You are on page 1of 12

IKALAWANG MARKAHAN - MODULE 3.

A
Pagsasaalang- alang ng Karapatan ng Iba

BILLIE ROSE C. MATABANG


May-akda

1
Talaan ng Nilalaman

Aralin 6: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba

Alamin………………………………………………………………..4

Subukin……………………………………………………………….4
Balikan……………………………………………….……….….…...5
Tuklasin…………………………………………….………………….6
Suriin…………………………………………………………………...7
Pagyamanin……………………………………………......…...…. 8
Isaisip…………………………………………….…….………………8
Isagawa…………………………………………………………....…9
Tayahin…………………………………………………………..…....9
Buod…………………………………………………………………………....…..…10

Susi ng Pagwawasto………………………………………………………….……12
.

Sanggunian………………………………………………………………...……..…12

2
Mga Icon ng Modyul na ito:

Sa bahaging ito inilalahad ang mga layunin o mithiing dapat


Alamin matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano ang iyong
natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


Balikan pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa nagdaang
aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong


Suriin matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan at


Pagyamanin magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


Isaisip natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon
Isagawa
sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat modyul upang


masukat ang kaalaman at kasanayan na natutunan ng mga nag-
Tayahin
aaral.

Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang ibibigay sa iyo upang


pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa aralin na
Karagdagang
natutunan. Ito rin ay nagpapanatili ng mga natutunan na
Gawain
konsepto.

Susi sa Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang mga aktibidad at


Pagwawasto pagtatasa.

3
Alamin
Sa modyul na ito ay nagpapahintulot na magagamit ito sa maraming iba't ibang mga
sitwasyon sa pag-aaral. Ang wika na ginamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inaayos upang lubusang maunawaan at
mapadali ang pag-aaral. Matutunan mo kung bakit kailangang isaalang alang o igalang ang
karapatang tinatamasa ng iba.

Matapos mong gamitin sa pag-aaral ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Aralin 6: Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba.


EsP5P-II-g-27

Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga karapatang pantaong nakatakay sa nakaraang aralin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano mo pahahalagahan ang mga karapatan ng kapuwa mo mag aaral?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Aralin 12
Pagsasaalang – alang ng Kaparapatan ng
Iba

4
Balikan

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Isulat ang M kung


magpapaubaya. Isulat ang HM kung hindi magpapaubaya.

_____________1. Nangako ka sa kaibigan mo na dadalo ka sa pagdiriwang ng kanyang


kaarawan. Inutusan ka ng nanay mo ng napakaimportanteng gagawin.
Itutuloy mo pa rin ba ang pagpunta sa kaarawan ng kaibigan mo?

_____________2. Marami kang alagang pato. Wala kayong ulam. Sinabi ng nanay at tatay
mo na katayin ang isa sa mga pato. Ano ang magiging desisyon mo?

_____________3. Gusto ng kapatid mo na pumasyal kayo sa parke ngunit wala ang iyong
mga magulang. Ano ang gagawin mo?

_____________4. May sakit ang ate mo. May usapan kayong magkakaibigan na manood ng
sine. Walang makakasama ang nanay mo sa pag-aalaga ng kapatid mo.
Ano ang gagawin mo?

_____________5. Umiiyak ang kapatid mo dahil nakita niyang kumakain ka ng ice cream.
Huling piraso na lang ang nabili mo. Ano ang gagawin mo?

5
Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento. Alamin kung ano ang naging nahinaan ni Karding.

“Si Karding Lang ang Mahusay”

