CRISOSTOMO, ALFEA MAE C.
DELA CRUZ, RONNIE R.
ESTELA, JOSEPH S.
RAMALES, PRECIOUS MAY A.
VILLANUEVA, GIN R.

Isinumite kay:

PROF. JOHN A. FURUC

Nobyembre 26, 2018

1|Page
Pagkilala sa may akda

Ang Komisyon sa wikang Filipino ay pinangangasiwaan ng Pambansang Alagad ng


Sining at Tagapangulong si Virgilio S. Almario sa silid pulungan ng Gusali Watson, San
Miguel, Maynila.

Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang


Filipino. Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika
at pakikibaka laban o pabor sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong
tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang
komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa
kabilang polo nagmumula.

Ang mga kapangyarihan, gawain at tungkulin ng KWF ay magbalangkas ng mga


patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak ang higit pang pagpapaunlad,
pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng
Pilipinas; magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang
isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito; magsagawa o
makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang
ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at
iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para
sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga
parirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa
kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca; magpanukala ng mga
patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng
opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasa at
pagtuturo; ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at
award ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga
obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina;
lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalingwika na gaganyak sa
pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa
Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historikal at
tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga
aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga
dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-ibang disiplina at
iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para
sa iba pang mga layunin; tawagan ang alin mang departamento, byuru, opisina, ahensya o
alin mang kasangkapan ng pamahalaan o pribadong entidad, institusyon o organisasyon para
sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan
nito; mangasiwa sa antas nasyonal, rehiyonal at local ng mga pagdinig publiko, mga
komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong
sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapaunlad,
pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas; bumalangkas
at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at
pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa

2|Page
Tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso ang taunang progress report tungkol sa
implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa; humirang, sa ilalim ng mga
probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga
tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga
pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan; organisahin at
reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mga posisyon, o magpalit
ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan ang nagbabagong mga
kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga
pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba ang kanilang mga
ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo;
gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan
sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

May 18 titulo ang Aklat ng Bayan na nagmimithing bumuo ng “Aklatan ng


Karunungan” at itampok ang kakayahan ng Filipino bilang wika ng saliksik at paglikha. Isa
sa mga lathalang nilimbag ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ang librong Ortograpiyang
Pambansa na nilimbag noong ika-30 ng Hulyo taong 2013.

Uri ng panitikan

Ang librong “Ortograpiyang Pambansa” ay isang uri ng Akademikong Sulatin.

Ang Akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa


pagpapataas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat.
Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. Ito ay may
sinusunod na particular na kumbensyon. Ang layunin nito ay maipakita ang resulta ng
pagsisiyasat o pananaliksik na ginwa.

Ang akademikong pagsulat ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga


kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa. Ito ay nangangailangan ng higit
na mataas na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na
pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya.

Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat

1. Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga


materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.
2. Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng
buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon
sa isang mapanghikay at na sulatin.
3. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang
mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang kailangang salain at
suriin para sa akademikong pagsulat.

3|Page
4. Malilinang din ang hikayat ng pagtuklas ng kaalamang intelektwal, bagay na lubhang
mahalagang bahagi ng pagkatuto.
5. Magkakaroon din ng kasiyahan sapagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong
makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.
6. Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan at ang paggalang sa likha
at akda ng ibabunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap.
7. Sa pamamagitan ng pagtatala atmaingat na dokumentasyon, ng pinaghalawan ng mga
ideya at impormasyon ay maaari ring masanaysa pagkilala ng akda ng may-akda
atang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong
pagsulat.
8. Inaasahan ding mabubuksan ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhektibo sa pagtanaw sa mga
pangyayari at impormasyon.
9. Matututunan din ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi
ng mga impormasyong kapaki-pakinabang para sa tinutuntong imbestigasyon

Layunin ng may-akda

Layunin ng may Akda na;

