You are on page 1of 24

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pagpapakita Ng Paggalang Sa Ideya o
Suhestiyon Ng Kapwa
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pagpapakita Ng Paggalang Sa
Ideya o Suhestiyon Ng Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagpapakita Ng
Paggalang Sa Ideya o Suhestyon ng Kapwa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagpapakita Ng Paggalang Sa Ideya
o Suhestyon ng Kapwa!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang mga paraan ng paggalang sa ideya o


suhestiyon ng iba. Maisagawa mo ang mga tamang hakbang sa pagsang-ayon sa
pasiya o desisyon kung ito’y nakabubuti at nakakabuti sa sarili at sa lahat sa
pamamagitan ng pagsasagot sa mga tanong sa modyul na ito. Masusuri mo rin sa
modyul na ito ang mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita ng paggalang sa ideya
o suhestiyon ng iba at kung paano mo ito mapapahalagahan.

At sa bandang huli, inaasahang masagot mo ang tanong: Paano mo


maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng iba?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na mga


kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

1. Nakikilala ang mga paraan ng paggalang ng ideya o suhestiyon ng kapwa.


2. Natutukoy ang mga pangyayari o sitwasyon na nangangailangan ng
paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapwa para sa ikabubuti ng sarili at ng
lahat.
3. Nasususri ang mga ideya o suhestiyon ng kapwa kung ito ay nakakabuti o
nakakasama.
4. Napapahalagahan at naipakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng
kapwa.

1
Subukin

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang mga salitang nagpapakita ng paggalang sa kapwa
at ekis () kung hindi.

______________ 1. Paghintay sa linya

______________ 2. Respeto sa ari-arian ng iba

______________ 3. Respeto sa pribadong oras

______________ 4. Respeto sa oras ng pamamahinga

______________ 5. Pagsigaw sa kausap

______________ 6. Panghihimasok sa buhay ng iba

______________ 7. Pagpalo sa aso ng kapitbahay

______________ 8. Pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kaniya

______________ 9. Pagbigay ng opinyon na nakakasakit sa damdamin

______________ 10. Magalit sa mungkahing di nagustuhan

2
Aralin Pagpapakita Ng Paggalang
1 Sa Ideya o Suhestiyon Ng
Kapwa

Ang paggalang ay hango sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig


sabihin ay “paglingon o pagtinging muli.” Iba-iba ang uri ng paggalang. May
paggalang para sa buhay ng tao, hayop at halaman. Mayroon ding paggalang
sa antas ng edukasyon, kayamanan at status sa buhay. May isa pang uri ng
paggalang - ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng iba. Ito ay kalimitang
mangyayari kung ipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halaga sa opinion o saloobin ng iba. Ang paggalang sa ideya o opinion ng iba
ay mahalaga upang maabot ang isang tamang desisyon. Dapat din nating
isaalang-alang na may mga opinion na nagdudulot ng mabuti at di-mabuting
resulta.

Balikan

Panuto: Isulat patlang ang TAMA kung ang pahayag ay naisagawa ang mga
tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya batay sa pagsusuri sa mga bagay na may
kinalaman sa pangyayari at MALI naman kung hindi.

______________ 1. Aalis ang nanay ninyo dahil may importanteng puntahan. Bago
siya umalis inutusan kayo na maglinis ng bahay. Pero ang
kapatid mo hindi sumunod at nakita mo na nanunuod lamang
ng telebisyon. Agad mo siyang pinagsabihan na maglinis muna
ng bahay bago manuod ng palabas sa telebisyon.

______________ 2. Nakarinig ka ng lagabog sa labas ng bahay nakita mong


nabasag ang bagong paso ng nanay mo. Nakita mo na ang
bunsong kapatid mo lamang ang naglalaro ng araw na iyon.
Nagsumbong ka kaagad sa nanay mo na hindi man lang
nagtatanong sa bunso kung siya ba ang nakabasag nito.

3
______________ 3. Alam mong magagalit ang iyong tatay sa iyong ibabalita na
lumiban sa klase ang kuya mo. Sinabihan ka ng kuya mo na
huwag magsumbong sa magulang. Ngunit sinabi mo pa rin
dahil alam mo na para ito sa ikakabuti ng kuya mo.

______________ 4. Gusto mong kumain ng sugpo na alam mong nagkaroon ka ng


alergi noon. Ngunit nagpaalam ka muna sa nanay mo kung
pwede kumain nito.

______________ 5. May pagdiriwang sa lugar ninyo, nabalitaan mo na may


darating na artista sa lugar ninyo agad ka namang naniwala na
hindi man lang nagtatanong sa iba mo pang kaibigan kung ito
ay totoo.

______________ 6. Nakakuha ka ng mababang grado sa tatlong asignatura mo.


Nahihiya at natatakot ka na ipaalam mo ito sa magulang mo.
Ngunit ipinaalam mo pa rin ito at nangako ka sa kanila na
pagbutiin ang pag-aaral at babawi muli sa susunod na
pagsusulit.

