You are on page 1of 6

Isyu: Diskriminasyon

Adbokasiya: Pagpapaigting ng Kapayapaan at Pagkakaisa

Isang na namang tahimik na gabi, umiigting na naman ang pangungulila ni Maria sa


kanyang mga kaibigan. Buhat kasi noong mahati sa dalawang republika ang Pilipinas ay
hindi na niya nakita ang mga ito.
“Nakakamiss sila kahit paano… Kahit masakit sa akin na tawagin nila akong bobo
noon… Kumusta na kaya sila? Sana naman ayos lang sila sa kabila” malungkot na
sambit ni Maria habang nakatanaw sa nagtataasang mga pader.
Magdadalawang taon na rin kasi ang nakalilipas noong ang bagong halal na
presidente ay magdesisyon na hatiin ang Pilipinas dahil sa magulo at nakakaperwisyong
gera. Kontra kasi ang mga taga-suporta ni Aurora Banayad at pati na rin ang mga taga-
suporta ni Manuel Fuentes sa pagkapanalo ng abogadong si Perfecto De Vasquez sa
pagkapangulo. Nakakapagtaka raw kasi dahil hindi kilala ang abogado at talagang ang laban
sa pagkapangulo ay pawang umiikot lang sa pagitan nila Aurora Banayad at Manuel
Fuentes. Kaya naman ang mga taga-suporta nila Banayad at Fuentes ay nagrally. Kapwa
sila nagkokontrahan at kapwa ipinaglalaban ang kanilang mga kandidato. Bata man o
matanda ay nagtatalo at nagkakainitan. Hindi nagtagal ay nauwi ito sa isang digmaan. Tila
ang mga tao ay walang awang pumapatay ng kapwa Pilipino para lang masunod ang
kanilang gusto. Nakakabingi! Almusal, tanghalian at maging sa hapunan ay nakakarinig ng
maiingay na putukan ng mga baril.
Kaya isang araw, nagbaba ng kautusan si Pangulong De Vasquez upang matapos na
ang gulong ito. Nakasaad sa kautusang ito na hahatiin ang Pilipinas sa dalawang republika.
Pumirma agad ang mga taga-suporta ni Banayad. Ginawa nilang pangulo roon si Aurora
Banayad at hindi nagtagal, tinawag nila ang kanilang lugar na “Republika ng Malaya.” Ang
mga taga-suporta naman ni Manuel Fuentes ay piniling manatili at sumunod sa pamamahala
ni Pangulong De Vasquez. Pinaharangan ni Pangulong De Vasquez ang kanyang
nasasakupan ng matataas at matitibay na mga pader, hindi kalaunan ay tinawag niya na
“Republika ng Maharlika” ito.
Ang pamilya ni Maria ay nakatira sa Republika ng Maharlika, ang maliit nilang bahay
ay katabi mismo ng pader. Kaya madalas tumanaw si Maria sa bintana upang pagmasdan
ito. Labis kasi siyang nangungulila sa mga kaibigan niya.
“Tao po? May nakakarinig ba sa akin? Kumusta naman kayo sa kabila? Hay parang
t*nga naman! Sino bang makakarinig sa akin?” Galit na sigaw ni Maria
“Ako”
Nagulat si Maria at agad siyang nagtago. Maya-maya ay unti-unti siyang sumilip sa
bintana. Lumingon siya sa kanan at kaliwa pero wala namang tao. Lumabas siya ng kanilang
bahay at naglibot para makasigurado na walang tao sa kanilang bakuran.
“Nasa isip ko lang yun, sino ba naman kasi ang makakarinig?” Malakas na sambit ni Maria
Sinadya niyang lakasan ng boses niya para makasigurado na wala ngang nakakarinig sa
kanya.
“Ako nga! Naririnig kita”
“AHHHHHH” Sigaw ni Maria, agad siyang nagtago sa likod ng puno
“Hindi ako multo! Huwag ka ngang maingay” “Si…sino ka?” Natatakot na
tanong ni Maria
“Lumapit ka sa pader, may maliit na butas akong ginawa”
“Ayaw ko”

Tumakbo papasok ng bahay si Maria.