 Maipaliwanag ang pangunahing tungkulin ng ortograpiya sa paglalapat ng grafema sa


pahayag na pasalita at bigkas gamit ang titik at di-titik;
 Masuri ang Pantig at Palapantig ayon sa mga uri nito;
 Maipaintindi ang pagbibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang
bumubuo sa isang pantig, salita, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, at
iba pa;
 Maibahagi na isa lamang ang tunog sa pagbigkas ng bawat letra kapag naging bahagi
ng karaniwang salita;
 Maisa-isa ang mga kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin at maibahagi ng may akda
na ang kambal-katinig ay mai-lapat lamang sa mga salitang hiniram sa Espanyol;
 Mailahad ang tamang pagbaybay sa dalawang magkadikit na katinig na pinatutunog
sa loob ng isang pantig;
 Maipaliwanag ang ilang tuntunin ng Balarila kung kailan ito nagaganap at umiral ang
paniwalang isang natural na pangyayari sa mga wikang katutubo sa Filipinas ang
gayong pagpapalit;
 Maipaliwanag kung kailan napapalitan ng R ang D sa pagsasalita;
 Magagamit nang wasto ang mga salita sa pagbuo ng mga pangungusap gamit ang
“ng” at “nang”;
 Mapapanatili ang paggamit sa mga tuldík o asénto at magamit ang tuldik upang
maipatiyak ang wastong bigkas lalo na sa mga salitang magkakatulad ng baybay; at
 Magamit nang wasto ang gitling sa pamamagitan ng annex at appendix at maaaring sa
anyo ng mga tiyak na tanong at sagot.

4|Page
Tema o paksa ng akda

Filipino, Wikang Pambansa: Pagbabago ng anyo sa kasalukuyan, kilalanin;


kaalaman, linangin at pagyamanin; pagkakaunawaan ay kamtin.

Ang tema ng aklat na ito ay tungkol sa pagbabago sa kasalukuyang anyo ng wikang


pambansa at paglinang ng kaalaman tungo sa pagkakaunawaan. Masasabing ito ang tema ng
aklat dahil ito ay nakatuon sa mga pagbabagong nagaganap sa wikang pambansa. Mga
pagbabagong mapapansin sa alpabeto na mayroon tayo noon at ngayon ukol sa mga anyo at
bigkas ng mga titik. Dagdag pa dito ay ang pagpapayaman ng kaalaman hinggil sa
pagpapantig at pagbabaybay. Inilahad dito ang kawastuhan sa pagpapantig sa mga salita,
kayarian ng pantig, pantig na inuulit, sa pagbabaybay na pasalita at pasulat. Nailahad din ang
kasong kambal-patinig, kambal-katinig at digrapikong SK, ST, SH, at KT. Kasama rin dito
ang palitang E/I at O/U. Isinama rin dito ang pagpapalit ng D tungolit ng D tungo sa R.
nakasaad dito ang kasong rin/din at daaw/raw maging ang paggamit ng “D” kahit kasunod ng
patinig. Maging kung kalian gagamitin ang “ng” at “nang” ay binigyang pansin. Ang
pagbabalik sa mga tuldik upang mapabilis ang pagtukoy sa kahulugan ng salita lalo na sa
mga salitang may iisang anyo ay nabigyang kaliwanagan ang bawat ibig sabihin ng tuldik sa
salita.

Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari

Paksa: Ortograpiyang Pambansa

I. Mga batayan sa paglimbag ng libro.


A. Mensahe mula kay Sen. Loren Legarda.
B. Kautusang pangkagawaran blg. 34, s. 2013 ng Kagawaran ng Edukasyon.
C. Kalatas mula sa tagapangulo ng komisyon sa lalong mataas na edukasyon.
II. Pagsulyap ng kasaysayan bilang panimula.
A. Mulang baybayin hanggang abakada.
1. Paggamit ng baybayin sa sinaunang panahon.
1.1. Labimpitong (17) simbolo na kumakatawan sa mga titik.
1.1.1. 14 katinig
1.1.2. 3 patinig
2. Pagkabuo ng abakada.
2.1. May limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.
B. Bagong alpabetong Filipino.
1. Naging 31 ang titik ng abakada noong 1976.
2. Noong 1987 nalathala ang 28 na titik sa Alpabetong Filipino.
3. Mga isyu sa paggamit ng alpabeto.
3.1. Ispeling
3.2. Isa-isang panghiram ng salita sa Ingles.
4. Katangian ng Ortograpiyang Filipino.
4.1. Batay sa kasaysayan.
4.2. Batay sa mataas na modelo ng paggamit ng wika.
4.3. Kailangan episyente ang ortograpiya sa pangangailangan sa pagsulat.
5|Page
4.4. Kailangang pleksible ang ortograpiya upang magampanan ang lumalawak
na gamit ng wikang Filipino.
4.5. Kailangang madali itong gamitin.
III. Mga paksang nilalaman.
A. Grafema
1. Titik
1.1. Patinig o bokablo
1.2. Katinig o konsonante
2. Di-titik
2.1. Tuldik o asento
2.2. Bantas
B. Pantig at palapantigan
1. Kayarian ng pantig.
1.1. Kinakatawan ng P ang patinig.
1.2. Kinakatawan ng K ang katinig.
2. Pagpapantig ng mga salita.
2.1. Hal. /u•be/ (ube), /ba•hay/ (bahay)
3. Pantig na inuulit.
3.1. Hal. /a•ak•yat/ (aakyat)
C. Pagbaybay na pasalita.
1. Pantig
2. Salita
3. Akronim
4. Daglat
5. Inisyals
5.1. Mga tao/bagay
5.2. Mga samahan/institusyon/pook
6. Simbolong pang-agham/ pangmatematika
D. Pagbaybay na pasulat.
1. Gamit ng walong bagong titik
1.1. C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
2. Bagong hiram na salita
2.1. Hal. tseke sa cheque, pinya sa piña
3. Lumang salitang Espanyol
3.1. Hal. porke (porque), kandila (candela)
4. Di binabagong bagong hiram
4.1. Hal. fertil, zigzag
5. Problema sa C, Ñ, Q, X
5.1. Iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik
5.2. Hindi isahang tunog ang Q at X
6. Panghihiram gamit ang 8 bagong titik
6.1. Sa mga pangalang pantangi
6.1.1. Hal. Charles, Ceferino
6.2. Sa mga katawagam siyentipiko at teknikal.

