You are on page 1of 2

Bulacan State University

Lungsod ng Malolos, Bulacan

Panulaang Filipino

Lit 301A

Gawain 3:
Mapagmuning Papel

Pangkat 5:
Baquing, Maricris A.
Cruz, Princess Aj V.
Garcelis, Roselie Anne G.
Pahati, Marinella A.
Saurane, James Andrew C

Makapangyarihan na walang laya

Ang kultura ay ang pagsasalin-salin ng tradisyon ng isang tao o komunidad. Ito ay


pinaghalong tradisyon ng mga bansang sumakop at mga katutubo. Isa ang Pilipinas sa mga
bansang may napakayamang kultura dahil sa mga natatanging kaugalian at tradisyon mula noon
hanggang ngayon. Ang Kulturang Pilipino ang sumasalamin sa nakaraan. Mula sa mga bagay na
ginagamit ngayon sa pang-araw-araw hanggang sa mga bagay na dinadaan-daanan lamang, lahat
ng ito ay bahagi ng mga kultura ng Pilipino. Narito ang iba’t ibang kulturang Pilipino na dapat
mong malaman.

Mababakas ang mayamang kasaysayan ng Pilipinas sa nakaraan, at hindi lang ito


makikita sa mga sikat na museo sa bansa dahil kung iyong pagmamasadan at susuriing mabuti,
Kulturang Pilipino ang sumasalamin at nakadadagdag ng ganda sa bansang Pilipinas. Tulad na
lamang sa dokumentaryong isinagawa ng Journalist na si Ms. Kara David na pinamagatang “Ang
Huling Prinsesa” na makikitang ang mga mamamayan dito ay pinepreserba o pinapanatili parin
ang nakasanayang kultura. Mayroon ditong pinakilalang mga baabeng kung tawagin ay
“binukot” na itinatago sa isang kubo at namumuhay na parang isang prinsesa sapagkat sila ay
binubuhat sa pamamagitan ng isang duyan upang hindi maputikan ang kanilang mga paa, upang
hindi masilayan ninuman ang kanilang mukha ay palagi nila itong tinatakpan. Palagi silang
sinusuklayan, maging sa pagkain sa kanila ang unang sandok sa pagkain. Sa kabila ng kanilang
pribilehiyong tinatamasa ay may kaakibat itong suliraning masasabi dahil ang mga binukot ay
hindi nakagagawa ng sariling nais gawin, hindi nakapag-aaral ni nakapaglalaro o gumawa ng
hindi naatas sa kanilang gawain. Ang mga iniatas o pinagagawa lamang sa kanila ay pag-aralan
ang kanilang katutubong-sayaw at umawit ng pagkahaba-habang epiko at mga ritwal. Sa
pagsasagawa ng mga ito ay naipapamalas at napangangalagaan nila ang kanilang kultura at
nakapagsasalaysay ng isang epiko.

Sa una, masasabing napaka sarap mabuhay bilang isang prinsesa sa lugar na ito o binukot
kung tawagin, mararanasan mo ang mga pribilehiyong hindi nararanasan ng mga taong hindi
itinuturing na kaisa dito. Ngunit kung susuriing mabuti ay tila ang mga prinsesang ito ay
nakakulong na sa kulturang kanilang pinangangalagaan, imbes na sila ay nakapag-aaral o
nagagawa ang mga naisin ay nahaharangan ng mga batas ng kanilang tribo. Mababanaag na
limitado lamang ang kanilang kaalaman ukol sa mga bagay-bagay. May isang pangyayari ngang
naging mitsa upang ipatigil ang kulturang ito, nang sakupin noon ang kanilang bayan ay marami
ang napaslang dahil sa wala silang gaanong kaalaman sa pakikidigma at mahihina rin ang
kanilang pangangatawan dahil dito napagpasyahan ng mga tao roon na hindi na pwerdahan o
hindi na kailangang lahat ng mga batang babae ay gawing binukot, desisyon na ito ng mga
magulang kung kanilang ibibilang o isasali ang kanilang mga anak para maging prinsesa ng
tribo, tulad ni Frederico na nais ipagpatuloy ang kultura ng kanilang bayan. Kung
mapagpasyahan man nilang hindi isama sa pagiging binukot ang mga anak ay mag-aaral o
pahihintulutan nang gawin ang kanilang nais at sa pamamagitan nito ay makasasabay na sila sa
ibang kabataang nakapag-aaral.

You might also like