You are on page 1of 8

- Aralin 1 -

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGBASA


Mahalaga ang ginagampanang papel ng pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang pagbabasa na
siyang makapagbubukas ng daan ng lahat karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan , siyensya, matematika, pilosopiya,
sining at iba pa.
Bernales, et al. 2001

o Ang karanasang dulot ng pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na kasiyahan at kaluwalhatian sa buhay na hindi maipagpapalit sa
kayamanang materyal sa pagbabasa.
o Nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang sapagkat nagiging sapat ang kaniyang kaalaman, kaligayahan at kasiglahan sa
pakikisalamuha sa mga kapaki-pakinabang na gawaing pagpapaunlad sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa lipunang kanyang
kinabibilangan.

KAHULUGAN NG PAGBASA
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
o Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita.
Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag. (Austero, et al, 1999)
o Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig, pagsasalita at pagsusulat. ( Bernales, et al,
2001)
o Ayon kay Goodman (Sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang
mambabasa ay bumubuo muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Sa depinisyon ito ni Goodman,
binigyang-diin ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at paggawa ng prediksyon sa pagpapakahulugan ng
tekstong binasa.

--------------- Intensibong Pagbasa at Ekstensibong Pagbasa ---------------


o Ito ay may kinalaman sa masinsin at o Ito ay may kinalaman sa pagbasa ng
malalim na pagbasa ng isang tiyak na masaklaw at maramihang materyales.
teksto . o Ito naman ay maghahatid sa mambabasa
o Itinuturing na pinakahuli o dulong bahagi tungo sa pinakadulong proseso.
sa proseso.

Intensibong Pagbasa
 Ang Intensibong Pagbasa ay pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang
maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda. (Douglas Brown, 1994)
 Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin. Madalas
na tinatawag na narrow reading. (Long at Richards, 1987)

Extensibong Pagbasa
 Ang Ekstensibong pagbasa ay isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teksto.
(Brown, 1994)
 Nagaganap ang ekstensibong pagbasa kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kanyang
interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinakda sa anomang asignatura. (Brown, 1994)
SCANNING AT SKIMMING NA PAGBASA
-----------------------------------------------------------------------------------------
o Scanning ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda
bago bumasa.
o Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na
kinakailangang impormasyon.
o Kung kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo.
o Ang Skimming naman ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat.
o Mas kompleks ito, kinakailangan ng mabilisang paraan ng organisasyon at pag-alaala sa panig ng mambabasa upang
maunawaan ang kabuuang teksto at hindi lamang upang matagpuan ang isang tiyak na impormasyon sa loob nito.

ANTAS at KAHALAGAHAN NG PAGBASA


--------------------------------------------------------------------------------------
Antas ng Primarya
(Pagbasang Elementari)
Antas ng Mapagsiyasat
Pinakamababang antas ng pagbasa
(Pagbasang Inpeksyonal)
at pantulong upang makamit ang
Sa antas na ito, nauunawaan na ng
literasi sa pagbasa.
mambabasa ang kabuuang teksto
Kinapapalooban lamang ng
at nakapagbibigay ng mga hinuha o
pagtukoy sa tiyak na datos at
impresyon tungkol dito.
ispesipikong impormasyon gaya ng
Paimbabaw ang katangian ng
petsa, setting, lugar, o mga
pagbasang ito sapagkat halos
tauhan sa isang teksto.
panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan.

Antas ng Analitikal
Sa antas na ito ng pagbasa, Antas ng Sintopikal
ginagamit ang mapanuri o kritikal (Koleksyon ng mga Paksa)
na pag-iisip upang malalimang Sa antas na ito, nauunawaan na ng
maunawan ang kahulugan ng mambabasa ang kabuuang teksto
teksto at ang layunin o pananaw at nakapagbibigay ng mga hinuha o
ng manunulat. Bahagi ng antas na impresyon tungkol dito.
ito ang pagtatasa sa katumpakan, Paimbabaw ang katangian ng
kaangkupan, at kung katotohanan pagbasang ito sapagkat halos
o opinyon ang nilalaman ng teksto. panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan.

Kahalagahan ng
Pagbasa

Nagpapataas ng
Nagpapaunlad ng Nagpapalaya ng Naghuhudyat sa kabatiran sa
kaalaman kaisipan paglikha estruktura ng
babasahin
APAT NA HAKBANG SA Pagbasa
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Ayon kay William Gray (Sa Bernales, et al, 2001), my apat na hakbang sa pagbasa.