6|Page
6.2.1. Hal. Carbon dioxide, jus sanguinis
6.3. Sa mga salita na mahirap dagliang ireispel.
6.3.1. Hal. Cauliflower, quiz
7. Experimento sa Ingles
7.1. Pagsasa-Filipino ng ispeling ng wikang Ingles.
7.1.1. Hal. skedyul (schedule), istambay (stand by)
8. Espanyol muna, bago ingles
8.1. Hal. Isla kaysa ayland (island), imahen kaysa imeyds (image)
9. Ingat sa “siyokoy”
10. Eksperimento sa Espanyol
10.1. Paglalagay ng hulaping pangkatawagan
10.1.1. Hal. astra (astro), ga (go)
11. Gamit ng Espanyol na “Y”
11.1. Ang “y” ay binibigkas na tunog “I”
11.2. Kasingkahulugan ng at
11.2.1. Hal. alas-dos y medya
12. Kaso ng binibigkas na H sa hiram na Espanyol
12.1. Hindi binibigkas
12.1.1. Hal. hacienda – asyenda
12.2. Binibigkas
12.2.1. Hal. humanitaryo
13. Gamit ng “J”
13.1. Ginagamit sa tunog na /dyey/
13.2. Ginagamit sa tunog na /ha/ sa Espanyol
E. Kasong kambal – patinig
1. Nawawala ang unang patinig sa kambal-patinig.
2. Kataliwasan sa pangkalahatang tuntunin.
2.1. Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng
salita.
2.2. Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang
kumpol katinig sa loob ng salita.
2.3. Kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.
2.4. Kapag ang kambal-patinig ay nasa dulo ng salita at may diin ang bigkas sa
unang patinig ang orihinal.
3. Malakas na patinig.
F. Kambal-katinig at digrapong SK, ST, SH, KT
1. Pasok ang SK, ST.
1.1. Hal. desk, test
2. Walang KT
2.1. Hal. aspek, korek
3. Digrapong CH at SH
3.1. tsismis (chismis), tsapa (chapa)
4. May SH ang Ibaloy
4.1. Hal. shuhol – nahiga, peshen - hawak

