You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VII – CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF BAIS CITY
BAIS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 10
3RD Quarter 1st Summative Test

Pangalan: _____________________________ Petsa: April 19-23, 2021


Section: ______________________________ Score: ____________________

PANUTO:Basahin ng mabuti ang sumusunod na mga katanungan at piliin at bilugan


ang letra ng tamang sagot.
1. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling
katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma,
ang tawag sa kanya ay___________________.
A. Bisexual B. Gay C.Lesbian D. Transgender

2. Ano ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng


kabilang kasarian, mga lalaki na gustong makatalik ay babae at mga babaeng
gusto naman ay lalaki?

A. Bi-sexual B. Gender C. Heterosexual D. Homosexual

3.Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda


ng pagkakaiba ng babae sa lalaki, Ano ito?

A. Bi-sexual B. Gender C. Sex D. Transgender

4. Ano ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na


itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?

A. Bi-sexual B. Gender C. Sex D. Transgender


5. Ano ang tawag sa anumang pag uuri, eksklusyon o restriksyon batay sa
kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at
pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?

A. Diskriminasyon C. Pang-aabuso

B. Pagsasamantala D. Pananakit

6. Ano ang tawag sa mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang


kasarian?

A. Asexual B. Bisexual C. Gay D.Lesbian

7. Ano ang tawag sa mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga
babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa babae?

A. Asexual B. Bisexual C. Gay D.Lesbian


8.Ito ay tawag sa mga nagkakaroon ng sekwal na pagnanasa sa mga taong
nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang
makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na
kapareha,Ano ito?

A. Bi-sexual B. Gender C. Heterosexual D. Homosexual

9. Mula sa kultural na kasanayan ng Panay na ang mga babaeng ay itinatago


sa mata ng publiko, hindi pinapayagang umapak sa lupa at hindi
pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ano ang tawag
sa kanila?

A. Babaylan B. Binukot C. Gabriella D. Moro

10. Anong dokumento ang nagsasaad na ang mga lalaki ay pinapayagang


magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang
kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki?

A. Saligang Batas B. Boxer Codex C. Ladlad D. Lagablab

11. Ito ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung siya ay


lalaki o babae o pareho, Ano ito?

A. Gender B. Gender Identity C. Sex D. Sexual Orientation

12. Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang


pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya nang siya’y ipanganak, Ano ito?

A. Gender B. Gender Identity C. Sex D. Sexual Orientation

13. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng
ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae

B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.

C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa

D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang


tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa kababaihan.

14.Ang sumusunod ay katangian ng sex maliban sa ______________________.

A. Ang mga lalaki ay may testicle(bayag) at lumalaki ang boses.


B. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang daloy.
C. Lumalaki ang suso ng mga babae at nagkakaroon ng mga balahibo sa
mga maseselang bahagi ng katawan

D. naninigarilyo ang mga lalaki.


______15-20. Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na
nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Piliin ang titik na may tamang
pagkasunod-sunod.

A. 1 ,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3,

_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihang ang


nakapag - aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang
bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

________B. Ang mga kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod


sa Diyos.

________C. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan sa panahong ito ay


kabahagi ng mga kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.

________D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa


karapatan ng mga kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.

________E. Ang mga kababaihan sa Pilipinas maging kabilang sa pinakamataas


na uri o timawa ay pagmamay -ari ng mga lalaki.

You are doing great Gr.10. Keep it up

Prepared by:
Allan Estrello D. Lanito
Jesalyn M. Martos
Leah M. Gaudiel

Reviewed by:

LEAH M. GAUDIEL
Araling Panlipunan Dept. Head

Approved:

CRISTY M. JABONILLO
Principal I

You might also like