You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City
Don Alfaro St. Tetuan, Zamboanga City

Banghay Aralin sa Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

February 19, 2024 – Lunes


I- Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang antas sa pagbasa.
b. Nakabubuo ng mga sitwasyon sa iba’t ibang antas sa pagbasa.

II- Nilalaman
a. Paksa: Batayang Kaalaman sa Mapanuring Pagbasa – Scanning at Skimming
b. Sanggunian: De Laza, C. 2016. Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik. Pah. 8-10. Manila: Rex Book Store, Inc.
c. Mga Kagamitan: Notebook, Panulat, Laptop, TV/Projector

III- Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Pagbati sa klase.
 Pagtsek ng Atendans
 Pagtala ng Liban/Huli sa klase
 Pagpuna sa kaayusan/Kalinisan sa klase

B. Aktibity
 PANGKATANG GAWAIN
 Magpapaskil ang guro ng mga metacards na nakapaloob ang kahulugan at halimbawa ng
sitwasyon na tumutukoy sa apat na antas ng Pagbasa.
 Pagtapatin ang ang antas sa angkop na kahulugan at halimbawa ng sitwasyon nito.

Analitikal Malaman bang kung


nakabubuo ka ng interesado o
sariling perspektiba o magugustuhan ko bang
pananaw sa isang tiyak basahin ang teksto.
na larangan mula sa
paghahambing ng mga
akdang inunawa mo.

Primarya Naisasagawa ang


nauunawaan na ang Practical Research 1 sa
nauunawaan na ng klase.
mambabasa ang
kabuuang teksto at
nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon
tungkol dito.

Sintopikal Pagbibigay ng reaksyon


ito ang pinakamababang
o puna tungol sa
antas ng pagbasa at
nabasang teksto.
pantulong upang
makamit ang literasi sa
Mapagsiyasat pagtukoy sa petsa,
kritikal na pag-iisip setting, lugar, o mga
upang malalimang tauhan sa isang teskto
maunawaan ang
kahulugan ng teksto at
ang layunin o pananaw
ng manunulat.

C. Analisis
 Punan ang inverted triangle ng ibang sitwasyon na nagpapakita ng antas ng wika.

SINTOPIKAL

ANALITIKAL

MAPAGSIYASAT

PRIMARYA

D. Abstraksyon
 INDIBIDWAL NA PAGBASA
 Antas ng Pagbasa
 Primarya. Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang
literasi sa pagbasa. Ang kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban
lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa,
setting, lugar, o mga tauhan sa isang teskto.
 Mapagsiyasat. Sa antas na ito, nauunawaan na ang nauunawaan na ng mambabasa ang
kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito. Sa
pamamagitan nito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin nia ito at kung
maaari itong basahin nang mas malalaliman. Maaaring gamitin ang skimming sa antas
na ito.
 Analitikal. Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip
upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan, at kung
katotohanan o opinion ang nilalaman ng teksto.
 Sintopikal. Sa antas na ito, nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang
tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo. Ang sintopikal
na pagba ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga eksperto sa isang
larangan o disiplina, kundi ang pagbuo ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa
mula sa pagbasa ng ekspertong ito.

E. Aplikasyon
 Tukuyin kung anong ANTAS ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na sitwasyon.
Isulat ang wastong titik ng tamang sagot sa patlang.

a. PRIMARYA c. ANALITIKAL
b. MAPAGSIYASAT d. SINTOPIKAL

___________ 1. Nakita ni Mauen na Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya ipinagpatuloy
ang pagbabasa.
___________ 2. Inalam ni Anna ang pangalan ng paborito niyang tauhan sa isang kuwentong
nabasa noong elementarya.
___________ 3. Galit ang naramdaman ni Brian nang mabasa ang balita tungkol sa insidente sa
Mamasapano.
___________ 4. Sumasangguni si Nanay sa kaniyang cookbook upang mas mapasarap ang
kaniyang mga lutuin.
___________ 5. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit.

IV- Takdang Aralin


 Pag-aralan at basahin ang kasunod na paksa – Mga Kasanayan sa Mapanuring Pagbasa –
Bago Bumasa.

Inihanda ni:
Sandralyn P. Martinez
SST – III

You might also like