Professional Documents
Culture Documents
Lesson Plan in Aralin Panlipunan
Lesson Plan in Aralin Panlipunan
I. Layunin:
Naipapaliwanag ang Konsepto ng Pagkonsumo
(AP9MKE- Ig- 15)
KBI- Maging Matipid
II. Nilalaman
A. Paksa: Ang Konsepto ng Pagkonsumo
B. Sanggunian: Ekonomiks (Batayang Aklat IV. 200. Pp. 84)
C. Kagamitan: Manila Paper, Marker, Construction paper, Bond paper
D. Konsepto:
Ang Pagkonsumo ay pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ng
tao upang makamit ang kasiyahan.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagtatala ng liban
3. Pagbabalik aral
Ganun na nga, ang gaLing, ito ang Ang pagkonsumo ay ito ang pagbili ng
pagbibili o pagkonsumo. Sino sainyo ang ating pangangailangan at kagustuhan.
susubok na ipaliwanag kung tungkol
saan o anu ang pagkonsumo?
Pagkonsumo
- Ito ay tumutukay sa
pangangailangan at kagustuhan
ng tao upang makamit ang
kasiyahan
- -paggamit at pagbili ng mga
produkto , serbisyo, at kalakal
Produktibo Pagkonsumo
- Ay ang pagkonsumo ng mga
kalakal para gawin itong
panibagong produkto. Halimbawa
ang pagbili ng harani, itlog at
asukal ng panadero.
Tuwirang Pagkonsumo
- Ay tumutukoy sa pagkonsumo ng
mga mamamayanan dahil
kailangan nilang tumugon sa sarili
nilang kailangan at kagustuhan.
Halimbawa nito pagbili ng mga
damit, pagkain, at gadgets.
Mapanganib Pagkonsumo
- Ay tumutukoy sa pagtangkilik sa
mga bisyo. Halimbawa ang
sigarilyo at drugs.
Maaksayang Pagkonsumo
- Ay pagkonsumo sa mga
produktong hindi naman kailangan
ng tao.
B. Mga Gawain:
b. 1 : Ngayon tapos na ang ating talakayan, may ipapakita akong
larawan bilang gabay niyo sa pagsagot “ipaliwanag ang konsepto ng
pagkonsumo”.
b. 2: Pangkatang Gawain:
Ngayon gagawa kayo ng apat na grupo, simulan ang pagbilang pa
counter clock wise . Ngayon pumunta kayo sa kanya kanyang grupo.
Criteria Puntos
Pagiging malikhain 15
Nilalaman 20
Kabuuan 50
C. Pangwakas na Gawain
Pagbubuod
Anu ang konsepto ng pagkonsumo?
o Ang konsepto ng pagkonsumo pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan ng tao upang
makamit ang kasiyahan.
Aplikasyon
Paano mo ito iaapply sa araw-araw ang konseptong ng
pagkonsumo? Magbigay ng halimbawa.
o bilang isang mag aaral magagamit ko ang kaalaman
sa konsepto ng pagkonsumo sa pamamagitan ng
pagtitipid lalo na ngayong may pandemyang ating
kinakaharap.
IV. Ebalwasyon. :
Ipaliwanag ang konsepto ng pagkonsumo at
magbigay ng halimbawa
Paghambingin ang mga uri ng pagkonsumo
V. Takdang Aralin:
Ano ano ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagkonsumo.
INIHANDA NI :
JOAN L. ROBLES
BSED SOC SCI 3D