7|Page
5. May TH at KH ang Meranao
5.1. Hal. thinda – magluluto, litha – gulay
G. Palitang E/I at O/U
1. Disiplina sa pagbigkas ng E/I at O/U.
1.1. Hal. “iskandalo” sa halip na eskandalo, “kuryente” sa halip na koryente.
2. Senyas sa Espanyol o sa Ingles.
2.1. Hal. estasyon (estacion), istayl (style)
3. Kapag nagbago ang katinig
3.1. Hal. kumpeti (confeti), kumpisal (confesar)
4. Epekto ng hulapi
4.1. Hal. balae – balaihin, paso – pasuin
5. Kalian di nagpapalit
5.1. Kapag sinundan ng pang-ugnay na –ng
5.1.1. Hal. “babaeng masipag” sa halip na “babaing masipag”
5.2. Kapag inuulit ang salitang-ugat.
5.2.1. Hal. “ano-ano” hindi “anu-ano”
6. Kapag bago ang kahulugan
6.1. Hal. batubato – ibon, isang uri ng ilahas na kalapati
7. Huwag baguhin ang dobleng o
7.1. Hal. doon – paroonan
H. Pagpapalit ng “D” tungo sa “R”
1. Kasong din/rin, daw/raw
1.1. Hal. uupo raw ngunit aalis daw
2. “D” kahit kasunod ng patinig
2.1. Hal. “marulas” (madulas), “marilao”(madilaw)
I. Kailan “NG” at kalian “NANG”
1. Mga gamit ng “nang”
1.1. kasingkahulugan ng noong
1.2. kasingkahulugan ng upang o para
1.3. katumbas ng pinagsamang na at ng
1.4. pagsasabi ng paraan o sukat
1.5. pang-angkop ng inuulit na salita
2. Ingatan ang pinagdikit na “na” at “ang”
2.1. Hal. laganap na’ng himagsik pagbaril kay Rizal.
J. Pagbabalik ng mga tuldik.
1. Isang anyo, iba-ibang bigkas
1.1. Hal. pali- Ivatan para sa pagputol ng dulo, Kapampangan para sa init o
alab.
2. Dagdag na gamit ng pahilis
2.1. Hal. mása, mísa, kósa
3. Pahilis sa mahabang salita
3.1. Hal. páligsáhan, báligtáran
4. “ma-” na may pahilis
4.1. Hal. mádapâ, nádapâ

8|Page
5. Dagdag na gamit ng pakupya
5.1. Hal. tî-sing (‘Tboli) –singsing , kasâ-lan (Bikol) –kasalanan
6. Tuldik patuldok
6.1. Hal. wën (Ilokano) – katapat ng oo; tëlo (Meranao) – katapat ng tatlo
7. Kung hahanapin sa Computer
7.1. Hal. á – Alt 160 ; ë – Alt 137
K. Mga wastong gamit ng gitling.
1. Sa inuulit na salita
1.1. Hal. ano-ano, araw-araw
2. Sa isahang pantig na tunog
2.1. Hal. tik-tak, ding-dong
3. Sa paghihiwalay sa Katinig at Patinig
3.1. Hal. pag-asa, mag-isa
4. Sa pinabigat na pantig
4.1. Hal. lig-in (sinaunang tagalog) pagiging alanganin; hul-ab (sebwano) uka
5. Sa bagong tambalan
5.1. Hal. lipat-bahay, amoy-pawis
6. Iwasan ang “Bigyan-”
6.1. Hal. bigyang-diin, bigyang-pansin
7. Tambalan ang “punongkahoy”
7.1. Hal. punongkahoy, buntonghininga
8. Sa pasulat na oras
8.1 Hal. ika-8 ng umaga, alas-3 ng hapon
9. Sa kasunod ng “De”
9.1. Hal. de-kolor, de-bote
10. Sa kasunod ng “di”
10.1. Hal. di-mahipo, di-maliparang-uwak
11. Sa apelyido
11.1. Hal. Carmen Guerrero-Nakpil
12. Sa pagsaklaw ng panahon
12.1. Hal. 1892-1903 (panahon ng patinding nasyonalismo)

Mga kaisipan/Ideyang taglay ng akda

Mayaman at sagana ang ating bansa sa kultura at wika. Mayroon tayong isang daan at
pitumpu’t pitong aktibong wika na karamihan ay nagmula sa iba’t-ibang grupo ng mga
katutubo sa ating bansa. Subalit bilang mga Pilipino, mahalaga na ating matutuhan ang
wastong paggamit ng ating pambansang wika. Isa sa mga layunin nito ay upang makasabay
sa nagbabagong panahon patungong modernisasyon at ang paglinang ng wikang Filipino ay
hinihikayat para makasabay ang mga Pilipino. Sabi ni Asuncion (2018) sa kanyang saliksik
na Wikang Filipino: Tanglaw sa pag-unawa sa aying edukasyon ang wikang Filipino ay
dapat gamitin nguni kasabay nito ang paglinang at pagpapayaman para hindi magkaroon ng
maling pag-unawa sa wika.