Kilala si Karding bilang mahusay na mag-aaral. Mataas palagi ang nakukuha niya sa
pagsusulit at paniguradong matataas ang markang nakukuha niya dahil siya ang nangunguna sa klase.
Isa siyang mabuting mag aaral maliban sa isang kahinaan. Si Karding ay hindi marunong tumanggap
at gumalang ng saloobin o opinyon ng iba. Para sa kanya siya lang ang mahusay at tama sa lahat ng
bagay.
Matagal nang napapansin ng kanyang guro na si Ginang Sharon ang ugali niyang ito. Kapag
may kaklase siyang naiiba ang sagot, agad nagtataas ng kamay si Karding upang mapatigil ito.
Ngunit kung siya naman ang nagbibigay ng opinyon, hindi siya maaaring punahin o salungatin. Lalo
na sa mga pangkatang gawain ay ipinipilit ni Karding ang kanyang gusto.
Kinausap na siya ng kanyang guro patungkol sa pag uugali niyang ito, ngunit hindi siya
nakikinig. Dahil dito, nakaisip si Ginang Sharon ng paraan kung paano matutulungan si Karding sa
kanyang kahinaan. “Mga bata, magkakaroon kayo ng isang pangkatang gawain, hahayaan ko
kayong sumali sa pangkat na gusto ninyo.Magtatalaga muna tayo ng mga pinuno sa bawat
pangkat.Sino ang mga nais maging pinuno?” wika ng Guro. Tulad ng inaasahan hindi nagpahuli si
Karding sa pagtaas ng kanyang kamay.
Sa bawat pangkat ay nagkaroon ng pinuno at nabuo na rin ang mga miyembro. Ngunit
napansin ni Ginang Sharon na wala ni isang mag-aaral ang pumili sa pangkat ni Karding.Dahil dito
mag-isang isinagawa ni Karding ang gawain habang ang iba ay abalang nagpapalitan ng kanilang
ideya at mungkahi kung saan mas mapapaganda at mapapabuti ang kanilang gawain.
At dumating ang takdang oras na kailangan na nilang ipakita ang nagawa ng bawat
pangkat. Ang bawat pangkat ay puno ng sigla sa pagpapaliwanag kung paano nila natapos ang
gawain gamit ang ibat-ibang mungkahi at ideya ng kanilang mga miyembro.Nang si Karding na ang
susunod, ipinakita lamang niya ang gawaing hindi tapos at halos kalahati lamang ang nagagawa.
Gayunman, wala ni isa sa kanyang mga kamag-aral ang pumuna o kumutya sa kanyang gawa.
Biglang nagsalita si Karding na may luha sa mata,” Ma’am, ngayon ko lang po nalaman kung
gaano kabait ang aking mga kamag-aral, Hindi ko natapos ang gawain magisa ngunit wala akong
narinig na anumang pangungutya mula sa kanila. Samantalang ako, walang inabangan kundi ang
pagkakamali at mapahiya sila. Sana mapatawad ninyo ako. Sobrang lungkot ko kanina nang walang
pumili sa akin. Pero ngayon, naisip ko na kung ako naman ang nasa katayuan nila, hindi ko rin
gugustuhing makasama ang isang taong hindi marunong makinig sa mungkahi o ideya ng iba.
Masayang nagtapos ang klase ng kanilang gawain lalo ng si Ginang Sharon dahil napagtanto
ni Karding ang kanyang kamalian. Simula nang araw ding yon ay natutunan na ni Karding na
pakinggan ang mungkahi ng kanyang mga kamag-aral.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Ano ang kahinaan ni Karding na gustong mabago ni Ginang Sharon?


___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________ _

6
3. Ano ang napagtanto ni Karding sa kanilang pangkatang gawain?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano naitama ni Karding ang kanyang pagkakamali?


___________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. Kung ikaw si Karding, paano mo ipakikita ang paggalang sa opinyon o ideya ng iyong
kamag-aral?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin
_______1. Kinagigiliwan ang isang batang marunong gumalang sa karapatan ng kanyang
kapuwa.
_______2. Ang taong likas na matalino ay laging tama. Hindi siya nagkakamali.
_______3. Kung may kaklase kang nagmamalabis sa iba, maaari mo siyang isumbong sa
inyong guro upang matulungan siyang magbago.
_______4. Mabait na bata si Lito, hindi mo siya maririnig na nang-aapi o nanglalait ng iba.
_______5. Hindi masama na pagusapan at pagtawanan ang ibang tao kung
sila ay nagkamali.

7
Pagyamanin
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba , bilugan ang titik kung ito ay
nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba at ipaliwanag ang iyong sagot sa
patlang.

a. Tinanggap mo ang desisyon ng mga b. Pinayagan kang gamitin mo ang mga


kasamahan sa pangkat kahit na ikaw an mahalagang gamit ng iyong kapatid.
glider nila .

c. Ipilit mo sa iyong kaibigan ang school d. Isinuot mo ang bagong pantalon ng pinsan
supplies na ayaw naman niyang bilhin mo na walang pahintulot sa kanya

Isaisip

Panuto: Piliin ang angkop na mga salita sa kahon upang mabuo ang talata sa ibaba.

kakayahan bata pagpapahintulot karapatan paggalang

Ang (1)_________________ sa mga (2)______________ ng (3)_____________

ay pangangalaga sa mga pangangailangan nila at (4)___________________________

na maabot nila ang pinakamahusay na (5)_______________________.