Persepsyon Komprehensyon Reaksyon Asimilasyon

Pagkilala ito sa mga Pagpoproseso ito ng Hinahatulan o Iniintegreyt at


nakalimbag na isipan sa mga pinagpapasyahan ang iniuugnay ang
simbolo impormasyong kawastuhan, kaalamang nakuha ng
ipinahahayag ng kahusayan at mambabasa sa
simbolong pagpapahalaga ng kanyang dati nang
nakalimbag. Ang teksto sa hakbang kaalaman at/o
pag-unawa sa teksto na ito. karanasan sa
ay nagaganap sa hakbang na ito.
hakbang na ito.

TANDAAN!!!
o Ang pagbasa ay walang kahingiang imposible para hindi ito maisagawa ng isang mambabasa.
o Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Utak ang ginagamit sa pagbasa at hindi ang mga mata na tagahatid
lamang ng mga imahen o mensahe sa utak. Sa mga bulag, pandama ang pumapalit sa mata nang ang mga
imaheng mula sa braille na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang maiproseso.
o Ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa. Sa pagbabasa, ang isang mambabasa ay
nakagagawa ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Kung siya ay interaktib sa kanyang
pagbabasa, epektib siyang mambabasa.
o Maraming iba’t ibang hadlang sa pag-unawa, bukod pa sa mga hadlang sa pagbasa. Hindi dapat ipagkamali ang
isa’t isa. Halimbawa ang IQ ay maaaring maging hadlang sa pag-unawa, kahit pa nababasa ng isang tao ang
isang teksto.
o Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa kayariang balangkas ng tekstong binabasa.
o Ang mabilis na pag-unawa sa teksto ay nakapagpapabilis sa pagbasa.
MGA PANANAW O TEORYA SA PAGBASA
---------------------------------------------------------------------------------------
Teoryang Bottom- Up
 Ito ay isang tradisyunal na pananaw sa pagbasa. Bunga ito ng impluwensya ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay –pokus sa kapaligiran sa paglinang komprehensyon sa
pagbasa.
 Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na
simbulo (stimulus) upang maibigay ang katumbas nitong tugon (response).
 Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong
pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang
pagpapakahulugan sa buong teksto. (Badayos, 2000)
 Ang proseso sa pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto (bottom) patungo
sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong “bottom-up”.

Teoryang Top-Down
 Bilang reaksyon sa naunang teorya, isinilang ang teoryang “top-down”. Napatunyan kasi ng
maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa
(top) tungo sa teksto (down).
 Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay
isang prosesong holistic.
 Ayon sa mga proponent nito, ang mambabasa ay isang napakaaktib na participant sa proseso ng pagbasa, na siya ay may
taglay na dating kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling kakayahan sa wika ( language
proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay nakikipagtalastasa sa awtor sa pamamagitan ng teksto. (Badayos, 2000)

Teoryang Interaktib
 Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay
gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan.
 Dito nagaganap ang interaksyon awtor-mambabasa at mambabasa-awtor. Ito’y may dalawang direksyon o bi-directional.
 Ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto.

Teoryang Iskima
 Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima, ayon sa teoryang ito.
 Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng
teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
 Maaaring binabasa na lamang niya ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o hula niya sa teksto ay tama, kulang o dapat
baguhin.
 Dahil dito, masasabing ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon.
 Hindi teksto ang iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
- Aralin 2 -

TEKSTONG IMPORMATIBO

--------------- ALAM Mo Ba? ---------------


 Maraming nag-aakalang higit na nagugustuhan ng mga batang mag-aaral ang magbasa ng mga tekstong naratibo
tulad ng maikling kwento, tula, pabula, alamat at iba pa.
 Gayunpaman, sa pag-aaral na ginawa ni Duke (2000), ang dahilan kung bakit hindi gaanong nakapagbasa ng
tekstong impormatibo ang mga mag-aaral ay limitado lamang ang ganitong uri ng mga babasahin sa kanilang
kapaligiran.
 Sa isang pag-aaral, napatunayan ni Mohr (2006), na kung mabibigyan ng pagkakataong makapamili ng aklat ang
mga mag-aaral sa unang baiting, higit na pipiliin nila ang aklat na di-piksyon kaysa piksyon.

KAHULUGAN NG TEKSTONG IMPORMATIBO


-------------------------------------------------------------------------------
 Ito ay uri ng babasahing di piksyon.
 Naglalayon itong magbigay impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
 Ito ay nakabase sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kaniyang pabor o pagkontra sa paksa.
 Kadalasan may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya nama’y nagsasagawa siya ng pananaliksik at pag-
aaral ukol dito.
 Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa pahayagan o balita, magasin, teksbuk, encyclopedia at web site sa
internet.

ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO


----------------------------------------------------------------------------------

Layunin ng May-akda
Magkakaiba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang teksto impormatibo. Ang nais
nila ay magkaroon nang pag-unawa at malawak na kaalaman ang mambabasa.

