You are on page 1of 15

Paalala.

Ang mga babasahing ito ay para lamang sa mga


estudyante sa BEED 1, BSED major in Mathematics at BSED
English 1A at 1B ng BISU Calape Campus. Mahigpit na
ipinagbawal ang papapasa at pag po-post nito sa alinmang
Social Media on website sa internet. Kailangan ang pahintulot
ng manunulat.

SOSLIT:
SOSYEDAD AT LITERATURANG PANI

1
TALAAN NG NILALAMAN

Nilalaman Pahina
Aralin 1 Batayang Kaalaman sa Panunurng Pampanitikan 4
 Kahulugan ng Panitikan 4
 Mga Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikan 4
 Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan 5
 Mga Pagdulog at Teorya sa Pag-aaral ng Panitikan 5
 Mungkahing Babasahin
o Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla 10
Aralin 2 Panitikan Hinggil sa Kahirapan 14
 Kahulugan ng Kahirapan 14
 Mga Sanhi at Epekto ng Kahirapan 14
 Mungkahing Babasahin
o Kwentong Kahirapan ni Jello de los Reyes 15
Aralin 3 Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao 25
 Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao 25
 Mga Uri ng Karapatang Pantao 26
 Mungkahing Babasahin
o Ang Nagbubunga at Makapupuksa ng mga
Halimaw ni Maryjane Alejo 27
Aralin 4 Panitikan Hingil sa Isyung Pangmanggagawa, Pangmagsasaka 30
at Pambansa
 Maikling Kasaysayan ng mga Karapatan ng Manggagawa 30
 Mga Mahahalagang Karapatan ng Manggagawa 31
 Mungkahing Babasahin
o Asukal ni Rustum Casia 32
o Isyu sa Sahod, Endo Kakaengganyo ng First-Time 34
Protesters sa Labor Day
Aralin 5 Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian 37
 Mungkahing Babasahin
o Sirena ni Gloc 9 38
Aralin 6 Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng gma Pangkat Minorya 43
 Kahulugan ng Pangkat Minorya 43
 Mungkahing Babasahin
o Katutubo ni Taya Remo Fenis 43
Aralin 7 Panitikan Hinggil sa Diaspora/Migrasyon 46
 Kahulugan ng Migrasyon 46
 Mungkahing Babasahin
o OFW* sa Gitna ng Disyerto ni Noel Malicdem 46
Sanggunian 52

2
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon
sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan ng
bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang
Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian,
sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado at iba pa.

Mga Layunin
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may
kabuluhang panlipunan.
Kasanayan
1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
2. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan at mapahalagahan ang
dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.
2. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang
pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay.

Mga Mag-aaral
Bachelor of Elementary Education – Unang Antas
Bachelor of Secondary Education major in English & Mathematics – Unang Antas

Nakatalagang Oras
Unang Semestre – 54 na oras – 18 linggo

Mga Kasanayang Kinakailangan


1. Reading with comprehension
2. Summarization
3. Critical thinking

3
Aralin 1
Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan

Mga Layunin
Pagtapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
1. Makilala ang pagdulog o teoryang napapaloob sa isang akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang kontribusyon ng akdang pampanitikan sa buhay ng makata at sa
modernong panitikan.
3. Makabuo ng sariling akdang pampanitikang salig sa alinman sa mga pagdulog o
teoryang pampanitikan.

Nakatalagang Oras
Linggo 1 – 2 (8 oras)

Yugto ng Pagkatuto
o Kahulugan ng Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, hangarin at diwa
ng mga tao. Maaaring ito ay nangyayari sa tunay na buhay o likha lamang ng malikhaing
isipan ng tao. Tumatalakay ito sa pamumuhya, pulitika, relihiyon o pananampalataya,
pag- uugali at mga isyung panlipunan, at iba pa.
Ang panitikan ay maaaring patula tulad ng mga awit ant tula. Maaari rin itong
prosa tulad na lamang ng mga sanaysay, nobela, maikling kwento, alamat, at epiko.

o Mga Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikan


Mahalagang pag-aralan ang panitikan upang makilala natin ang ating kalinangan
at kasaysayan at mabatid na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na dapat
nating pagyamanin at ipagmalaki. Ang pag-aaral ng ating panitikan ay nagiging daan din
upang ating mapagtanto ang mga kapintasan at kagalingan nito nang sa gayon ay
makatulong tayo upang ito ay mapayabong at mapaunlad. Higit sa lahat, dapat nating
pag-aralan ang panitikang Filipino dahil tayo ay mga Pilipino. Ang ating mga panitikan ay
kasasalaminan ng ating pamumuhay, paniniwala at tradisyon bilang mga Pilipino.