Walang pinagsabihan na kahit sino si Maria tungkol sa lalaki na nagbabalak makipag- usap
sa kanya sa kabilang bahagi. Kinaumagahan ay lumabas kaagad si Maria at tiningnan niya
ang pader. Pilit niyang hinahanap ang butas nang biglang…

“Sabi na at hahanapin mo rin ang butas eh” “Sino ka?” tanong ni Maria
“Ako si… Teka, ikaw muna magpakilala. Ladies first!” “Ang arte naman! Sige na nga,
ako si Maria Luna”
“Nice name! Ako naman si Benjamin Simon Asuncion. Just call me Si”
“Bat ka naman nag butas sa pader?” “kasi bored” sagot ni Si
“Bawal yan diba?”
“Eh wala namang nakakaalam maliban sayo at doon sa mga inutusan ko. Saka maliit
lang naman ah, hindi naman mapapansin”pangangatwiran ni Si

Magmula noon ay halos araw-araw na magkausap sila Maria at Si. Napunan ni Si ang
pangungulila ni Maria sa kanyang mga kaibigan at napapasaya naman ni Maria si Si. Kaya
hindi maipagkakaila na mahulog ang loob nila sa isa’t isa.
Isang araw, maaga pa lang ay nakaabang na si Maria kay Si pero nagtataka siya dahil
tanghali na ay wala pa ring paramdam ang binata. Kaya naman umalis muna si Maria. Noong
bandang tanghali ay bumalik siya pero wala pa rin si Si. Naisipan ni Maria na sa gabi na
lang bumalik para siguradong andun si Si. Kinagabihan, masayang masaya si Maria ng
makita si Si.
Tinanong agad ni Maria kung bakit hindi nagpakita si Si noong maaga pa. Sinabi
naman ni Si na dumalaw ang matalik niyang kaibigan na si Charice. Hindi sinabi ni Maria na
nagseselos siya pero bakas ito sa kanyang mukha, kaya naman umamin si Si sa kanya.
Kapwa sila nagulat dahil pareho na pala silang nahulog sa isa’t isa gayunpaman, imposible
na magkatuluyan sila.
Kinabukasan, nagtanong ang nanay ni Maria kung bakit siya balik nang balik sa may
pader. Nalaman ng nanay niya ang tungkol kay Si kaya naman pilit pinipigilan ni Maria ang
nanay niya sa plano nitong pagsusumbong ngunit hindi ito nagpapigil. Sinabi pa rin ng nanay
nya sa tatay niya ang lahat. Isang pulis ang tatay ni Maria kaya naman noong malaman ng
tatay niya ang lahat ay agad niya itong ipinagbigay alam sa gobyerno. Hindi nagtagal ay
nakarating ito kay Pangulong De Vasquez.
Hindi nasabihan ni Maria si Si tungkol dito kaya naman isang araw ay gulat na gulat
sila Si noong binutas ang matibay na pader sa kanilang bakuran. Dinakip ang pamilya ni Si
ng mga pulis mula sa Republika ng Maharlika at ikinulong sila.
Nalaman naman ni Pangulong Banayad ang nangyari sa mga Asuncion. Kaya agad
nagpadala ng mga pulis at sundalo sa bakuran nila Si para alamin ang sitwasyon. Noong
makarating ang mga pulis at sundalo mula sa Republika ng Malaya ay nakita nila roon ang
mga pulis mula sa Republika ng Maharlika. Nagpaputok kaagad ang mga sugo ng Malaya
kaya naman gumanti ang mga taga-Maharlika. Marami ang nasawi at iilan lamang ang
nakaligtas. Nalaman ito agad ni Pangulong De Vasquez kaya ipinalabas niya sa kulungan
ang pamilya Asuncion at nagbanta na bibitayin ang mga ito kung ipagpapatuloy ni
Pangulong Banayad ang gulo.
Muling nagpadala ng mga pulis at sundalo si Pangulong Banayad sa Republika ng
Maharlika at nagpadala rin siya ng isang liham na nagsasabing makikipagkasundo lamang
kung ibibigay sa kanya ang kalahati ng Maharlika at kung palalayain ang pamilya Asuncion.
Nagalit si Pangulong De Vasquez, itinakda niya na ngayong araw ay bibitayin ang pamilya
