You are on page 1of 1

Jiana M.

Beron
2-PSYCH7

TAKDANG GAWAIN 2
Bakit sinambitla na ang wika ay buhay at dinamiko?

Ang wika ay sinasabing dinamiko dahil sa paglipas ng panahon ito ay

nakakaranas ng pagbabago. Ito ay patuloy na nagbabago at yumayaman ayon sa

pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao dahil na din sa paglikha ng teknolohiya. Ito

ay dulot ng mga bagong salita na ating nagagawa at ating ding nakukuha sa

pakikipagsalamuha sa mga dayuhan o iba’t ibang uri ng tao. Ito rin ay nababago at

nadaragdagan sa bawat henerasyon dahil sa pagkakaroon ng makabagong

karunungan at dahil sa pananaliksik, nakakalikha tayo ng bagong salita. Sa paglipas ng

panahon ay mabilis ding nagbabago ang ating bokabularyo. Maaaring makalikha ng

bagong salita mula sa kawalan lamang o sa salitang ginagamit (existing word) at saka

ito babaguhin.

Sa madaling salita, ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng mga tao

sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon. Hindi maiiwasang ito ay magkaroon

ng pagbabago dahil walang permanente sa mundo. Bagama’t nababago ang ibang mga

salita ngunit naipapakita dito na ang wika ay buhay at hindi namamatay dahil bilang

Pilipino ay likas na sa atin ang pagiging malikhain at bahagi ng ating pagiging malikhain

ay ang pagbuo ng mga bagong salita o wika.

You might also like