You are on page 1of 3

NEW PRODON ACADEMY OF VALENZUELA

“Let your children feel at home in a place they can call their own…”

2428 M. De Los Reyes St., Gen. T. De Leon, Valenzuela City

Tel. Nos. 2919152 / 2939808 / 4431555

PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
ASIGNATURA

“MGA URI NG TEKSTO”

(Impormatib)
MODYUL BLG.1
Pangalan:__________________
Pangkat: __________________

BB. JUVEL I. TAGLAY

GURO SA ASIGNATURA
MGA LAYUNIN:
a. Nabibigyang-kahulugan ang tekstong impormatibo
b. Nasusuri ang mga impormasyon mula sa binasang teksto

SANGGUNIAN:
• Obispo, M. et.al. 2018. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Innovative Materials Inc. Sta Ana, Manila. Philippines

SIMULAN NATIN!

Panuto: Magbigay ng ilang salita na may kaugnayan sa “Pagpapahalaga” sa

pamamagitan ng word collage.

PAGPAPAHALAGA

TALAKAYIN NATIN!

Ang tekstong impormatibo ay tumatalakay sa mga kaisipan o mensaheng nais

ipaabot ng may-akda. Naglalahad ito ng impormasyon tungkolsa pagsusuri ng konsepto sa tulong ng
mahahalagang datos sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon ay kinakailangan na ang mga ito
ay natatangi at makatotohanan. Sa pamamagitan ng pagilinaw at pagpapalawak ay mas
mauunawaan ngmga mambabasa ang nilalaman nito. Ito ay kanyang natatamo sa pamamagitan ng
masuring pananaliksik.
Paraan ng Pagsulat ng Tekstong Impormatib
1. Pumili ng Paksa
Pumili ng paksa kung saan ka may interes. Makatutulong ito nang malaki sapagkat
magiging kawill-wil para sa lyo ang pagsasaliksik. Madall mo itong mauunawaan dahil
interesado ka sa paksa. Isa rin sa mga dapat mong isaalang-alang kung ang paksa ay
napapanahon o may kaugnayan sa kasalukuyang isyu. Nakatatawag ito ng pansing ng mga
mambabasa dani sa pagkaakma ng mga paksa sa panahon.
2. Paggamit ng Pangunahing ldeya at Pantulong na Kaisipan
Mahalaga ang pangunahing ideya dahil dito mo paiikutin ang buong nilalaman ng iyong
tekstong impormatib. Dapat nagtataglay ng mahahalagang impormasyon ang pangunahing
ideya. Sa pamamagitan naman ng mga pantulong na kaisipan, nasusuportahan ang kaisipan
na nakapaloob sa pangunahing ideya. Maaaring ipaliwanag at magbigay ng mga halimbawa
upang lubos na maunawaan ang pangunahing ideya.
3. Paggamit ng mga Sanggunian
Kinakailangan na may mga sanggunian ang mga pinagkunan ng tekstong impormatib,
upang mapatunayan na ang nilalaman ngiyong teksto ay totoo at tama. Marami ang maaaring
gamitin bilang sanggunian, karaniwan ay ang mga babasahin tulad ng aklat at mga artikulo sa
pahayagan o magasin. Sa kasalukuyang panahon ay nagiging takbuhan na ng mga
nagsasaliksik ang World Wide Web ngunit sa paggamit ng sanggunian ay dapat maging
mapanuri ang mga sumusulat sapagkat maaaring hindi accurate ang mga nakalagay sa mga
pinaghanguang website.

GAWIN NATIN!

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay na pinamagatang “Pagpapahalaga ng Mga

Kilalang Tao sa Asia” ni Ryan C. Rivera at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
A. Ipaliwanag ang ,ilang mga pagpapahalaga ni Confucius na nasa ibaba:
a. Ang isang indibidwal ay dapat positibo kaysa negatibo
______________________________________________________________________

b. Pagsunod sa pamantayan ng lipunan
________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________
c. Ang bawat pagkilos ng tao ay nakaaapekto sa kaniyang kapwa
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like