Asuncion sa harap ng mga mamamayan ng Republika ng Maharlika sa ganap na alas quatro
ng hapon.
Dahil sa naging desisyon ni Pangulong De Vasquez ay nagpatuloy ang gulo. Ibinaba
ni Pangulong Banayad ang utos na atakihin ang Republika ng Maharlika, bata man o
matanda ay nararapat patayin, walang kahit na sinong ititira para magtagumpay sila sa
planong pananakop. Ang lahat ng mamamayan ay natatakot pero wala silang magawa kundi
lumaban para sa kanilang buhay.
Nagmamadali at nag-iingat na naglalakad si Maria upang makarating siya ng ligtas sa
bayan bago mag Alas kwatro.
Alas tres pasado, narating ni Maria ang bayan. Walang mga tao sa paligid at tanging
ang mga kagamitan lang sa pagbitay ang naroon. Nakalagay na ang mga ito sa entablado
na para bang handang-handa na para gamitin sa pagpatay sa pamilya Asuncion. Nagtago
muna si Maria para hindi siya makita at mapatay ng mga taga-Malaya bago mag-alas quatro.
Pansamantalang tumigil ang patayan noong muling nagbaba ng utos si Pangulong
Banayad sa kanyang kampo, ipinatigil din ni Pangulong De Vasquez ang utos niya sa
kanyang nasasakupan. Nais kasi ng pangulo ng Republika ng Malaya na iligtas ang pamilya
Asuncion dahil isa ito sa pinakamayamang pamilya sa kanilang republika at kung mawawala
ang mga ito ay mapupunta sa Republika ng Maharlika ang lahat.
Isa kasi sa mga kasunduan na ang kung sino mang republika ang makadakip ng
mayamang angkan sa kabilang republika at makapatay sa mga ito ay mapupunta sa
republika nila lahat ng ari-arian ng namayapang pamilya.
Alas quatro ng hapon, ang mga taga-Republika ng Malaya at mga taga-Republika ng
Maharlika ay nagpunta sa bayan upang saksikan ang kasunduan nila Pangulong Banayad
at Pangulong De Vasquez.
Bakas sa mukha ng bawat tao ang takot. Taga-Malaya man o taga-Maharlika ay ayaw
na ng gulo. Ayaw na nila na magkaroon muli ng gera at ayaw na nila na mayroong mamatay
pa. Lahat sila ay natatakot sa mga utos na ibababa ng kanilang mga pangulo dahil wala
silang magagawa kundi ang sumunod dito.
Nagsimula na ang kasunduan ng dalawang pangulo, magkaiba sila ng pananaw kaya
mas lalong nagkagulo. Habang nagkakagulo ay dumating ang mga militanteng grupo na
kilala sa tawag na “Pag-asa” sila ay nakatira sa kabundukan. Walang naglakas loob na
magpaputok na taga-Malaya o taga-Maharlika dahil makabago ang mga armas ng mga ito,
kahit kakaunti lamang sila. Suportado kasi sila ng Amerika at layon ng mga ito na sakupin
ang dalawang republika at ibenta ang Pilipinas.
Nag-abot ng isang sulat ang pinuno ng Pag-asa kay Pangulong De Vasquez at agad
silang umalis.
Nakasaad sa sulat na nais kunin ng Pag-asa ang Dagat Kanlurang Pilipinas. Kung
ibibigay ito ng dalawang pangulo ay walang digmaan na magaganap pero kung hindi ay
hindi magdadalawang isip ang mga taga-Pag-asa na paslangin sila at ang mga
nasasakupan nila.
Takot na takot ang mga tao. Lahat sila ay nais ang mapayapang buhay pero hindi nila
ito matamasa dahil sa magulong sitwasyon. Ang dalawang pangulo naman ay nag-iisip ng
paraan para sa kanilang nasasakupan.
Si Pangulong Banayad ay gustong makipag-sanib pwersa sa mga taga-Pag-asa pero
si Pangulong De Vasquez naman ay gustong ipaglaban ang pag-aari ng bawat Pilipino.
Ayaw sumunod ng nasasakupan ni Pangulong Banayad sa kanya dahil katulad ni Pangulong
De Vasquez, nais nilang ipaglaban ang pag-aari ng bawat Pilipino.

