You are on page 1of 11

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

Unang Markahan

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikasiyam na Linggo

Aralin 9 Ako, MAhinahon sa Lahat ng Pagkakataon

I. LAYUNIN

A.Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng katatagan
ng loob, mapanuring pag- iisip, pagkamatiyaga, pagkamapagtiis, pagkabukas-
isip, at pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan na magpapalaya sa
anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa nang may mapanuring pag- iisip ang tamang pamamaraan/
pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nakapagsusuri ng katotohanan bago gumawa ng anumang hakbangin:


pagsangguni sa taong kinauukulan EsP4PKP- Ic-d-24

II. NILALAMAN
Aralin 9: Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon

Paksa/Pagpapahalaga: Pagkamahinahon ( Calmness )

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Mga pahina 37-39

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral


Mga pahina70 -76
3. Mga Pahina saTeksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource


B. Iba pang Kagamitang Panturo
Strips ng cartolina, Laptop (powerpoint presentation), larawan, lakip 1- 3

Integrasyon: Sining, Filipino- Sining sa Pakikipagtalastasan

UNANG ARAW

Alamin Natin

III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Ano ang inyong ginagawa tuwing may kalamidad o sakuna?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Bubuuin ng mga mag- aaral ang pamagat ng aralin. Matapos mabuo,
hikayatin ang mga mag- aarl na magbigay ng kuro- kuro tungkol sa pamagat
at larawan ng aralin.

Lahat Ako

Mahinahon sa

ng
Pagkakataon

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ikaw ba ay isang batang madaling matakot tuwing may kalamidad ?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Alamin Natin sa KM pahina 70
Talakayin ang pag- uusap gamit ang mga sumusunod na taong.
Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan?
Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba- iba sa reaksyon nila nang
marinig ang balita sa radyo?
Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba ang ipinakita ng
ama? Bakit?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Iproseso ang kasagutan ng mga mag- aaral. Bigyang pansin o diin ang
kahalagahan ng pagiging mahinahon.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka ng ganitong
pangyayari? Ipaliwanag.

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang mga dapat tandaan at gawin sa oras ng kalamidad o sakuna?

I. Pagtataya ng Aralin
Pasalita:
Bilang isang bata, bakit dapat maging mahinahon tuwing may kalamidad o
sakuna?sa lahat ng pagkakataon?
J. Karagdagang gawain para sa takdang- aralin at remediation
IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagiging mahinahon?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Bakit mahalaga ang pagiging mahinahon sa oras ng kalamidad o sakuna?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Ipagawa ang Isagawa Natin Gawain 2 sa KM mga pahina 72- 73

Pangkatin ang klase sa tatlo.


Magkaroon ng bahaginan ng karanasan na nagpapakita ng pagiging mahinahon
ang bawat miyebro ng pangkat.
Papiliin ang bawat pangkat ng isang karanasan na iuulat sa klase ganit ang
alinmang graphic organizer na nasa KM.

A. Karanasan Unang
Pagpipilian

Pagiging
Mahinahon

Ikatlong Ikalawang
Pagpipilian Pagpipilian
B.

Mga
C.
Pagpipilian

Isyu Pagbibigay-
halaga

Gawin Pumili

F. Paglinang sa Kabihasaan ( Tungo sa Formative Assessment )

Ano ang nararamdaman ninyo habang ginagawa ang gawain?

Ang lahat ba ay nakiisa sa gawain?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang- araw- araw na buhay

Pasagutan ang Isagawa Natin Gawain 1 sa KM pahina 71

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang pagiging mahinahon.
Ilahad ang iyong magiging damdamin.
1.Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall. Bigla ninyong
naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.
2.Nagsusulat ka ng iyong takdang- aralin ng biglang inagaw ng iyong kapatid ang
iyong ginagamit na pangsulat.
3.May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa iyong kamag- aral
ng bigla ka niyang pinagtawanan.
H. Paglalahat ng Aralin

Batay sa inyong ginawa, ano ang kaya mong gawin batay sa mga nalaman mo?

I. Pagtataya ng Aralin

Ano ang pagpapahalagang natutuhan mo sa inyong ginawa?

J. Karagdagang gawain para sa takdang- aralin at remediation

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Pumili ng dalawang mag- aaral sa klase at ipabasa ang kasabihan. Pagkatapos
ay ipaliwanag ito sa sarling pangungusap.