4
o Kahulugan ng Panunuring Pampanitikan
Ang panunuring pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglapat ng iba’t ibang dulog kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ito ay isang pag-aaral,
pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng
buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang pamamaraan o istilo na
ginamit ng awtor. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng
obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalaga ang pagiging matapat.
Mahalaga sa panunuring pampanitikan na mabatid kung kailan isinulat ang akda
upang ito ay masuri batay sa panahong kinabibilangan nito. Dapat tandaang ito ay hindi
pamimintas. Ito ay pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan batay sa mga teorya at
pagtalakay.
Ang panunuri ay paghahanap ng estruktura samantalang ang krisitismo ay
paghahanap ng mali sa binasang akda. Sa panunuri, ang manunuri ay nagtatanong
upang maliwanagan at hindi nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya maunawaan.

o Mga Pagdulog at Teorya sa Pag-aaral ng Panitikan

Pagdulog Moralistiko
Naniniwala ang mga kritiko na hindi sapat na maipakita at mapatunayan kung
bakit at paano naging masining at malikhain ang isang akda. Dapat anila ay ipakita ang
pamantayang moral na nakapaloob sa akda. Sa pagdulog na ito, pinag-aaralan ang
panitikan at may pagtatangkang gamitin ito bilang instrument ng pagbabago ng tao at
gn lipunan. Hindi sapat na ilahad lamang ang panitikan bilang salamin ng buhay. Ilahad
ito bilang isang malikhain at masining na kaparaanan ng manunulat na maipakita ang
mga kaisipang moral, ang halaga ng tao, ang kanyang karangalan at kadakilaan.

Pagdulog Pormalistiko
Sa pagdulog pormalistiko, pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang pinag-
arlaan ang mga elementong bumubuo sa katha. Madaling naipaliliwanang ang kabuuan
ng akda kung ang mga elementong taglay lamang ng akda ang higit na pag-uukulan ng
pansin. Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral sa isang akda kung inihihiwalay ang akda sa

5
buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-alda, pangkasasayan man o panlipunan.
Ayon kay Soledad Reyes, “sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay napagtutuunan
ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kwento upang itanghal ang pagiging masining
at malikhain ng komposisyong ito”. Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-ugnay
ng mga bahagi ng katha, ang tema, ang tauhan, ang tagpuan at ang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari.

Pagdulog Sikolohikal
Tinatalakay sa mga akdang may kaligirang sikolohikal ang mga damdaming
namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din
ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo at iba pa.
Mahalagang masuri ang mga emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal.
Sa kaisipang Freudian, sinasabing patulog na hahanap-hanapin ang nakagawian na o
paulit-ulit na kilos ng tao. Diyan naglulundo ang pagkalinang ng damdaming emosyonal
at umuusbong ang mga suliraning sikolohikal.

Pagdulog Sosyolohikal
Mainam na gamitin ang pagdulog na ito sa pag-aaral ng panitikan o akdang
pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t biang kalagayang panlipunan, pampulitika,
pangkultura at pangkabuhayan. Sa pag-aaral ng akdang may pagdulog sosyolohikal ay
hindi lamang ang mga element ng akda ang pagtutuunan ng pansin kundi higit na
pansin ang iuukol sa ugnayang sosyo-kultural, political at kapamuhayan at ng
damdamin, asal, kilos, reaksyon dito ng tao.
Sa pagsusuri ng mga akda ay natatalakay ang mga kalagayang sosyal, ang
kapamuhayan, ang mga sitwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa
ganoon at ganitong buhay, mga pagkakataong nagiging sanhi o bunga ng mga pang-
aarpi at pagkaapi o dili kayaý kadakilaan, kagitingan at kabayanihan ng isang tao o
pangkat ng mga tao. Pinalulutang sa talakayan ang mga sitwasyon na naging pasimula
ng tunggalian ng tauhan.