“Pangulong Banayad! Hindi natin dapat ibigay sa mga taga-Pag-asa ang atin, lumaban
tayo bilang mga Pilipino. Ipaglaban natin ang Pilipinas” sigaw ni Maria

Ang lahat ng tao ay sumigaw ng “Laban Pilipinas” , kaya naman noon ay napagtanto
ni Pangulong Banayad ang lahat. Nagbago ang kanyang isip at nakiisa siya sa nais ng
kapwa Pilipino.
Pinakawalan naman ni Pangulong De Vasquez ang pamilya Asuncion upang mas
lumakas ang pwersa nila.
Walang sinayang na oras ang bawat Pilipino, marurunong silang gumamit ng mga baril
kaya naman lahat ay kasali maliban sa mga bata at matatanda.
Isang araw, handang-handa na ang mga taga-Malaya at taga-Maharlika. Handa na rin
ang dalawang pangulo. Alas tres sila ng umaga umakyat ng bundok para siguradong tulog
pa ang mga aatakihin nila. Alas quatro na ng umaga sila dumating sa kampo ng mga taga-
Pag-asa, tahimik ang paligid at tulog pa ang lahat dito. Nagpaputok ng baril si Pangulong
De Vasquez para mabulabog ang mga taga-Pag-asa.
Gaya ng inaasahan, nagising ang mga taga-Pag-asa at agad silang nagpaputok ng
mga baril. Tinamaan naman sa dibdib at sa ulo si Pangulong Banayad na siyang naging
dahilan ng agadang kamatayan.
Marami ang namatay kampo ng Pag-asa kumpara sa mga namatay sa grupo ng mga
taga-Malaya at mga taga-Maharlika. Kaya naman, sumuko ang mga taga-Pag-asa kay
Pangulong De Vasquez. Agad naman silang ipinaaresto ni Pangulong De Vasquez.
Pagbaba nila ng kabundukan ay ikinulong agad ang mga taga-Pag-asa at nagluksa
ang bawat Pilipino sa pagkawala ni Pangulong Banayad.

“Ipinapangako ko sa bawat Pilipino na pananatilihin kong maayos at mapayapa ang


ating bansa” sabi ni Pangulong De Vasquez

Nagyakapan ang mga tao, dahil sobrang saya nila sa pagkakaroon muli ng pag-asa at
kalayaan.
Isang taon ang lumipas, mapayapa at maayos na ang Pilipinas. Wala na ang mga
nagtataasang mga pader at wala na ring nagkokontrahan.

“Hindi ako makapaniwala na magkasama na tayo, Si. Dati sa maliit na butas lang tayo
nagkikita” masayang sabi ni Maria
“Ako rin Maria, hindi talaga ako makapaniwala. Ang saya-saya ko dahil sa wakas
nobya na kita at palagi tayong nagkikita. Mahal na mahal kita” nakangiting sabi ni Si.

Yinakap ni Maria ang kasintahan at nagkatinginan sila. Dahan-dahan naglapit ang mga
mukha nila at sila ay naghalikan. Isang halik na simbolo ng kanilang tunay at purong
pagmamahalan.
Katulad nila Simon at Maria, sobrang saya rin ng bawat Pilipino dahil sa tinatamasa
nilang kalayaan. Magmula kasi noong pinili nilang mahalin at piliin ang Pilipinas ay nagbago
ang lahat at nagkaisa muli ang bawat Pilipino.

************************************************WAKAS************************************************
Mga binago:
1. Nagdagdag ng iba pang mga tauhan katulad ng mga taga-Pag-asa.
2. Binawasan ang mga linya o dialog.
3. Dinagdagan ang tunggalian upang magkaroon ng kongkretong katapusan.
4. Namatay ang bida-kontrabida na si Pangulong Aurora Banayad.
5. Binago ang katapusan.

You might also like