9|Page
Sa larangan ng edukasyon, ang edukasyong Filipino sa panahon ngayon ay
nakasandig sa Español at Ingles at dito lumalabas ang mahalagang gampanin ng pagsasalin.
Ayon kay Almario(2015) malinaw na isang unang hakbang sa kultibasyon ng Filipino ang
pagsasalin mula sa wikang pandaigdig. Ang karunungang nilalaman ng mga naturang wikang
pandaigdig ay kailangang maisalin sa wikang-Filipino- maging ang mga libro at sanggunian,
mga polyeto at artikulo sa mga magasin at jornal, mga paksa sa mga simposyum at
talakayang akademiko, balita at usapin sa radyo’t telebisyon, internet at iba pang kaparaanan.
Upang maging katanggap-tanggap ang pagsasalin ay narito ang apat na gabay alinsunod sa
pagsasalin:

1. Pagtutumbas: a) mula sa tagalog/ Filipino, b) mula sa ibang wikang katutubo


2. Paghiram sa Español
3. Paghiram sa Ingles: a) pananatili ng baybay, b) pagbago ng baybay
4. Paglikha

Batay sa apat na hakbang ng proseo ng pagsasalin, ito ay napakahalaga tungo sa


malikhaing pagpapaunlad sa wika. Makabuluhang paraan ito ng pagpapayaman sa
bokabularyo ng wikang pinagsasalinan. Ipinapabatid dito na ang pagsasalin ay dapat ituring
na isang terminolohiyang teknikal na maaaring magpabago ng kaalaman. Huwag isipin na
magkakasunod ang hanay ng mga naturang hakbang alinsunod sa pagbilang. Maaring unahin
ng tagasalin ang pangatlo o pangalawa. Depende sa kanyang diskarte o ipinalalagay niyang
higit na angkop na gamitin. Ano man ang istilo sa paggamit ng wika ng isang mahusay na
manunulat, lagging itinuturing na may ginagawa itong malikhaing pagbagosa karaniwang
paggamit sa wika ng karaniwang tao. Dapat asahang may mga laro – sa - salita at sari-saring
tayutay ang isang akdang pampanitikan. Bahagi rin ng tungkulin ng dalubhasang tagasalin
ang sipag magsaliksik. Tiyak na makatutulong ito sa anumang impormasyong magbibigay ng
dagdag na liwanag sa kanyang tekstong isinasalin.

Buod

Ang ortograpiya o palatitikan ng wikang Filipino ay nagbabago kasabay ng umuunlad


na pangangailan ng madlang gumagamit nito. Mayroong layunin na lumikha ng mga tuntunin
kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino maging ang pagpapalaganap sa mga gabay ng
estandardisadong mga grafema at tuntunin sa pagbigkas ng mga simbolong ito. Kaakibat ng
layuning ito ay mga panukalang reporma para makasabay ang wikang Filipino sa
makabagong panahon. Upang masipat ang anumang tradisyong taglay ng wikang Filipino,
lahat ng mga repormang isasagawa ay kailangang patnubayan ng matiyagang paglingon sa
kasaysayan.

Naipahayag sa kasaysayan na ang unang katutubong paraan ng pagsulat ay tinatawag


na baybayin. Binubuo ito ng labimpitong simbolo (14 katinig at 3 patinig). Nagkaroon ng
panukalang reporma mula kay Jose Rizal (gawing lima ang patinig at labinlima ang katinig)
na naging batayan ng abakada ni Lope K. Santos (1940). Ngunit marami pa ring mga salitang
hiram kaya naman nilapatan ang mga ito ng mga tunog sa mga titik ng abakada. Ngayon,
umusbong ang radikal na reoryentasyon ng pagpapaunlad sa wika dahilan upang maging

10 | P a g e
tatlumpu’t isa (31) ang abakada at tinawag na “pinagyamang alpabeto”. Dahil sa muling
pagsusuri noong 1987 napag-alamang may mga titik na hindi kailangan kung kaya naman
binawasan ang mga titik at naging dalawampu’t walo (28). Sunod nang sinimulang
ipalaganap ang modernisadong alpabeto.

Kasabay ng reporma ng wikang Filipino ay ang pagbabago rin ng organisasyong


nangangalaga rito gayunding pagpapaunlad ng kanilang responsibilidad kasama ang iba pang
kawani. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas.
Ang pagbabagong pangalan ay kasabay ng pagiging 28 ng alpabeto. Samantalang, muling
pinagtibay ang wikang Filipino dahilan para maitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino
noong 1991 mula sa pagkakabuwag ng Linangan. Mula rito, nagkaroon na ng iba’t ibang
edisyon ang gabay ng ortograpiyang Filipino. Gayunpaman, kailangang ang mga bagong
edisyon ay akma sa mithiin ng Konstitusyon 1987 na pagtibayin ang Filipino bilang Wikang
Pambansa at kaugnay rin nito ang pagsulong ng wikang Filipino bilang wikang pandaigdig.

