You are on page 1of 3

SEMI DETAILED LESSON PLAN

I. LAYUNIN (OBJECTIVE): Pagkatapos ng Araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


makapaglikha ng araling anekdota batay sa paksang tinalakay

II. PAKSANG ARALIN: (TOPIC)


A. PAKSA: Anekdota
B. SANGGUNIAN: https://www.youtube.com/watch/√=A_nO7
QV5YNsfeaure=youth.befbclid=IWAR3F3
Pu_WYutoMAAGQ3Iq_DISJTAQymrNaakO
MOAdf6U3gkb5PW3Zxd31kg
FILIPINO 10 modyul para sa mga mag – aaral

III. PAMAMARAAN (LESSON PROPER)


A. MOTIBASYON (MOTIVATION)
B. STRATEHIYA (STRATEGY)
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsasaayos ng klase
4. Pagtala ng liban
5. Pagbabalik – tanaw
B. Pagsusuri
1. Magpapakita ang guro ng larawan sa mga mag-aaral.
2. Susuriin ng mga mag-aaral kung anong larawan ang kanilang
nakita

3. Babasahin ng guro ang kwento tungkol sa “Akasya o Kalabasa”

C. Paglalahad
1. Aalamin ng mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng Anekdota.
2. Tatawag ang guro ng mag-aaral upang basahin ang presentasyong
nasa Powerpoint .
 Ang “Anekdota” ay kwento ng isang kawili-wili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon
nitong makapagbatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
 Katangian ng isang anekdota:
 May isang paksang tinatalakay ito ay dapat bigyan ng
kahulugan sa pagsulat ng “Anekdota”.
 Ang isang Anekdota ay nagdudulot ng ganap na
pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga
mambabasa.
D. Paglalapat
Lagyan ng (smiley face) ang pahayag kung ito ay nagsasaad ng
tamang impormasyon tungkol sa araling binasa at (sad face) kung mali nang
isinasaad na pahayag.

1. Ang Anekdota ay pawing buhat lamang sa imahinasyon ng manunulat.


2. Bukod sa kawili-wili ang pagbabasa ng anekdota, ito rin ay kapupulutan ng aral.
3. Umuwi si Mang Simon na buo ang isip na kunin ng buo ni Jay ang kurso sa high school.
4. Tahimik na nagkakatipon ang mga tao.
5. Ang Anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa
mga mambabasa.

IV. PAGLALAHAT (GENERALIZATION)


Matapos matalakay ng guro ang Anekdota, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung
naintindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral patungkol sa Anekdota.

V. EBALWASYO (EVALUATION)
Sumulat ng isang karanasan na hawig sa Anekdotang binasa. Maaring tungkol sa sarilio sa
kakilala.

PAMANTAYAN: Napakahusay Mahusay Katamtamang husay


Pagkakasunod-sunod
ng pangyayari
pagkamalikhain
Maikli at madaling
makakuha ng interes
ng mambabasa
KABUUAN: 30 15 5
VI. TAKDANG ARALIN (ASSIGNMENT)
1. Lumikha ng isang anekdota kaugnay sa sariling buhay.
2. Basahin at unawain ang talumpati ni Nelson Mandela.
3. Bigyang kahulugan ang tinutukoy na kalayan ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati.
Gaano ito kahalaga sa isang tao, sa isang lahi at isang bansa.
4. Magsaliksik at patunayan kung may kaisahan ang talumpati at ang sanaysay.

Prepare by: GEAN CARLO V. VALLERAMOS


Subject code: EDUCATIONAL TECHNOLOGY 103

You might also like