You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Name: RHEALYN L. GALLO


Course: BSED 3B (Filipino)
Subject: ELECTIVE 2
Teacher: Lhea Castro
Date: June 22, 2022

GAWAIN 2

CHED MEMORANDUM No. 59 s. 1996


o
“New General Education Curriculum” (GEC)

Itinatakda ng Artikulo XIV Seksyon 6 ng 1987 Kostitusyon na ang


Filipino bilang wikang pambansa ay itinatadhanang opisyal na wika ng
edukasyon. Bilang pagtugon, ang Commission on Higher Education o CHED na
itinatag noong 1994 sa bisa ng Commission on Higher Education Act ay
nagpalabas ng kanyang kauna-unahang kautusan noong 1996. Ito ang CHED
MEMORANDUM No. 59 s. 1996 o “New General Education Curriculum”
(GEC). Isinasaad ng kurikulum na ito na simula 1997, ang GEC-Filipino
rekwayrment ay siyam (9) na yunit katumbas ng tatlong (3) kurso / sabjek
para sa Humanities, Social Sciences at Communication o HUSOCOM na
mga digri.

Ang CHED ng kautusan at ito ay ang Commission Memorandum (CM)


No. 04 s. 1997, ang “Guidelines to Implementation of CMO No. 59 s. 1996 (GEC).
Dito, nakasaad ang anim (6) na yunit ng Filipino rekwayrment katumbas ng
dalawang (2) kurso/sabjek para sa mga digring di-HUSOCOM. Sapagkat
magsasampung taon na ang implementsyon ng nasabing memorandum noong
2007, nakita ang pangangailangan sa pagsasagawa ng ebalwasyon.

Benapisyaro ng CHED MEMO no. 59, s. 1996

Ang CHED MEMO no. 59 s. 1996 ay nakakatulong ng mga mag-aaral na


kumukuha ng edukasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Makadebelop ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng mataas,
kritikal at masining na pag-iisip at mas malawak na pagkaunawa at gawaing
pagpapahayag sa iba’t ibang tunay na sitwasyon;
2. Mapalawak ang siyentipiko at teknolohikal na kaalaman at kakayahan
bilang dan sa pagpapalago ng mga nakataong kalakasan para sa sariling pag-unlad at
pagtataguyod ng kagalingang panlahat;
3. Madebelop at maliwanagan ang mga mag-aaral sa kanilang pangako sa
pambansang mithiin sa pamamagitan ng pag-unawa, pagpapanatili at pagpapaunlad
ng mga kaaya-ayang tradisyon at pagpapahalaga nng lahing Pilipino;
4. Makapagtamo ng produktibo at entreprenyurial na kakayahan,
kagandahang-asal sa trabaho at kaalamang pangkabuhayan ng mahalaga sa
matalinong pagpili at pagpapakadalubhasa sa magiging propesyon.
5. Makatamo ng mga kaalaman, makahubog ng mga kanais-nais na pag-uugali
at matutunan ang mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga sa pagkaunawa sa
kalikasan at hangarin ng tao sa sarili, kapwa tao at sa iba pa, kultura at lahi sa sariling
bansa at maging sa komunidad ng mga nasyon; at
6. Mapataas ang sariling kakayahan at pagpapahalaga sa sining at isports.
Sa pangkalahatan, ang CHED MEMO no. 59, s. 1996 ay nakatutulong na
makadebelop ng mga mag-aaral na nagtataglay ng sapat na mga kaalaman,
kakayahan, at kasanayan sa paggamit ng akademikong wika sa pakikipagtalastasan
upang masabing mahusay at mabisang komyunikeytor sa Filipino.

Saligan ng Pagkakabuo ng Asignaturang Pagtuturo at Pagtataya sa Panitikan


Legal na batayan ng paggamit ng Wikang Filipino bilang wika ng edukasyon.
Isinasaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon…”Ukol sa mga layunin nng
komunikasyon at pagtuturo ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang itinatadhana ang batas, Ingles…”Kung kaya’t ang Pananaw sa Wikang
Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseo ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng
wika para sa iba’t ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag (KWF
Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).

You might also like