You are on page 1of 3

GAWAIN SA PAGSASALING WIKA

Matutunghayan sa ibaba ang mga depinisyon patungkol sa pagsasaling-


wika. Pumili ng isang teknik/metodo sa pagsasalin na magiging gabay sa
pagsasalin ng tulang: The Road Not Taken ni Robert Frost. Gawing gabay sa
pagsasaling ang ginawang bersyon ni Christian Catinguil na ibinahagi sa ibaba.

Pagsasaling Komunikatibo. Sa teorya ni Newmark (1982), ang pagsasaling


komunikatibo ay ipso factona isang prosesong subhetibo, sapagkat sinisikap nitong
maabot at makapa ang karaniwang bisa o epektong napakintal sa isipan ng
mambabasa ng salin. Maaari lamang mapatunayan ang bisang ito matapos ipakita ito
ng kanilang tugon o reaksyong mental at/o pisikal. Sinisikap ng pamaraang
komunikatibo na mailipat sa mambabasa ng salin ang diwa at nilalamang kultural ng
orihinal na teksto, kaya’t higit na binibigyang-pansin ng pamaraang ito ang mga
mambabasa ng pinagsalinang wika. Katangian pa rin ng pagdulog-pagsasaling ito ang
gumamit ng mga tungkulin ng pakikipagtalastasan (komunikasyon) upang higit na
maunawaan ang mensaheng taglay ng teksto.
Pagsasaling Literal. Isa itonguringpagsasalinnaangpinangingibabaw ay
angorihinalnaanyongtekstongisinasalin kaya
kalimitangnagkakaroonngbaluktotnakahuluganangmensahe. Ito ay
naaangkopsamgasalingteknikalkaysasasalingpampanitikan. Hindi naililipatngsaling
literal angtunaynakahuluganngtekstosamambabasanito (Larson,1984).
Pragmatikong Pagsasalin. Isang paraan ng pagsasalin na isinasaalang-alang ang
gamit ng wika, ang mga gumagamit nito, ang layunin sa paggamit ng wika, ang nais
iparating nito sa tagatanggap gayundin ang mga realidad sa likod ng pangyayaring
nakapaloob sa tekstong isinasalin (Hickey, 1998).
Sosyolinggwistikong Pagsasalin. Isang paraan ng pagsasalin kung saan binibigyang
halaga ang katangian ng wika sa panahong ang akda ay isinulat kaugnay pa rin ang
anyo ng lipunang inilalarawan sa mga akda. Inilalarawan din sa pagsasaling ito ang
ugnayan ng wika at lipunan sa dahilang ang istrukturang panlipunan ay maaaring
maimpluwensyahan o maipaliwanag ng istrukturang panglinggwistika (Wardhaugh,
1992).

THE ROAD NOT TAKEN by Robert Frost


Two roads diverged in a yellow wood,
And sorry I could not travel both
And be one traveler, long I stood
And looked down one as far as I could
To where it bent in the undergrowth;

Then took the other, as just as fair,


And having perhaps the better claim,
Because it was grassy and wanted wear;
Though as for that the passing there
Had worn them really about the same,

And both that morning equally lay


In leaves no step had trodden black.
Oh, I kept the first for another day!
Yet knowing how way leads on to way,
I doubted if I should ever come back.

I shall be telling this with a sigh


Somewhere ages and ages hence:
Two roads diverged in a wood, and I—
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.

Ang Daang Hindi Nadadatnan”


ni Robert Frost
(Isinalinni Christian Catinguil)

Ang daan sa kakahuyan ay nahati sa dalawa,


Paumanhin ngunit ang pwede lang piliin ay iisa
Isang manglalakbay, nakatayo at tulala
Minamasdan ang dulo at pilit tinitingala
Kung san aabot ang tanaw ng mga mata.

Sa tila parehas nadaan ay pumili ng isa,


Na makabubuti ang napili, ako’y umaasa.
Mukhang mas maaliwalas kesa sana-una;
Ngunit makaraan ang ilang sandali’y,
Napansin natila sila’y walang pinagkaiba.

At sa araw na yun ay parehas nasikatan sila,


Mga dahon tila walang pang apak ng paa.
Susubukang tignan ang isa sa ibang araw!
Ngunit sa pagiisip kung saan patungo,
Nagduda kung dapat na bumalik pa.

Ito’y dapat winiwikang may bugtong hininga,


Sa dadating na mga taon at panahon:
Sa dalawang daan sa kakahuyan, at ako-
Pinili ‘ko ang ‘di madalas tinatahak ng mga tao,
At ito ang nagbigay ng malaking pagbabago.

You might also like