6
Teoryang Humanismo
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatan ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Sa mga akdang
nakahabi sa pananaw na ito, ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang
pangunahing paksa. Binibigyang-tuon dito ang kalakasan at mabubuting katangian ng
tao gaya ng talino, talent at iba pa.

Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).

Teoryang Formalistiko/Formalismo
Tungkulin nito ang matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda. Layunin ng awtor na iparating sa mmbabasa ang nais niyang
ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Ibig sabihin, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Bayograpikal
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may- akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

Teoryang Arkitaypal
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo
sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan
sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang

7
lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa
mga mambabasa.

Teoryang Queer
Ang mga akdang hango sa toeryang ito ay naglalayong iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan ang mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminism, ang
mga homosexual naman ay queer.

Teoryang Imahismo
Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang
nagsasabi ng kahulugan. Kinikilala nito ang kabuluhang pangkaisipan at pangdamdamin
ng mga imaheng nakapaloob sa akda, inilalarawan nang ganap ang isang paksa at
inilalahad ito nang walang pagkiling. Ang mga mambabasa ay malayang makapamili ng
mga larawang maikikintal sa isp ng nagbabasa.

Teoryang Kultural
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.

Teoryang Realismo
Sa mga akdang taglay ang teoryang realismo, ang mga tauhan ay nagtataglay
ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay parang natural. Sa
pananaw na ito, higit na mahalaga ang katotohanan kaysa sa kagandahan ng akda. Ang
paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
Layunin ng panitikan na ipakita ang mga karanasan at nasksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningnan at
pagkaepektibo ng kanyang sulat.

8
Teoryang Feminismo
Ang panitikan na nagtataglay ng feminismo ay nagpapakilala ng mga kalakasan
at kakayahang pambabae. Layon nitong iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan at malabanan ang sistemang patriyarkal sa kababaihan.. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahing tauhan kung saan ipinamayagpag ang mabubuti at magaganda nitong
katangian.

Teoryang Romantisismo
Layunin ng teoryang ito na ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sap ag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin a gagawin ng isang nilalang ang lahat
ipang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o baying napupusuan.
May dalawang uri ang teoryang ito na kinabibilangan ng romantisismong
tradisyunal na nagpapahalaga sa halagang pantao at ang romantisismong
rebolusyonaryo na nagpapakita ng pagkamakasariling karakter ng isang tauhan

Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.

Mungkahing Babasahin
Si Alejandro G. Abadilla (AGA) ang kinikilalang “Ama ng Modernistang
Pagtula sa Tagalog”. Bukod sa pagiging makata, isa rin siyang nobelista at
kritikong pampanitikan. Sa kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat niya ang
paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo sa panitikang
Tagalog. Isa siya sa mga nanguna upang isulong ang pagpapaunlad ng
panitikang Tagalog. Nagsimulang makilala si Abadilla bilang kontrobersiyal na manunulat noong
buksan niya ang isang kolum sa pamimilì ng mahuhusay na maikling kuwento at tula. Isinilang
si AGA sa Salinas, Cavite noong 10 Marso 1906 sa isang simpleng pamilya. Nagtapos siya sa
Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas na Paaralan ng Cavite. Nakamit niya ang
9
titulong Batsilyer sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931.

10
AKO ANG DAIGDIG
Alejandro G. Abadilla
I II III IV
ako ako ako ako
ang daigdig ang daigdig ng tula ang damdaming ang daigdig
malaya sa tula
ako ako
ang tula ang tula ng daigdig ako ako
ang larawang ang daigdig
ako ako buhay ng tula
ang daigdig ang malayang ako
ang tula matapat sa sarili ako ako
sa aking daigdig ang buhay ang daigdig
ako ng tula na walang hanggan
ang daigdig ako
ng tula ako ako ang tula
ang tula ang tula ang damdamin
ng daigdig sa daigdig ang larawan daigdig
ang buhay tula
ako ako
ang walang maliw na ako ang daigdig damdamin ako
ang walang kamatayang ako ng tula larawan
ang tula ng daigdig buhay
ako tula
ako

Pag-unawa sa Binas

1. Tukuyin ang teoryang nakapaloob sa tula, ang kaugnayan ng akda sa buhay ni Abadilla
bilang isang manunulat at ang naging kontribusyon ng akda sa modernong panitikan.

