You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV A - CALABARZON
Division of Bacoor City

BACOOR NATIONAL HIGH SCHOOL –VILLA MARIA ANNEX


Molino IIII, Bacoor City, Cavite

FILIPINO 7
IKALAWANG MARKAHAN

MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 4

PANGALAN: PETSA: _
PANGKAT: GURO:

I. Panuto: TAMA O MALI. Basahin ng maayos ang bawat tanong. Isulat ang “Tama” sa puwang na nakalaan kung ang
pangungusap ay nagsasad ng tama, at “Mali” naman kung hindi.

________ 1. Ang kasukdulan ang tulay sa wakas.


________ 2. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
________ 3. Ang maikling kuwento ay may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon, may isang
kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
________ 4. Tinatawag na tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento.
________ 5. Ang paksa ang pinakamensahe ng kuwento.

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Ito ang pinakamadulang bahagi ng maikling kwento kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

a. kakalasan b. kasukdulan c. tunggalian d. wakas

7. Bahagi ng maikling kwento na siyang ginuguhitan ng mga pangyayari sa kwento.


a. simula b. gitna c. banghay d. wakas

8. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya.


a. suliranin b. tunggalian c. kakalasan d. kasukdulan

9. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
a. pabula b. epiko c. maikling kwento d. dula

10. Ito ang problemang kakaharapin ng tauhan sa kuwento.


a. suliranin b. tunggalian c. kasukdulan d. kakalasan

You might also like