You are on page 1of 2

Pangalan:_JUDIE C.

LOPEZ Kurso/Taon:BSED ENGLISH 1 B

Guro: BB. ELSA VERAL Petsa: 04/04/2022


Puntos: ________

I. Panuto: Punan ng tamang termino ang mga sumusunod na pangungusap o katanungan. Ang Hindi
tamang pagbaybay ay MALI. Dalawang puntos/isa.

Tsismisan _____ 1-2. Ang paksa ng gawaing pangkomunikasyong ito ay madaling kumalat dahil ang
pagsasabi nito ay hindi kinakailangan ng pahintulot o kumpirmasyon mula sa taong pinag-uusapan.

Pagbabahay-bahay ___ 3-4. Mainam ang estratehiyang gawaing pangkomunikasyon na ito kung ang
impormasyong hatid ay nais na maipabatid sa mga tao sa paraang personal na pakikipag-usap.

Talakayan _________ 5-6. Nagkakaroon ng diyalogo ang bawat kasapi sa gawaing pangkomunikasyon na
ito para ilabas ang lahat ng hinaing o mga isyung dapat pag-usapan.

Kinesika 7-8. 93%_ na porsiyento ang mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di – verbal
na komunikasyon.

Paralanguage 9-10. Tumutukoy ito sa tono ng tinig, pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita.

Sulating pang Jornalistik o pampahayagan. 11-12.Tinaguriang itong responsableng pagsusulat sapagkat


ang sinusulat dito ay mga balita o isyu sa loob at labas ng bansa, editorial, kolum, lathalain.

Sulating panteknikal13-14. Kailangan naman sa sulating ito ang sapat na kaalaman o pag-aaral upang
mailahad nang maayos at malinaw ang mga impormasyon.

Hawig 15-16. Ito ay pagbubuod ng impormasyon na inilalahad sa sariling pangungusap ang mga
impormasyong nakalap mula sa ibang manunulat.

Sintesis 17-18. Pagbubuod ng mga impormasyong nakalap mula sa pag-aaral o pananaliksik.

Pormal na pagsulat 19-20. Layunin ng anyo ng pagsulat na ito ay makapaglahad ng mga ideya sa
paraang madaling maunawaan ng mga mambabasa.

II. Enumerasyon

Panuto: Itala ang mga terminong hinahanap ayon sa pagkakasuno-sunod at tamang pagbaybay.

21-30. Itala ang limang (5) hakbangin sa pagsulat ayon sa pagkakasunod-sunod. 10 puntos

1. Pagpili ng paksa.
2. Pangangalap ng impormasyon.
3. Pagsusuri ng mga nakalap na impormasyon.
4. Pagsulat.
5. Pag-eedit at pagrerebisa.

31-38. Tukuyin ang walong (8) uri ng Pagbasa.


1. Iskaning.
2. Iskiming.
3. Previewing.
4. Kaswal.
5. Pagbasang pang-impormasyon.
6. Matiim na pagbasa.
7. Re-reading o muling pagbasa.
8. Pagtatala.

39-46. Itala ang apat (4) na Potensiyal na mga sagabal sa komunikasyon. 2 puntos/isa.

1. Semantikong sagabal.
2. Pisikal na sagabal.
3. Pisyolohikal na sagabal.
4. Sikolohikal na sagabal.

47-50. Sanaysay – Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng Wikang Pambansa sa iyong buhay? 4
puntos.

“Wika ang siyang nagbubuklod sa tao upang magpabatid ng kanilang nararamdaman at


kaisipan para sa pakikipag talastasan”.- Judie Lopez

Bilang isang Pilipinong kabataang mag aaral, mahalaga ang ating wikang Pambansa. And ating
wika ay siyang sumasagisag sa ating lahi bilang isang Pilipino at pagkakakilanlan natin bilang isang
bansang nagkakaisa. Ang ating pambansang wika ang siya ring daan upang magkaugnay-ugnay ang
bawat isa sa ating bansa dahil sa ibat ibang dayalekto na mayroon dito. Dahil sa pagkakaiba natin sa
ating kinasanayang mother toungue, kailangan natin ng isang Wikang Pambansa para magkaisa at
mapalwig ang pakikipag ugnayan at higit sa lahat ay pangkalahatang pagkakaintindihan.

You might also like