Pangunahing tungkulin ng ortograpiya ang paglalapat ng grafema sa pahayag na


pasalita at pabigkas. Grafema ang tawag sa pangkat ng mga bahagi sa isang sistema ng
pagsulat. Ang mga grafema sa pratika ng ortograpiyang Filipino ay binubuo ng tinatawag na
mga titik at di-titik. Titik o letra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita at binubuo ng mga
patinig at mga katinig. Ang serye ng mga titik o letra ay tinatawg na alpabeto at ang
alpabetong Filipino ay may 28 titik na may katumbas na tunog. Di-titik ay binubuo ng mga
tuldik at bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa paraan ng pagbigkas ng salita. Kabilang dito
ang tuldik na pahilis (ˊ), paiwa (ˋ), pakupya (^), at patuldok ( ̈ ). Bantas naman ang
kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita. Karaniwang bantas ay tuldok, kuwit,
kudlit, gitling, tutuldok, pananong, padamdam, at tuldok-kuwit.

Ang isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o higit
pang katinig ay tinatawag na pantig o silaba. Bawat patinig (a, e, i, o, u) ay isang patnig;
samantalang kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang maging patnig. Ayon sa
kayarian ng pantig, sinasabing ang patnig ay maaaring binubuo ng isang patinig, o isang
katinig at isang patinig, o dalawa o mahigit pang katinig at isang patinig. Tinutukoy naman sa
pagpapantig ng mga salita ang paraan ng paghahati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na
ipinambuo rito. May mga tuntunin sa pagpapantig depende sa posisyon ng bawat patinig at
katinig sa salita – ang inihihiwalay na pantig; kapag may dalawang magkasunod na katinig;
kapag may tatlong magkakasunod na katinig at; kapag may apat na katinig ang
magkakasunod sa salita. Dagdag pa, may mga tuntunin sa pantig na inuulit – kapag ang salita
ay nagsimula sa patinig, ang patinig lamang ang inuulit; kapag nagsisimula sa kayariang
katinig-patinig ang salita, ang unang pantig lamang ang inuulit at; kapag nagsimula ang salita
sa kambal-katinig o kumpol-katinig, ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit.

Tinutukoy naman sa pagbaybay na pasalita ang isa-isang pagbigkas sa maayos na


pagkaksunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita (bayan-/bi-ey-way-ey-en), pantig
(pag-/pi-ey-dyi/), akronim (CAR-/kapital si-kapital ey-kapital ar/), daglat (G.-/capital dyi
tuldok/), inisyals (mga tao o bagay at mga samahan, institusyon o pook), simbolong pang-
agham o pangmatematika (Fe -/capital ef-i), atbp.

11 | P a g e
Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “kung ano ang bigkas ay
siyang sulat” sa pagbaybay na pasulat.

Mula sa modernisadong alpabeto, binigyang diin ang kahalagahan ng gamit ng


walong bagong titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z. Pangunahing gamit ng mga ito ay ang
pagpapanatili ng mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa mga katutubong
wika ng Filipinas. Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga hiram na salita mula sa
mga banyagang bansa. Alinsunod sa abakada, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang
mga hiram na salitang ipinalaganap sa baybay ng wikang Filipino. Nakatanghal naman sa
inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pag-aabakada ng
mga tunog na banyaga gayundin ang pagbabaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita. Ngunit
sa mga bagong hiram na salita gaya na lang ng mga salitang mula Espanyol, pinipigil ang
pagbaybay paabakada ng mga ito o pinapanatiling buo at walang pagbabago.

Gayunpaman, mapapansin na hindi lahat ng bagong dagdag na titik ay ginagamit.


Wala pang halimbawa ng salita gamit ang C, Ñ, Q, at X dahil sa mga pangyayaring iisang
tunog ang kinakatawan ng bawat titik, meron ding katapat ang iba gaya ng NY na tinumbas
sa Ñ, ang kw o ky para sa Q at ks para sa X. Dahil sa kalimitahang ito, ginagamit ang mga
original na salita sa wikang banyaga. Sa kasalukuyan, ginagamit ang walong bagong titik sa
tatlong pagkakataon; para sa mga pangngalang pantangi na hiram; para sa mga katawagang
siyentipiko at teknikal; at para sa mga salitang mahirap dagliang ireispel. Pinahihintulutan din
ang pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga.
Bagaman pinahintulatan, may kaakibat ang eksperimentong ito na tuntunin para maiwasan
ang hindi kaaya-ayang resulta ng pagsasa-Filipino. Kasabay ng mga gabay at tutunin na
ibinigay ay mga umiiral na problema.