“Siyang mabagal sa pagkagalit ay


“Ang pusong mahinahon ay
sagana sa kaunawaan, ngunit ang
buhay ng katawan.” Kawikaan
walang pagtitimpi ay nagtatanyag ng
14:30
kamangmangan”. Kawikaan 14:29

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag na ngayong araw na ito ay gagawa ang bawat isa ng isang Self-
Assessment Organizer.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Magkaroon ng talakayan tungkol sa pagiging mahinahon gamit ang powerpoint
presentation.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipagawa ang Isapuso Natin sa KM pahina 73.
Sa bahaging ito, hayaang malayang maisulat ng mga mag- aaral ang kanilang
karanasan o damdamin at kung ano ang kanilang natutuhan sa ugaling
pinahahalagahan gamit ang Self- Assessment Organizer.

Sinisimulan Ko
Kaya Ko

Pangalan Gagawin Ko

Nalaman Ko
Natututo Ako

H. Paglalahat ng Aralin
Ipahayag gamit ang Tandaan Natin sa KM pahina 74.

Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki. Ang taong nagpapakita ng


ganitong pag- uugali sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at
maunlad ang buhay.

I. Pagtataya ng Aralin
Lakip Bilang 1
Panuto: Punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

mapanuri mahinahon pagpapatawad


hindi madaling magalit maunlad pokus

1.Ang pagiging _____________ ay ugaling dapat ipagmalaki.

2.Ang taong mahinahon ay magiging masaya, maayos at ___________ ng


buhay.
3-4.Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan, _____________,

_____________ o humusga.
5. Ang taong mahinahon ay may ___________ pag- iisip sa pagtuklas ng
katotohanan.
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation
Lakip Bilang 2
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.
1. Hindi ako madaling magalit kasi _________________.
2. Palangiti ako upang _________________.
3. Mahinahon ako kapag __________________.

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Suriin ang mga larawan. Paano mo maipapakita ang pagiging mahinahon sa
mga sumusunod na pangyayari?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ilahad ang layunin sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipagawa ang Isabuhay Natin sa KM sa mga pahina 74- 75.
Magbigay ng dalawang karanasan na nagpatunay na ikaw ay mahinahon kung
may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan. Ipaliwanag kung paano mo
ito ginawa. Gamitin ang template sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Karanasan Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon

_________________ _______________________________________________
_________________ _______________________________________________
Lakip Bilang 3

Pumili ng isang karanasan sa inyong buhay at iakto (role play) ito sa klase.
H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang mahalagang konsepto o salita ang natutuhan ninyo sa isinagawang
gawain? Ipaliwanag.

I. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Piliin ang mga salitang nagpapakita ng pagiging mahinahon. Ilagay ito
sa loob ng puso.

kabaitan palangiti
poot pagkataranta

pagpapatawad pagkalito
hindi madaling magalit
may pokus

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Lakip Bilang 5

Mag-isip ng isang simbolo upang ipakita ang pagiging mahinahon. Iguhit at


kulayan ang simbolong ito. Sumulat ng isang pagninilay o repleksiyon sa napiling
simbolo ng pagkamahinahon.
IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Balikan ang kahalagahan ng pagiging mahinahon.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipahayag na sa araw na ito ay susukatin ang natutuhan ng mga bata sa

araling ito.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang mga mahahalagang konsepto o salitang natutuhan ninyo sa loob
ng isang linggo?

H. Pagtataya ng Aralin
Ipasagot ang Subukin Natin sa KM sa mga pahina 75- 76.

Panuto: Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek (/) ang sagot na
nagpapatunay na isa kang mahinahong mag- aaral at ipaliwanag ito. Gawin ito
sa sulatang papel.

Palagi Madalas Minsan Hindi Paliwanag

1.Mahinahon
ka ba kapag
inaaway ka
ng iyong
kaklase?
2.Nagagalit
ka ba kapag
maingay ang
katabi mo?
3.Kung
naitulak ka
habang
bumibili
ng pagkain,
pagsasalitaan
mo ba nang
masakit ang
may
kasalanan?
4.Magiging
mahinahon
ka ba kung
may sunog
malapit sa
inyong
bahay?
5.Maayos
kang
nakapila.
Biglang may
sumingit,
sisimangot ka
ba?

I. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Lakip Bilang 6
Journal

Gumupit ng isang larawan na nagpapakita ng pagiging mahinahon. Iugnay ito sa


inyong sariling karanasan.

You might also like