You are on page 1of 2

St.

Anthony´s College
San Jose, Antique
LA-Ed Department

Aralin sa GEC 111


Introduksyon sa Panitikan ng mga Rehiyon

Course Learning Outcomes:


Students communicate ideas and opinions effectively.

Intended Learning Outcomes:


Nakikilala at nabibigyang linaw ang mga panitikang nasa anyong tuluyan o prosa at anyong patula.
Natutukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang anyo ng panitikan.

Paksa: Anyo ng Panitikan: Tuluyan o Prosa at Akdang Patula


Sanggunian: Villafuerte, P., Bernales, R., et. al. (2009) Historikal at Analohikal na Pagtatalakay. Valenzuela City:
Mutya Publishing House, Inc. pp. 3-6
Espina, L., Plasencia, N., et. Al. 2014. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilinpinas (Ikalawang Edisyon).
Intramuros, Manila: Mindshapers Co.,Inc. pp.11-13

Aralin 3

AKDANG PATULA
 Binubuo ng mga pahayag na may sukat at tugma.
Sukat- tumutukoy sa bilang ng pantig ng mga salita sa bawat taludtud.
Tugma- tumutukoy sa pagkakatulad ng tunog ng huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod.

APAT NA URI NG AKDANG PATULA

a. Tulang Padamdam o Liriko- paksang nauukol sa damdamin ng tao.

PASTORAL Naglalarawan ng buhay sa bukid.


SONETO Naglalaman ng 14 na taludtod at isang awit na may hatid na aral.
ODA Isang tula ng paghanga o papuri sa isang bagay.
AWIT Pumapaksa sa iba’t ibang uri ng damdamin gaya ng pag-ibig,
kalungkutan, kasiyahan at iba pa.
ELEHIYA Ito’y awit na punumpuno ng damdamin patungkol sa isang
namatay o namayapa na.
DALIT Papuri sa panginoon o sa Mahal na Birhen.

b. Tulang Pasalaysay- pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay, ng kagatingan at kabayanihan ng


tauhan.

AWIT at Pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang


KORIDO ginagalawan ng mga tauhang prinsipe at prinsesa.
EPIKO Tungkol din sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan at ang mga pangyayaring nakapaloob dito ay
kagilagilalas at hindi kapani-paniwala.
c. Tulang Pandulaan- karaniwang itinatanghal sa dulaan o entablado.

MORO-MORO Pag-iibigan ng Muslim at Kristiyanong humahantong sa pagpapabinyag ng


Muslim.
PANULUYAN Pagsasadula sa paghahanap nina Birheng Maria at San Jose ng matutuluyan.
MELODRAMA, Ang dula ay nagwawakas na kasiya-kasiya sa mabubuting tauhan bagama’t ang
uring ito’y may malulungkot na sangkap.
KOMEDYA, Ang uring ito’y nagtatapos na masaya sapagkat ang mga tauhan ay
nagkakasundo. Ang wakas ay kasiya-siya sa mga manonood.
TRAHEDYA Sa dulang ito,y may mahigpit na tunggalian. Mapupusok ang mga tauhan at
ginagamitan ng msisidhing damdamin.

PARSA Uri ng dula na nagpapasaya


SAYNETE Naglalahad ng kaugalian ng isang lahi, sa kanyang pamumuhay, pangingibig at
iba pa.

d. Tulang Patnigan-

KARAGATAN Hango sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na inihulog sa dagat upang


mapangasawa niya ang kanyang kasintahang mahirap.

DUPLO Isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran.


BALAGTASAN Isang pagtatalo sa pamamagitan ng patula
BATUTIAN Hinango sa balagtasan na ginagawa sa mga lamayan upang libangin ang mga
tao. Sagutang patula na may halong pangungutya at pagpapatawa
ENSILADA Mimetikong larong patulang ginagawa bilang pang-aliw sa mga namatayan. Ito
ay relihiyosong dulang ng mga Ilonggo hinggil sa pagkakatagpo sa Banal na
Krus.
JUEGO DE PRENDA Ito’y isang laro sa lamayan kung saan ito ay pagbibigay ng pahayag upang
magkawilihan at kapag nagkamali ay tiyak na mapeprenda at magbibigay siya
ng anumang bagay na tutubusin ng pagtula o pag-awit.

You might also like