8
Isagawa
Panuto: Mula sa napag-aralan, Magbigay ng halimbawa kung paano
isasaalang-alang ang mga karapatan ng ibang tao.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Isulat sa patlang ang
OPO kung may paggalang sa karapatan ng iba at HINDI PO kung wala.

__________1. Hindi ko pagtatawanan ang maling opinyon ng aking kamag- aral.


__________2. Pakikinggan ko ang ideya at mungkahi ng iba.
__________3. Nagsasalita ng masasakit laban sa isang tao sa kanyang likuran.
__________4. Tatawagin ko sa nakainsultong paraan ang aking kaibiga.
__________5. Kinukuha ko nang walang paalam ang mga damit ng aking kapatid.
__________6. Sasawayin ang kaklaseng nanunukso sa kapwa.
__________7. Ipinapaalam ko sa aking mga magulang ang mga pangyayari sa aming
paaralan.
__________8. Ginagamit ko ang Cellphone ng kuya ko ng walang paalam.
__________9. Iginagalang mo ang opinyon ng ibang tao kahit na kaiba ito sa iyo.
__________10. Sinasaktan mo ang damdamin ng iyong mga kamag-aral at kaibigan.

9
Buod
Ang bawat isa sa atin ay may karapatang tinatamasa. Igalang natin ang
sariling karapatan at ang karapatan ng ibang tao.

Karagdagang Gawain
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na mga sitwasyon at piliin kung ano ang inyong
gagawin kapag ikaw ay nasa parehong sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot sa inyong
kuwaderno.

1. Malakas ang tunog ng radio habang nakikinig ang kapatid mo ng mga awitin. Narinig mo
na may bible study sa inyong kapitbahay at sila ay umaawit ng papuri sa Diyos.

a. Pakikiusapan ko ang aking kapatid na hinaan ang radio.


b. Magkukunwari na lang ako na walang naririnig.
c. Sisitahin ko ang aking kapatid at pagagalitan.
d. Mababayaan lamang ito.
Sagot:___________________________________________________________
Dahilan:_________________________________________________________

2. Alam mo na ikaw ang madalas na nakasasagot ng mahihirap na tanong kapag may


talakayan sa klase. Isang araw, nagtanong ang inyong guro at nakita mo na nagtaas din ng
kamay ang kaklase mo na bihira lamang sumagot sa klase. Tinawag ito ng iyong guro.
Pinuri siya pagkatapos dahil tama ang kanyang sagot.

a. matutuwa ako para sa kanya dahil tama ang sagot niya at nabigyan siya ng
pagkakataon
b. Sasabihin ko sa aking guro na alam ko rin ang itinatanong niya.
c. Sasabihin ko na nakatsamba lang ang kaklase ko.
d. maiinis sa kanya dahil sa tamang sagot niya,
Sagot:_____________________________________________________________
Dahilan:___________________________________________________________

3. Paborito ng kapatid mo ang artistang si Marian Rivera pero ang paborito mo naman ay
si Angel Locsin. Minsan, narinig mo siyang nagsabi na mas magaling talaga sa pagganap
si Marian Rivera.

10
a. Pagtatawanan ko sila ng palihim.
b. Hahayaan ko lamang siya dahil ito ang paborito niyang
artista.
c. Sasabihan ko siya na hindi ako sang-ayon sa sinabi niya.
d. hindi ko siya papansinin
Sagot:____________________________________________________________
Dahilan:_________________________________________________________

11
Susi ng Pagwawasto sa Aralin

1. √
2. √
3. X
4. √
5. X

1.opo 6.opo
2.opo 7. Opo
3. hindi po 8. Hindi po
4. hindi po 9.opo
5. hibdi po 10.hindi po

Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang Curriculum Guide
5 Aralin 6- pahina 86-91 MELC Grade 5
Paano magpakatao Baitang Google.com.ph
5 Aralin 10 – pahina 99-108 pinterest.com

12

You might also like