Pangunahing Ideya
Ang pangunahing ideya ay dagliang inilalahad sa mambabasa. Nahahanap ang pangunahing
ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi at tinatawag itong
organizational markers na nakatutulong upang makita kaagad ng mambabasa ang
pangunahing ideya.

Pantulong ng Kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisipan o detalye upang
makatulong makabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o
maiwan sa kanila.
Mga Estilo sa Pagsulat, Kagamitan/Sangguniang Magtampok sa Bagay na Binibigyang-Diin

Makatutulong sa isang mambabasa ang magkaroon nang malawak na kaalaman at pag-unawa sa binabasang tekstong
impormatibo, ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahalagang bahagi.

Halimbawa
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon: paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram tsart, talahanayan,
time line, at iba pa.
 Pagbibigay- diin sa mahahalagang salita sa teksto: pagsulat nang nakadiin, nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan
ng panipi.
 Pagsulat ng mga talasanggunian: inilalagay ng manunulat ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang
ginagamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito.

MGA URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO


--------------------------------------------------------------------------------------
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
 Ito ay uri ng tekstong inilalahad ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
 Maaaring ang pangyayaring isasalaysay ay personal na nasaksihan ng manunulat.
 Maaari ring hindi direktang nasaksihan kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatunayan ng iba tulad ng sulating
pangkasaysayan o historical account.
 Ang uri nitong teksto ay karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksyon.
 Halimbawa na lamang sa isang balita, mababasa sa isang bahaging ito ang mahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano,
saan, kalian at kung paano nangyari ang inilalahad. Sinusundan ito ng iba pang detalyeng nasa bahagi naman ng katawan, at
karaniwang nagtatapos sa isang konklusyon.

Pag-uulat Pang-impormasyon
 Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyong tungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay gayundin ang pangyayari sa paligid.
 Halimbawa paksang kaugnay sa teknolohiya, global warming at cyberbullying.
 Ang pagsulat ng ganitong teksto ay kinakailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay
nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa.

Pagpapaliwanag
 Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay ng paliwanag kung paano o bakit gumagana pa ang isang bagay o kung ito
naman ay tungkol sa pangyayari.
 Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan.
 Karaniwan ginagamitan ito ng larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
 Halimbawa ay ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo.

- Aralin 3 -

TEKSTONG DESKRIPTIBO
KAHULUGAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
---------------------------------------------------------------------------------
o Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama. Ginagamit ang mga
pandama upang malinaw na mailahad ang nais ng manunulat.
o May layuning ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar, tao ideya, paniniwala at iba pa.
o Kilala rin ang tekstong ito bilang tesktong naglalarawan.

Talaarawan

Rebyu ng
Proyektong
Pelikula o
Panturismo
Palabas

Halimbawa ng mga
Sulatin na Gumagamit
ng Tekstong
Impormatibo

Talambuhay Obserbasyon

Akdang
Pampanitikan

DALAWANG ANYO NG DESKRIPTIBO


---------------------------------------------------------------------------------------------
Karaniwang Deskriptibo
o Pagbuo ng malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa sa tulong ng mga katangiang ating napag-aralan na. Ang layunin nito ay
makapagbigay lamang ng kabatiran tungkol sa isang bagay. Walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at damdamin ng
naglalarawan.

HALIMBAWA 1:
Maganda si Matet. Maamo ang mukha na lalo pang pinatitingkad ng mamula-mula niyang pisngi. Mahaba ang kanyang buhok na
umaabot hanggang sa baywang. Balingkinitan ang kanyang katawan na binagayan naman ng kanyang taas.

HALIMBAWA 2:
Si Kapitan Tiyago ay pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan. Siya ay mukhang bata kaysa sadya
niyang gulang. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal.

Masining na Deskriptibo
o Pumupukaw ng guniguni ang masining na deskriptibo Higit sa nakikita ng paningin ang maaaring ilarawan ng salita sa tulong ng
deskriptibo masining. Ito ay gumagamit ng mga salitang nagbibigay kulay, tunog, galaw at matinding damdamin. Pinagaganda
ito ng paggamit ng tayutay tulad ng talinhaga, pagtutulad, pagwawangis, paglalarawang-tauhan at iba pa. Isinasaalang-alang
din dito ang damdamin at kuro-kuro ng manunulat.

HALIMBAWA 1:
Muling nagkabuhay si Venus sa katauhan ni Matet. Ang maamo niyang mukhang tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng mga
anak ni Adan. Alon-alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit-inggit niyang katawan at taas.

HALIMBAWA 2:
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nagiinit na noo ni Danding.
(Mula sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes)

------------- APAT NA MAHAHALAGANG SANGKAP NA GINAGAMIT


SA MALINAW NA --------------PAGLALARAWAN

You might also like