Teoryang Nakapaloob sa Akda:


Pagpapatunay:
AKO ANG DAIGDIG

Kaugnayan ng Akda sa Buhay ni AGA:


Pagpapatunay:

Kontribusyon ng Akda sa Panitikan:


Pagpapaliwanag:

11
2. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan o interpretasyon ang mga bahaging tinukoy.
Bahagi ng tula Pagpapakahulugan/Interpretasyon
ako
ang daigdig

ako
ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig
ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig
ako
ang daigdig ng tula

ako
ang tula ng daigdig

ako
ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula
ako
ang damdaming
Malaya

ako
ang larawang
buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan
ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako

12
Mungkahing Gawain: Pag-isipan Mo!
Bumuo ng sariling akdang pampanitikang kakikitaan ng alinman sa mga pagdulog o
teoryang pampanitikan. Malaya kang pumili kung aling anyo ng tula ang iyong gagamitin sa
paksang iyong napili batay na rin sa pagdulog o teoryang nais pagbatayan. Pagkatapos kathain
ang akda, tukuyin at ipaliwanag ang pagdulog o teoryang pinagbatayan.

Batayang Kaalaman
Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat at naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
pinararating ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.
Ang mga elemento ng tula ay:
1. Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. May iba’t ibang uri ng sukat:
Wawaluhin, Lalabindalawahin, Lalabing-animin, Lalabingwaluhin
2. Saknong – isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod). Couplet ang tawag sa may dalawang linya, tercet kapag tatlong linga,
quatrain kapag apat, quintet kapag lima, sestet kapag anim, septet kapag pito a octave
kapag may 8 linya ang isang saknong.
3. Tugma – isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing
may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog.
Mga Uri ng Tugma
a. Tugma sa patinig (ganap) – Mahirap sumaya , Ang taong may sala
Para masabing may tugma sa patining, dapat pare-pareho ang patining sa loob
ng isang saknong o dalawang magkakasunod o salitan.
a a a
a a b
a b a
a b b
b. Tugma sa katinig (di-ganap)
unang lipon – b, k, d, g, p, s, t
ikalawang lipon – l, m, n, ng, r, w, y

13
4. Kariktan – kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
5. Talinghaga – sangkap ng tula na tumutukoy sa natatagong kahulugan ng tula

Mga Anyo ng Tula


1. Malayang Taludturan – isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung
hindi ang anumang naisin ng sumusulat. Ito ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro
G. Abadilla.
2. Tradisyunal na tula – anyo ng tula na may sukat, tugma at mga salitang may malalim na
kahulugan.
3. May sukat na walang tugma
4. Walang sukat na may tugma

RUBRIK SA PAGTATAYA NG TULA


10 – Napakagaling 6 - Katamtaman
8 – Magaling 4 - Nangangailangan ng pagsasanay

Pamantayan 10 8 6 4
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
Pagpapakahulugan makahulugan makahulugan ang may lalim ang literal ang
ang kabuuan ng kabuuan ng tula kabuuan ng kabuuan ng
tula. tula tula
Pagbaybay Walang kahit na May isa o May 2-5 salita Lima o higit
isang mali sa dalawang salita ang maling pang mga
pagbaybay. na mali ang baybay salita ang may
pagbaybay maling baybay.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng Wala ni isang
Paggamit ng simbolismo/pahi simbolismo/pahi- 1-2 pagtatangkang
Simbolismo watig na watig na simbolismo na ginawa upang
nakapagpaisip sa bahagyang nakalito sa makagamit ng
mga nagpaisip sa mga mga simbolismo
mambabasa.Pilin mambabasa.May mambabasa.
g-pili ang mga ilang piling salita Ang mga
salita at at pariralang salita ay di-
pariralang ginamit gaanong pili.
ginamit.

14
Paalala: Ang lahat ng inyong awtput at mga kasagutan ay isulat sa
isang long bondpaper at ilagay sa sa folder na may kulay pula.

Hintayin lamang ang aking mensahe sa messenger kung kailan ipapasa ito.

Kung may katanungan, magpadala lang ng mensahe

Guro: Stanley O. Rasonabe, LPT, CoE, MATFIL


Contact Number: 0951-7133410
Email Address: stanleyrasonabe@gmail.com
Facebook / Messenger: Stanley Rasonabe

15

You might also like