You are on page 1of 12

Morpolohikal na Barayti ng Dayalektong

Ayangan sa Bimpal at Magulon, Lamut, Ifugao


Nina:
Dulnuan, Jovani
Bangachon, Karen
Culiplip, Angelica
Dulnuan, Bea
Padiangan, Novelia
Kabanata 1
Ang Suliranin at Sanligan Nito
❏ Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tukuyin ang
morpolohikal na barayti ng diyalektong Ayangan sa dalawang
barangay ng Lamut, Ifugao.
❏ Sasaliksikin ito sapagkat ang wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at
pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. 
Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Morpolohikal na Varayti
ng Dayalektong Ayangan sa Bimpal at Magulon, Lamut, Ifugao ay
mapakikinabangan ng sumusunod:
Mga Ayangan sa Ifugao
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga Ayangan nang may
kamalayan sila sa morpolohikal na varati ng kanilang wikang
ginagamit.
Mamamayan ng Ifugao
Mahalaga ang pananaliksik na ito para sa mamamayan ng Ifugao.
dahil lahat ng taga-Ifugao ay marunong magsalita at
nakaiintindi ng dayalektong Ayangan at makatutulong ito
para magkaroon sila ng kaalaman sa morpolohikal na
varayti ng dayalektong Ayangan sa Bimpal at Magulon,
Lamut, Ifugao.
Susunod na mananaliksik
Makatutulong ang resulta ng pag-aaral sa mga susunod na
mananaliksik dahil magiging basehan nila ito sa kanilang
pananaliksik na may kaugnay sa pananaliksik na ito.
Paradima ng Pag-aaral
Layunin ng Pag-aaral

1. Matukoy ang morpolohikal na varayti ng wikang Ayangan na matatagpuan


sa Bimpal at Magulon, Lamut, Ifugao lalo na sa sumusunod:
a. mga salita na magkasimbaybay at magkasingkahulugan
b. mga salita na may pagkakatulad ang anyo ngunit iba ang kahulugan
c. mga salita na may magkaibang katawagan ngunit pareho ang
kahulugan
d. mga salita na magkaiba ang baybay at kahulugan
2. matukoy ang dahilan kung bakit may baryasyon sa dayalektong Ayangan sa
Bimpal, at Magulon, Lamut, Ifugao, at
3. makabuo ng isang Strategic Intervention Material para sa Grade 11.
Kabanata II
Disenyo ng Pananaliksik
● Ang pag-aaral na ito ay kwalitatibong uri ng pananaliksik na
gagamitan ng palarawang paraan.
● Gagamitan din ito ng gabay na talatanungan para sa isasagawang
panayam.
● Sa pagsusuri at pag-aanalisa, ang mga datos ay lalapatan ng
pagsusuring istruktural upang maipakita ang sistemang pangwika ng
mga Ayangan sa dalawang barangay ng Lamut, Ifugao.
Lugar ng Pananaliksik
Isasagawa ang pananaliksik sa Probinsya ng Ifugao,
Munisipalidad ng Lamut partikular sa Brgy. ng Bimpal at
Magulon. Napili ng mga mananaliksik na sa Bimpal at
Magulon, Ifugao isasagawa ang pakikipanayam sa
kadahilanang halos lahat ng mga mamamayan sa
nasabing dalawang barangay ay Ayangan at kakaunti
lamang ang mga Tuwali at Ilokano na nakatira doon.
Mga Tagatugon
Ang mga tagatugon sa pag-aaral ay mga katutubong Ayangan sa
Brgy. ng Bimpal at Magulon, Lamut, Ifugao. Gagamitin ang
purposive sampling para matukoy ang mga magiging tagatugon
ng pag-aaral. Ang mga tagatugon ay pipiliin batay sa sumusunod
na pamantayan:
dalawampung taon (20) pataas nang naninirahan sa Bimpal at
Magulon, Lamut. Ifugao;
nakapagsasalita at nakauunawa ng wikang Ayangan, at
katutubong Ayangan na may edad limampu (40) pataas.
Paraan ng Pangangalap ng Datos
1. Magsasagawa ang mananaliksik ng sulat para sa dalawang kapitan ng Barangay
Bimpal at Barangay Magulon.
2. Magtatakda ang mananaliksik ng araw kung kailan nila isasagawa ang
pakikipanayam.
3. Unang pupuntahan ng mananaliksik ang mga mamamayan ng Bimpal bago ang
barangay ng Magulon, Lamut, Ifugao.
4. Tatanungin ng mananaliksik ang pangalan ng mga tagatugon.
5. Isasagawa din ng mga kasunod na tanong ang mananaliksik sa mga tagatugon
upang matasa ng mananaliksik ang katumpakan ng mga salitang Tagalog na
isinalin. Matapos ang pakikipanayam ng mga mananaliksik sa mga kalahok ng
pananaliksik ay dumaan sa pagkukumpara ang mga datos na nakalap.
Mga Instrumentong Gagamitin
Ang sumusunod ay ang mga kagamitang gagamitin
upang maisagawa ang pag-aaral na ito: Camera, sa
pagkuha ng imahen para sa dokumentasyon sa
isasagawang panayam.
Gabay na talatanungan, gagamiting gabay para sa
isasagawang panayam.
Pag-aanalisa sa mga Datos
Pagkatapos masuri ang mga datos ay aalamin ng mga
mananaliksik ang mga salita na may pagkakatulad na anyo, mga
salita na may pagkakaibang anyo, mga salita na magkatulad ang
anyo ngunit iba ang kahulugan, at mga salita na magkaibang
katawagan ngunit iba ang kahulugan. Sinuri din ng mga
mananaliksik kung magkalapit ang baybay ng mga salitang may
magkapareho ang kahulugan.

You might also like