You are on page 1of 3

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI

QUARTER 1

SEPTEMBER 06, 2022 TUESDAY

INTEGRITY (6:00-6:40) SINCERITY (12:00-12:40)


PROSPERITY (6:40-7:20) QUALITY (12:50-1:30)
TRUSTWORTHY (7:40-8:20) HOSPITALITY (2:00-2:40)
PURITY (8:20-9:00)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas sa globalisasyon batay sa
lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa isyung pandaigdig batay sa lokasyon
nito sa mundo.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
4. Nasusuri ang konteksto ng pag- usbong ng liberal na ideya tungo sa pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo
4.1 Natatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mgadaungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan
4.2 Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo at ang pagpapatibay ng dekretong
edukasyon ng 1863

1. LAYUNIN:
 Nakapagtatala ng mga dahilan sa pagsasabatas ng Dekretong Edukasyon ng 1863 at mga naging epekto
nito;
 Nakapagpapahalaga sa mga kabutihang dala ng edukasyon.
 Nakakagawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng edukasyon

II. PAKSANG ARALIN:


A. Pagpapatibay ng Dekretong Edkasyon ng 1863

B. Sanggunian: AP6PMK-Ib-4 Curriculum Guide 6, BOW 2017, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino pp.28-30
C. Kagamitan: tsart, larawan, aklat

D. Pagapapahalaga: Pagkamakabansa

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban sa klase
3. Balitaan: (Tungkol sa makabuluhang pangyayari sa bansa)
4. Balik-Aral:
“Thumps up o Thumps down”
5. Pagganyak

I.Pagmasdan ang larawan. Ano-ano ang inyong nakikita sa larawan?

2. Sa inyong palagay, nakapag-aral kaya ang mga batang Pilipino noong


panahon ng pananakop ng mga Espanyol ?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad:
Sa araling ito matutunan mo ang tungkol sa pagpapatibay ng Dekretong Edkasyon ng 1863.
Ipakita ang mga larawan.
Paaralan sa mga Kalalakihan. Paaralan sa mga Kababaehan
Ano ang inyong napapansin sa uri ng edukasyon noon sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol?

(Pagpapakita ng video clips/powerpoint tungkol sa pag-usbong ng uring mestizo sa bansa.)

2. Pagsusuri
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anong batas ang pinagtibay upang magkaroon ng karapatang makapag-aral ang mga Pilipino sa
mga paaralang Espanyol?
2. Ano-ano ang mga bagay na itinuturo sa paaralan?
3. Bakit magkaiba ang paaralan ng kalalakihan at kababaihan noon?

3. Paghahalaw
Sa inyong palagay paano kaya nakatulong ang pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 sa
pagsulong ng damdaming nasyonalismo sa bansa?
4. Pagsasagawa ng Gawain
Indibidwal na Gawain:
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan o opinion batay sa paksang tinalakay.
Isulat sa linya ang K kung ito ay may katotohanan at O kung opinion.

____1. Sa pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863, nagsimulang magkaroon ang mga Pilipino ng
karapatang mag-aral sa mga paaralang Espanyol.
____2. Kabilang sa ilalim ng Dekretong Edukasyon ng 1863 ay ang pag-aaral ng mga babae sa
unibersidad.
____3. Magkaiba ang mga paaralan para sa kababaihan at kalalakihan noong panahon ng Espanyol.
____4. Gustong-gusto ng mga Espanyol na makapag-aral ang mga Pilipino.
____5. Ang edukasyong ipinakilala ng mga Espanyol noon ay hindi nag dulot ng malaking pagbabago sa
buhay ng mga Pilipino.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN?
1. Paglalahat:
Ano ang naging ambag ng pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863 sa pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo?
2. Paglalapat:
Sa pamammagitan ng paguhit ng isang poster, ipakita ng pagpapatibay ng Dekretong Edukasyong ng
1863 sa mga Pilipino.
Paglalahad ng rubric…..

IV. PAGTATAYA
Tukuyin mabuti ang tanong sa bawat bilang hinggil sa paksang tinalakay. Isulat ang titik ng tamang sagot

1. Alina ng hindi kabilang sa ilaim ng Dekretong Edukasyongn1863?


a. Pag-aaral ng mga babae sa unibersidad
b. Pagbubukas ng mga paaralang normal
c. Pagbukas ng mga paaralang pampubliko
d. Pag-aaral sa paaralang Espanyol
2. Bakit hinadlangan ng mga Espanyol na maging mahusay o dalubhasa ang mga Pilipino?
a. Dahil ayaw nilang lumawak at mabuksan ang kaisipan ng mga Pilipino
b. Dahil likas na mahusay ang tingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
c. Dahil walang pambayad sa paaralan ng mga Pilipino
d. Lahat ng nabanggit
3. Ano ang negatibong epekto ng edukasyong kolonyal sa buhay ng mga Pilipino?
a. Naging tama ang mga Pilipino
b. Lalong walang natutuhan ang mga Pilipino
c. Bumaba ang tingin ng ,ga {o;opino sa sariling kultura
d. Nahihilig sa mga sugal
4. Alin sa mga ito ang hindi bunga o epekto ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga Pilipino sa tulong ng
Delretpmg Edukasyon ng 1863?
a. Naging sunod-sunuran ang mga Pilipinong nakapag-aral sa mga Espanyol
b. Lumawak ang kaisipan at pananaw ng mga Pilipino di lamang para sa sariling buhay kundi maging sa
bayan
c. Higit na tumaas ang antas ng pagbasa, pagbilang at pagsulat ng mga Pilipino
d. Nabukas ng mata ng mga Pilipino upang magising ang diwang nasyonalismo
5. Alina ng kabilang sa mga itinuturo sa paaralang Espanyol?
a. Heograpiya
b. Pagsasaka
c. Kagandahang asal
d. Lahat ng nabanggit

V. TAKDANG-ARALIN
Magsaliksik pa ng mga impormasyon tungkol sa naging epekto ng Pagbabatibay ng Edukasyong ng 1863.
Remarks
Reflection
a. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
b. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
c. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng magaaral na nakaunawa
sa aralin
d. Bilang ng mga magaaral na
magpapatuloy sa remediation
e. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
f. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa tulong
ang aking punungguro at
superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

SECTIONS
Item Integrity Prosperity Trustworthy Purity Sincerity Quality Hospitality
5 5X = 5X = 5X = 5X = 5X = 5X = 5X =
4 4X = 4X = 4X = 4X = 4X = 4X = 4X =
3 3X = 3X = 3X = 3X = 3X = 3X = 3X =
2 2X = 2X = 2X = 2X = 2X = 2X = 2X =
1 1X = 1X = 1X = 1X = 1X = 1X = 1X =
0 0X = 0X = 0X = 0X = 0X = 0X = 0X =
Total/
Percentage

You might also like