You are on page 1of 4

PANGALAN: Mencae Marae T.

Sapid DEGREE PROGRAM AT TAON: BSED English 3

KLASE SA DALFIL: 6094 9:00-10:30 TTH Petsa: September 8, 2021

PAKSA (BALITA):
SANGGUNIAN:

Coloma, A. Paggamit ng Filipino sa pagbibigay-alam sa COVID-19 hinimok ngayong


Buwan ng Wika. (2020). ABS-CBN News. Retrieved from: https://news.abs-
cbn.com/news/08/01/20/paggamit-ng-filipino-sa-pagbibigay-alam-sa-
covid-19-hinimok-ngayong-buwan-ng-wika

Mga dapat punan:

1. Magbigay ng tatlong (3) damdamin na napaloob sa paksa o isyu ng inyong paksang


binasa at ipaliwanag ang damdaming inyong naramdaman sa paksa o kaganapan. (9
puntos)

a. Nagpapasalamat
Nagpapasalamat ako sa mga kasama sa KWF kasi may ganito silang ideya na
para sa lahat ng mamayang Pilipino. Binigyan nila ng konsiderasyon ang mga
mamayan na nahihirapan intindhin ang Ingles sa mga protokol ukol sa
COVID19. Isinalin nila ito sa iba’t ibang wika sa bansa para mas maintidihan
nga mga tao.

b. Naliwanagan
Naliwanagan ako dahil ngayon ko palang nalaman na ang Commission on The
Filipino Language (CFL) ay ang Ingles sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).
Palagi ko kasi itong naririnig sa mga balita di ko alam na iisa lang pala sila.
Dahil dito mas lalo akong namangha dahil ganito sila ka aktibo sa kanilang
komisyon.

c. Masaya
Masaya ako kasi ginagamit nila ang ating sariling wika upang ipagbuklod ang
mga mamayan kahit iba’t iba ang ating mga lenggwahe. Lalo nating
pinatunayan na tayong mga Filipino ay nagkaka-isa sa anumang sakuna.

2. Anu-ano ang mga sinasang-ayunan mo sa mga kaganapan sa paksa? (3 puntos)

Sang-ayon ako sa lahat ng ginawa ng mga taga KWF isa na rito ang pagsalin ng
mga protokol sa iba’t ibang mga lenggwahe na naaayon sa kanilang lugar.
Nagpapakita kasi ito ng pagka-makatao ng mga Filipino sa kapwa. Hindi ko naman
sinasabi na hindi marunong sa Ingles ang mga tao na walang pinag- kung hindi
mas binagyan linaw ng KWF ang pag gamit ng sariling wika sa mga impormasyon
ukol sa COVID19. Mas maiinitidihan kasi nga mga mamayan impormasyon kung
kabisado nila ang wika na ginamit rito.
3. Anu-ano ang mga hindi mo sinasang-ayunan sa mga kaganapan sa paksa? (3
puntos)

Hindi ko sinang-ayonan ang rason kung bakit ginawa ito ng KWF. Batay sa balita
nabuo ang ideya ng pagsalin ng mga protokol sa COVID19 sa Filipino dahil sa
buwan ng Agosto. Ipinagdiriwang kasi dito ang Buwan ng Wika na may temang
“Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino”.
Para sa akin ginawa nila itong dahilan kung bakit naisip nila ang pagsalin ng mga
protokol. Hindi naman siya masama pero sana naisip nila ito hindi sa kadahilan ng
pagdiriwang sa Buwan ng Wika pero para sa kabutihan na buon sambayanan.

4. Magbigay ng dalawang (2) pag-uugnay sa nasabing paksa? (maaaring I-ugnay sa


simbolo) (10 puntos)

Halimbawa: Ang buhay ay parang isang gulong dahil…

Ang mga paksang nabasa ay parang isang…

a. Ang balitang nabasa ko ay parang kadena dahil ginamit nila ang Wikang
Filipino sa pagkakaisa ng bawat mamayan sa panahon kung saan marami ang
nawawalan ng pag-asa at gusto ng sumuko. Ginawa kasi nilang instrumento
ang Wikang Filipino sa pagkakaisa. Ang Wikang Filipino ay siyang nag
dudugtong sa mga tao upang magkaisa sap ag unawa at sa laban ng
pandemya.

b. Ang paksa na nabasa ko ay parang isang bibliya kung saan isinalin sa iba’t
ibang wika para lamang maintindihan ng mga taong naninirahan at gumagamit
ng ibang wika. Ganoon din ang ginawa ng KWF na pinamumunuan ni Arthur
Cassanova kung saan isinalin din niya ang mga protokol at impormasyon sa
COVID19 sa iba’t ibang lenggwahe.
5. Anong aral ang maaaring makukuha sa paksa o kaganapang binasa? (5 puntos)

Ang aral na nakuha ko sa paksa ay ang pagiging makatao. Nalahad kasi dito na
sa panahon ngayon mas importante ang PAGKAKAISA kaysa sa pagiging
MAKASARILI. Napagtanto ko na may mga mabubuti paring mga tao sa gobyerno
kasi iniisip parin nila ang kanilang serbisyo sa sa bansa. Kaya nais ko intong e-
apply sa aking buhay na lagging unawain ang sitwasyon ng iba kasi naniniwala
ako sa kasabihan “Di lahat ng tao ay pare-pareho kaya wag mong sabihin na kaya
din nila kung ano ang kaya mo.”

You might also like