______________ 7. Nasalubong mo ang iyong kaklase na papauwi sinabihan ka


niya na walang pasok at niyaya ka niya na maglaro agad mo
naman siyang pinagbigyan.

______________ 8. Gusto mong dumalo sa birthday party nang iyong kaibigan


ngunit hindi ka pinayagan nang mga magulang mo dahil gabi
na at may kalayuan pa ang lugar nito. Pinaalam mo ito sa
kaibigan mo na hindi ka makadalo sa kaarawan niya dahil ayaw
pumayag ng mga magulang mo at ayaw mong mag-alala sila.

______________ 9. Maysakit ang lolo ni Cyril at siya ang napag-utusan na


bantayan muna ang lolo niya kahit na may laro siyang
basketball. Tinanggap naman niya ito nang bukal sa loob.

______________ 10. Ayaw payagan si Janny nang tatay niya na sumali sa


paligsahan sa pagtakbo dahil kagagaling lang niya sa ospital
dahil sa hika pero sinunod niya pa rin niya ang gusto.

4
Mga Tala para sa Guro
Katungkulan mong tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan
ng sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang,
nakatatandang kapatid sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak,
kaibigan at kapitbahay.

5
Tuklasin

Magandang araw sa lahat. Inaasahan sa modyul na ito na


ikaw ay makatutukoy, makasusuri, makagawa at
makapagpahalaga sa ideya o suhestiyon ng kapwa.

PAGGALANG

Ang paggalang ay nagsimula sa salitang Latin na “respectus” na


ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,”. Naipapakita ang
paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o
bagay. Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay
sa kahalagahan ng paggalang.
Limang (5) Halimbawa ng Paggalang sa Suhestiyon o Opinyon ng Kapwa

1. Maging bukas tayo sa mga opinyon ng iba, ngunit kailangan muna


nating suriin kung ito ba ay makakabuti o makakasama hindi
lamang para sa sarili kundi para sa lahat.
2. Kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na
opinyon sa iyo, maging mahinahon lamang sa pakikipag-usap,
huwag agad magagalit o magsasalita ng hindi maganda, palaging
isaalang-alang ay ang mararamdaman ng taong nagbigay nito.
Lahat naman ay maaaring idaan sa maayos na usapan.
3. Iwasang magbigay ng mga mungkahi o opinyon na makakasakit
ng damdamin ng ibang tao.
4. Kailangang tanggapin natin ang opinyon ng iba lalo na kung ito
ang mas makabubuti, maging tiyak at sigurado lamang bago
isagawa ito.
5. Kung may isang paksang tinatalakay o pinag-uusapan, hingin
muna ang opinyon o saloobin ng lahat, pagkatapos ay pagsama-
samahin ang lahat ng ito, timbangin ang mga maaring gawin at
hindi gawin at saka magkaroon ng konklusyon.

Magkakaiba man tayo ng mga perspektibo sa buhay, palaging piliin


ang pagkakaroon ng pagtanggap, pagtanggap sa kagustuhan ng iba.

6
Paraan ng Pagsasabuhay ng Paggalang na Ginagabayan ng Katarungan at
Pagmamahal

• Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon at


pagkilala sa halaga ng pamilya at ng lipunang kinabibilangan.
• Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at
magwasto sa kaniyang pagkakamali.
• Pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa, sa pamamagitan ng
patuloy na pagtulong at paglilingkod sa kanila.
• Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapuwa sa
pamamagitan ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos.
• Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa
pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na paraan ng
paggalang.
• Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapuwa upang
makapagbigay ng angkop na tulong bilang pagtugon sa kanilang
pangangailangan.
• Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapuwa ang nararapat sa
kanya at ang nararapat ay ang paggalang sa kanyang dignidad.

7
Suriin

A.
Panuto: Isulat ang tamang sagot ang patlang.

1. Ang __________ ay hango sa salitang Latin na “respectus” o paglingon muli.”

2. Naipakita ang paggalang sa pamamagitan ng __________ sa ideya o opinion


ng iba.

3. Dapat tayong maging bukas sa __________ ng iba.

4. Dapat maging __________ kung hindi mo gusto ang opinion ng iba.

5. Iwasang magbigay ng mungkahi na __________ sa damdamin ng iba.

B.
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong.

Magbigay ng tatlong paraan ng pagsasabuhay ng paggalang sa ideya


ni iba. Ipaliwanag ito ayon sa nararanasan.

1. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao.

2. Panatilihing bukas ang komunikasyon.

3. Pagtugon sa panagangailangan ng taong kausap.

8
Pagyamanin

Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI.

______________ 1. Sa pakikipagkausap sa iba iwasan ang panghuhusga.

______________ 2. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi o “uniqueness” ng


bawat isa.

______________ 3. Laging isaalang alang ang damdamin ng kapwa bago magsalita.

______________ 4. Ang pagkilala sa halaga ng tao ay hindi mahalaga kung


magdesisyon.

______________ 5. Suriing mabuti ang mga ideya o opinion kung ito ba ay


nakakabubuti.

