You are on page 1of 2

ANG PAGPILI NG PAKSA SA PANANALIKSIK

Ang isang matibay na paksa ay isang paksang may pokus. Inaasahan ditong may kalinawan ang paksa.
Kailangang magsimula sa isang ideya ng malinaw na tanong o sulirang maaaring matuklasan at
magkaroon ng makahulugang epekto sa karunungan sa isang partikular na disiplina.

Maaaring maging gabay ang pagtatanong ng:

1.Bakit ko nais talakayin ang paksang ito?

2.Paano ito naging interesante para sa akin?

3.Maaari ba akaong makabuo ng saliksik mula sa paksang ito?

4.Magkakaroon ba ako ng sapat na datos para sa pagsisisyasat dito?

Gabay ang ilang mga tanong na iyan upang magkaroon ng panimulang hakbang sa pagpili ng paksa
pagkat ang paksang pampananaliksik ay isang isang interes na tiniyak upang likhain ang mananaliksik
bilang eksperto nito (Booth, Colomb at Williams, 1995). Sa makatuwid, ang pagpili ng paksa para sa
pananaliksik ay simulain upang mag iwan ng tatak ang isang mananaliksik sa isang partikular na
larangan. Taglay rin nito ang katangiang pagpapaigting sa pagbuo sa isang lawas ng karunungan at
paglikha ng korpus (katawan) mula sa abstraktong suliraning nais tugunan.

MGA SALIK NG PAGPILI

Maaaring matamo ang layong binabanggit sa itaas sa tulong ng mga sumusunod na salik sa pagpili ng
isang mahuasay na paksa:

1. May Tiyak na Layon- kabuhol ng isang mahusay na paksa ang isang tiyak na tunguhin pagkat
kailangang isaisip na ang saliksik ay may produktong ipanganganak- produkto, solusyon,
karunungan at bagong tuklas;
2. Interes- malaking bagay kung ang paksang mapipili ng mananaliksik ay kaniyang interes, pagkat
magiging matiwasay ang kaniyang pananaliksik at makakalikha pa siya ng kawing ng pag-aaral na
higit na makatutulong sa pagbuo ng pag-aaral;
3. Nakabatay sa Iba pang Umiiral na Saliksik- ang katangiang ito ay tumutugon sa ideyang ang
saliksik ay bunga ng isang suliranin at nagbubunga ng isa pang suliranin. Ito ay isang hakbang
upang makalikha pa ng iba pang saliksik
4. Maaaring Makalikha ng Iba pang Suliranin- gaya ng binabanggit, inaasahan ang isang saliksik ay
makakalikha pa ng iba pang saliksik sa hinaharap. Samakatuwid, ito ay siklikal;
5. May Malawak na Sarbey ng Batis- nangangailangan ito ng malawakang pagsasarbey ng batis ng
impormasyon at nagtataglay ng maramihang pingakukunan ng datos;
6. Maaaring Idaan sa Proseso ng Beripikasyon- sa pagpli ng paksa gawing salik ang posibilidad at
kakayahan nitong sumailalaim sa pansarili at panlabas na beripikasyon. Tayahin ito sa
pamamagitan ng paunang pag-iisip sa mga suliraning kakaharapin kung ito ay itutuloy bilang
isang ganap sa saliksik; at
7. Makatotohanan at Malinaw- isanasama ang salik na ito sa konsiderasyon dahil inaasahang ang
saliksik ay nakasalig sa reyalidad, samakatuwid, malinaw, espisipiko, tiyak at may kapasidad na
maisakatuparan.
Sa pagpili ng paksa, maaaring limitahan ito ayon sa mga sumusunod:
 Lugar
 Edad
 Panahon
 Propesyon/Grupo/Pangkay
 Kasarian
 Lente/Teorya

You might also like