Problemang nakakabahala kaakibat ay mga salik na nakakaapekto sa wikang Filipino.


Dahil sa mga ito, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles at sa halip
maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mula Espanyol dahil sa pagkakahawig nito
sa wikang Filipino. Kabilang dito ang gamit ng Espanyol na Y na binibigkas na I at
kasingkahulugan ng at; kaso ng binibigkas na H; at ang gamit ng titik na J /dyey/ na
nakakatayo nan g kusa. Ngunit kailangan pa rin mag-ingat dahil may mga salitang sumisibol
na tinatawag na salitang siyokoy – salitang hindi Espanyol at hindi rin salitang Ingles ang
anyo. Dahil kulang sa bantay-wika, dumadami ang mga salitang siyokoy at itoy
nakakabahala.kaugnay ng katuturang pangangailangan, sa halip na manghiram ng salita sa
Espanyol o Ingles, gamitin nalang ang mga salitang naangkop mula katutubong wika upang
isalin ang konseptong banyaga. Maraming mga konsepto ng wika na wala sa Tagalog ngunit
nasa ibang wikang katutubo ng Filipinas.

Dagdag pa dito ay ang pagtalakay dito ang kasong kambal-patinig. Natalakay dito ang
kasaysayan ng kambal-patinig. At sa may bandang dulo ay nakasaad ang mga apat (4) na
kataliwasan sa tuntunin ng kambal-patinig. At ang bawat kataliwasan ay may kaukulang
katwiran.Ang unang kataliwasan ay, kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa
unang pantig ng salita.Ikalawang kataliwasan, kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa
dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita. Ikatlong

12 | P a g e
kataliwasan, kapag ito ay sumusunod sa tunog na H. At ang ikaapat na kataliwasan, kapag ito
ay nasa dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. Dito din ay
nagbigay ng sapat na halimbawa ang manunulat sa bawat kataliwasan.

Nabanggit din dito na maituturing na kambal-katinig o digrapo ang dalawang


magkadikit na katinig na pinatutunog sa loob ng isang pantig. Tinalakay dito ang mga
sumusunod: pasok ang SK, ST; walang KT; digrapong CH at SH; may SH ang Ibaloy; at may
TH at KH ang Meranaw. Sa mga nabanggit na natalakay ay nagbigay ng mga halimbawa ang
may akda upang sa ganoon ay mas maging malinaw sa mga mambabasa ang ibig nitong
sabihin.

Kapansin-pansin din na maayos ang bawat dibisyon ng paksa na sakop ng palitang E/I
at O/U. Ipinaliwag dito ang displina sa pagbibigkas ng E/I at O/U; senyas sa Espanyol o sa
Ingles; kapag nagbago ang katinig; epekto ng hulapi; kailan di nagpapalit; kapag bago ang
kahulugan at ang panghuli ay ang huwag baguhin ang dobleng O.

Kabilang sa sakop ang kasong Din/Rin, Daw/Raw. Ginamitan ng iba’ibang


halimbawa ang paksang ito upang sa ganun ay mas maintindahan ng mambabasa ang
pagkakaiba ng din at rin, daw at raw. Tinalakay rin dito ang “D” kahit kasunod ng patinig.
Nagbigay ng mga palatandaan ang KWF para sa tuntunin ng pagsulat.

Kaugnay din ang pagpapaunawa ng gamit ng “Nang”. Nagbigay siya ng limang (5)
tuntunin upang higit na matandaan ang tiyak na gamit ng “nang”. Ito ay, una, ginagamit ang
nang na kasingkahulugan ng noong. Ikalawa,ginagamit ang nang na kasingkahulugan ng
upang o “para”. Ikatlo, ginagamit ang nang katumbas ng pinagsamang na at “ng”. Ikaapat,
ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan o sukat (pang-abay na pamaraan at pang-
abay na panggaano). at ang ikalima, ginagamit ang nang bilang pag-angkop ng inuult na
salita. Ngunit nasabi din dito na may mga pagkakataon na bukod sa mga nabanggit na lima ay
kailangang gamitin ng ng. At sa pagkakataong ito may mga naibigay na halimbawa para mas
malaman at maunawan ang wastong gamit nito.

Tumutukoy ang tuldík sa diin o marka na inilalagay sa ibabaw ng patinig ng salita


upang ipahiwatig ang tamang bigkas ng salita. Sa Filipino karaniwang binibigkas nang may
diin ang mga salitang may higit sa isang pantig. Tinatawag rin itong asénto, istrés o
stress.Katumbas rin ito ng punto na maaaring tumukoy sa rehiyonal na tunog sa mga salitang
Filipino.