______________ 6. Sigawan ang mga kausap na may ibang ideya.

______________ 7. Ibalewala ang opinion ng iba.

______________ 8. Tanggapin ang opinion ng iba lalo na kung mas mainam ito.

______________ 9. Dapat tanggapin ang pagkakaiba ng opinyon ng bawat tao.

______________ 10. Iwasang magbigay ng mungkahi na nakakasakit sa damdamin


ng iba.

9
Isaisip

Ngayon ay alam ko na kung


paano ang paggalang sa
ideya ng iba.

Panuto: Gumawa ng sumusunod na mga gawain bilang pagpapahalaga sa


paggalang ng iba.

1. Gumawa ng dayalogo na nagpapakita ng usapan ng dalawang magkaibigan


na may paggalang sa mungkahi ng kaibigan.

2. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpupulong-pulong na may


paggalang sa ideya ng iba.

10
Isagawa

Panuto:
A. Magbigay ng iba’t-ibang sitwasyon na nagsasabi tungkol sa
larawan sa itaas. Sabihin kung ang mga sitwasyon na ibinigay
ay nakakabuti o hindi.

B. Basahin ang mga sitwasyon sa unang hanay at isulat ang mga


dapat gawin sa ikalawang hanay bilang paggalang sa ideya ng
iba.

Sitwasyon Mga Dapat Gawin bilang Paggalang


1. Ang mungkahi ng isa mong
kasamahan sa Clean-Up Drive ay
nakakasira ng kalikasan. Ano
ang dapat mong sabihin sa
kanya na hindi masaktan ang
kaniyang damdamin?

2. Maganda ang ideya ng isang


kasapi ng samahan tungkol sa
Clean-Up Drive. Subalit galit ka
sa kanya dahil nagkalat sia ng
masamang balita tungkol sa iyo.
Ano ang gagawin mo?

11
3. Hindi ka masyadong kumbinsido
sa mungkahi ng kapitan tungkol
sa paraan ng pagbibigay ng relief
goods. Paano mo ito
maipaparating sa kanya?

4. Tuwing may pulong-pulong


napansin mong tahimik lang ang
iba. Paano mo sila himukin na
magsalita at magbigay ng
mungkahi?

5. Habang nagpupulong ang mga


kasamahan mo bigla na lang
nagsisigawan ang dalawang
kasapi ng pangkat. Ano ang
gagawin mo.

12
Tayahin

Panuto: Isulat ang mga ginawa mong pagpapakita ng paggalang sa mungkahi o


ideya ng iba.

MUNGKAHING MUNGKAHING MUNGKAHING


NAKAKABUTI DI-NAKAKABUTI DI-MAHALAGA

1. Paraan ng paggalang sa mungkahing nakakabuti.

2. Paraan ng paggalang sa mungkahing di - nakakabuti.

3. Paraan ng paggalang sa mungkahing galing sa kaaway.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kolum ng inyong sagot kung gaano mo kadalas
ginagawa ang mga gawain sa ibaba.

Mga Gawain Palagi Madalas Bihira

1. Maging bukas tayo sa opinion ng iba.

2. Kailangang suriin kung ang opinion ay


nakakabuti o nakaksama.

3. Nagbibigay ng mga opinion na


nakakasakit ng damdamin ng iba.

4. Gumagawa ng disisyon na para sa


ikabubuti ng sarili lamang

5. Hingin ang saloobin ng lahat bago


magdesisyon.

6. Tinanggap ang opinion ng iba, kaibigan


man o kaaway.

7. Timbangin ng mabuti ang mga opinyon


at pagsasamahin ang mga nakabubuti
at di -nakabubuti bago magdesisyon.

8. Panatilihin ang pagkakaunawaan


habang tinalakay ang mga pangyayari.

9. Maging mahinahon kung hindi


pinapansin ang mungkahi mo

14
10. Umaalis kaagad sa meeting kapag ayaw
ng grupo ang iyong disisyon

11. Sumasali pa rin sa samahan kahit


hindi nasusunod ang iyong mga
iminumungkahi

12. Magsalita nang mahinahon at maayos


kung ayaw mo ang isang mungkahi.

13. Ipinakita ang magandang asal habang


pinagdesiyonan ang mga mungkahi.

14. Hindi nagbibigay mungkahi at


nakikinig lamang sa talakayan mula sa
simula hanggang sa matapos

15. Nagdadahilan na maunang aalis pero


ang totoo ayaw mo ng kanilang mga
iminumungkahi

15
16
Subukin Balikan Suriin
1. ✓ 1. TAMA 1. paggalang
2. ✓ 2. MALI 2. paggalang
3. ✓ 3. TAMA 3. opinyon
4. ✓ 4. TAMA 4. mahinahon
5.  5. MALI 5. nakakasakit
6.  6. TAMA
7.  7. MALI
8. ✓ 8. TAMA
9.  9. MALI
10. 10.MALI
Pagyamanin
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
6. MALI
7. MALI
8. TAMA
9. TAMA
10.TAMA
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://www.slideshare.net/MaricarValmonte1/mga-paraan-ng-pagpapakita-ng-
paggalang-at-pagsunod-sa-mga-magulang
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1102001100

17

You might also like