You are on page 1of 4

IKALAWANG ARALIN

9
Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

MGA PAKSA
1. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
2. Pagbabasa at pananaliksik ng Impormasyon
3. Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon

MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagtatala ng mga halimbawa ng mga batis ng impormasyon.
2. Nakapaglalahad ng mga sitwasyong nagiging epektibo ang teorya at
uri ng pagbasa.
3. Nakabubuo ng sariling pagsusuri batay sa impormasyong binasa.
4. Nailalahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagbubuod at pag-
uugnay-ugnay ng mga impormasyon.

UNANG PAKSA: PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON

Primaryang Batis. Naglalaman ng mga impormasyon na galing


mismo sa bagay o taong pinag-uusapan sa kasaysayan.
Sekondaryang Batis. Batayang ang impormasyon ay mula sa
pangunahing batis ng kasaysayan.
Pasalitang Kasaysayan. Kasaysayan na sinambit ng bibig.
Kasaysayang Lokal. Kasaysayan na nagmula sa ating lugar.
Nationalist Perspective. Pagtingin o perspektibo na naaayon o
mas pabor sa isang bansa.
History From Below. Naglalayong kumuha ng kaalaman batay sa mga
ordinaryong tao,binibigyang pansin nito ang kanilang mga karanasan at
pananaw, kaibahan sa estereotipikong tradisyonal na pampulitikang
kasaysayan at tumutuon sa gawa at aksyon ng mga dakilang tao.
Pantayong Pananaw. Isang metodo ng pagkilala sa kasaysayan at
kalinangang Pilipino na nakabatay sa “panloob na pagkakaugnay-uganay at
pag-uugnay ng mga katangian, halagahin (values), kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng iisang kabuuang
pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan
ng iisang wika
Pangkaming Pananaw. “Pangkaming Pananaw” ang nagawa ng hanay ng
mga Propagandista tulad nina Rizal, Luna atbp. bilang pamamaraan sa
paglilinang ng kabihasnan natin.

Pansilang Pananaw. Sa perspektiba ng PP "pansilang pananaw" ay


ipinagpapatuloy ng kasalukuyang mga antropologong Pilipino.

10
Gawain 1: Magtala ng mga halimbawa ng mga Batis ng Impormasyon.

Batis ng Impormasyon Halimbawa


Halimbawa:
Primaryang Batis Suspek/Witness sa isang Krimen

IKALAWANG PAKSA: PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Ang PAGBABASA ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na


simbolo. Ito pagproseso at pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa
mambabasa. Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang
maaring nangyari sa tunay na buhay.

Bottom-up. Ang pag-unawa


sa binasa ay nagsisimula sa
teksto patungo sa
mambabasa.

Top-Down. Nagsisimula sa
kaisipan ng mambabasa
patungo sa teksto sapagkat
Mga Teorya sa Pagbasa ang ating kaalaman ang
nagpapasimula sa pagkilala
sa teksto.

Interaktib. Hindi na lamang


teksto ang binibigyang-
pansin, kasama na rito ang
pag-uugnay ng sariling
karanasan at pananaw o
dating kaalaman.

11
Uri ng Pagbasa

Skimming. Ito ay
mabilisang pagbasa
upang makakuha ng
pangkalahatang ideya ng
buong teksto.

Scanning. Ito ay uri ng


mabilisang pagbasa
upang hanapin ang tiyak
na impormasyong nais
makuha sa materyal o
teksto.

Gawain 1: I-Tweet na ‘yan!

Gamit ang 140 karakter na titik at bilang, isulat sa kahon sa ibaba ang iyong sagot sa
tanong na “Kailan mo nagagamit ang mga Teorya at Uri ng Pagbasa?”

IKATLONG PAKSA: PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY-UGNAY NG IMPORMASYON

Ang pagbubuod ng impormasyon ay ang pagsiksik at pinaikling bersyon ng teksto ng isang


impormasyon. Ito ay ang diwa, sumaryo o pinaka-ideya ng buong teksto. Malimit din ginagamit
ang pagbubuod sa pagsasalaysay ng mga nabasang kwento, nobela, gayundin ang panonood ng
sine, dula at iba pa.

Mga hakbang sa pagbubuod:


1. Basahin, panoorin o pakinggan muna
12 nang pahapyaw ang teskto o akda.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang
pangungusap o ang pinaka tema gayundin ang mga susing salita o key words.
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideya upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Isulat na ang buod at tiyakin ang organisasyon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa at ebidensya.
6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya
ng gayunpaman at kung gayon bilang pangwakas
7. Huwag magsinggit ng mga opinyon

Ang pag-uugnay-ugnay ng impormasyon ay ginagawa upang mas maintindihan ang


tekstong nais ipahayag. Dito maaring maglagay ng sariling pananaw at opinyon. Maaring
magsadula dito para mas malawakang maintindihan at maunawaan ang impormasyon at mga
kaalaman na nakalap.

Gawain 1: Venn Diagram

Gamit ang Graf sa ibaba, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng pagbubuod at pag-
uugnay-ugnay ng mga impormasyon.

Pagbubuod Pagkakatulad Pag-uugnay-ugnay

Karagdagang Babasahin:
▪ Mga artikulo sa Philippine EJournals Database, partikular ang mga journal na naglalathala ng
mga (o ilang) artikulo sa Filipino.
(https://upd.edu.ph/research/journals/)

13

You might also like