Ipinapahiwatig ng mga tuldík ang natatanging tunog ng wikang Filipino. Sa unang


pinalaganap na balarila, umimbento si Lope K. Santos ng tatlong tuldik ang pahilis, ang
paiwa at ang pakupya na batay sa bilis ng pagbigkas at sa posisyon ng diin sa mga pantig sa
loob ng salita.

Mahalaga ang pagtutuldík upang maging malinaw ang tamang bigkas lalo na’t
napakarami ng mga salita sa Filipino ang iisa ang baybay ngunit nagkakaiba ang kahulugan
dahil sa diin. Bukod pa rito, maaari ring magkaroon ng higit sa isang tuldík ang isang salita

13 | P a g e
tulad ng salitang kapangyarihan o kaya naman maaaring mabago ang posisyon ng tuldík dahil
sa paglilipat ng diin na nagaganap sa paglalapi sa mga salita.

Sa pagsulat ng isang sanaysay, kuwento, talata, o pangungusap, ang paggamit ng


wastong bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang nais ipahiwatig ng may-akda. Isa sa
mga ito ay ang gitling o hyphen sa wikang Ingles.

Kadalasang ginagamit ang gitling kapag inuulit ang buong salitang-ugat o dalawang
pantig ng salitang-ugat. Ginagamit rin ang gitling sa pagitan ng isang unlapi na nagtatapos sa
katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula naman sa patinig. Ang paggamit ng gitling
dito ay mahalaga upang maging malinaw ang ibig ipahiwatig at hindi magkaroon ng iba pang
kahulugan ang salita subalit ito’y ginagamit rin kapag ang isang salita ay hindi na maaring
isulat pa ng buo dahil sa kakulangan ng espasyo. Ito ay nangyayari sa pagsusulat,
pagmamakinilya o paggamit ng kompyuter sa isang linya sa isang papel gayunpaman, dapat
lamang tandaan na ang pagigitling ay ayon sa tamang pagpapantig ng salita.

Bilang isang mag-aaral at guro sa hinaharap, nararapat lang na malaman at matandaan


natin kung paano gamitin ng tama ang paggigitling sa pagsusulat, pagbabaybay at iba pang
aspeto na pwedeng gamitin ang pag gitling gaya na lamang ng paggamit ng gitling sa pagitan
ng nawalang kataga o salita ng dalawang salitang pinagsama gayundin naman na nagagamit
rin ito sa isang salita na may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, tatak, simbolo, sagisag
at brand. Dapat lamang tandaang nalilipat sa pagitan ng inulit na pantig ng tanging ngalan at
ng buong tanging ngalan ang gitling kapag ang salita ay nagiging pandiwa sa hinaharap.

Konklusyon

Ang librong ortograpiyang pambansa ay maituturing na makabuluhang sulatin. Sa


librong ito, inilahad ang iba’t-ibang aspeto ng pagbasa at pagsulat gamit ang wikang Filipino.
Ang mga layunin ng may akda sa paglimbag ng libro ay nabigyang katuturan sapagkat naging
malinaw ang pagpapaliwanag ng mga paksa ng may akda.

Kaakibat ng akdang ito, mahihinuha ang mga kalakasang napapalood dito. Kabilang
dito ang masaganang nilalaman, paglalahad ng sapat na ideya sa bawat paksa na may
kaagapay na depinisyon at halimbawa at maayos na daloy ng pagkakasunod-sunod ng mga
paksa. Dagdag pa rito ay ang pagbibigay ng sitwasyon bilang halimbawa na tulad ng mga
pangyayari sa tunay na buhay.

Gayunpaman, nakikitaan ang librong ito ng kahinaan. Isa na rito ang problema sa
kalinawan ng mga kaisipan dahil kung susumahin, ang libro ay hindi maiintindihan ng
pangkaraniwang tao. Gayundin ang hindi pagkaka-ayon sa istilo ng pagbibigay halimbawa ng
bawat paksa.

Batay sa mga ideyang nabanggit, nangangailangan ang aklat na ito ng pagbabago. Isa
sa mga dapat bigyang pansin ay ang paglinang sa mga ibinibigay na halimbawa. Sa
pamamagitan nito ay maaaring mapahusay ang pagpapaliwanag ng bawat paksa. Bagaman
ang aklat ay masasabing malaman, kinakikitaan pa rin ito ng kahinaan na nangangailangan ng
kalinangan.

14 | P a g e

You might also like