You are on page 1of 3

Emmanuel Gulac 10-SD

Tauhan : Cupid, Mercury, Aphrodite, Athena, Helios, Diwata

Ang Pakpak ni Cupid


Si Cupid ay isang masayahing bata pero siya ay malikot, sya rin ay masunurin sa kanyang mga
magulang. Si Mercury ay ang ama ni cupid sya ay masipag na tao at matulungin din, Si Athena
naman ay ang ina ni Cupid isang mabait at mahinhin na babae. Ang batang si Cupid ay may
kapangyarihan na makakapaglipad, upang makalipad kailangan nya ng pakpak at ang mga pakpak
nya ay lalabas lamang sa ikawalo niyang kaarawan. Pumunta ng gubat ang mag ama na si Cupid at
si Mercury upang kumuha ng mga kahoy, at habang pauwi na ang mag ama may nakasalubong
silang matanda na gutom at uhaw at dahil sa pagiging matulungin ng ama ni Cupid na si Mercury
binigyan niya ito ng natirang pagkain at tubig ng kanyang anak at napatanong si Cupid “Ama bakit mo
binigay ang natira kong pagkain?” sagot ni Mercury “dapat sa lahat ng oras wag kalimutan ang
tumulong at mag unawa” napaisip si Cupid. Nakauwi na ang mag ama at sinalubong sila ni Athena
ang ina at asawa nina Cupid at Mercury, at sila ay pinagluto ni Athena at habang kumakain
masayang ikinuwento ni cupid ang nangyari sa lakad nila ng kanyang ama ikinuwento rin niya kung
paano tinulungan ni Mercury ang matandang gutom at uhaw namangha si Athena sa mga ginawa at
tinuro ni Mercury sa kanyang anak.

Dumating na ang ikawalong kaarawan ni Cupid at masaya silang naghahanda, napatanong si Cupid
sa kanyang ina “Ina ano ba sa pakiramdam ang lumilipad?” sagot ni Athena “para kang isang
malayang ibon” masayang umalis si Cupid at pumunta sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Gumabi na at inabot na ng pagod si Cupid at siya ay nakatulong nalang, habang natutulog si Cupid
napansin nina Mercury at Athena ang likod ni Cupid na natutubuan ng pakpak masaya ang mag
asawa sabay sabi ni Athena “parang kelan lang malaki na yung anak natin”. Kinabukasan nagulat si
Cupid sa kanyang mga pakpak dahil siya ay nanibago dito di pa niya alam kung ano ang gawin dito
at kung paano ito gagamitin natanong ni Cupid sa kanyang magulang kung paano ito gamitin at ang
sabi nila “kailangan mo ito matutunan sa iyong sarili”. Lumabas si Cupid at inisip kung paano nya
gagamitin ang kanyang mga pakpak at bigla niya naisipan yung sabi ng kaniyang ina na “parang
isang ibon na malaya” kaya tumungo si Cupid sa bangin ng hindi nagpapaalam, nakita ni Cupid ang
mga ibon na lumilipad at kanya itong sinabayan habang lumulipad si Cupid hindi nya namalayan na
siya ay naliligaw na.

Nagtaka ang mag asawa kung nasaan na ang kanilang anak at di nila alam na ito pala ay naliligaw
na “saan na ang ating anak?” ang paiyak na sambit ni Athena. Habang hinahanap nina Athena at
Mercury ang kanilang anak si Cupid ay nakahanap ng bahay kung saan nakatira si Helios. Si Helios
ay ang matandang tinulungan nag mag ama nung sila ay pumunta ng gubat, hindi nakilala ni Cupid
ang matanda kaya napatanong siya kung pwede tumira ng pansamantala sa kaniyang tahanan
pumayag ang matanda at pinatuloy si Cupid. Tumungo ang mag asawa sa lugar ni Aphrodite, si
Aphrodite ay isang manghuhula kay nagpahula ang mag asawa kung nasaan ang kanilang anak ang
sabi ng manghuhula ay “ang inyong anak ay nasa mabuting lagay kasama niya ang taong minsan na
ninyong natulungan” di nawalan ng pag-asa ang mag asawa at sila ay umuwi. Si cupid ay inalagaan
ni Helios at tinuruan din niya itong lumipad.

Natuto na si Cupid lumipad at siya ay nagpasya na umuwi na sa kaniyang tahanan bumalik siya sa
bahay ni Helios at nag paalam umuwi. Bago umalis si Cupid may sinabi si Helios sakanya na
nagpalambot ng kanyang puso “Cupid alam kong di mo naalala pero ako yung matandang tinulungan
niyo ng iyang ama” umiyak si Cupid at sumagot ng “ikukuwento ko ang mga tulong at pagsasama
natin kay ama” umuwi at muling nakasama ang kanyang mga magulang at ikinuwento ni Cupid kung
ano ang nangyari sakanya habang siya ay nawawala, lumambot ang puso ng mag-asawa. “buti at
tinuruan mo ng mabuti ang ating anak” tugon ni Athena kay Mercury. “buti at ligtas kang naka uwi
aking anak” sabi ni Mercury sa kanyang anak at nagpasya ang pamilya na pumunta sa bahay ng
matandang si Helios upang maka bawi at mag pasalamat dito.

Dahil sa Pakpak ni Cupid siya ay natutong maging isa malayang ibon at di niya kinalimutan ang sabi
ng kanyang ama na sa lahat ng oras dapat maging matulungin at mag unawa. Lumaki ng mabuti si
Cupid at sya ay katulad ng kayang ama na matulungin at ang kanyang mga magulang ay matatanda
na kaya kailangan ni cupid kumilos mag isa para sa kaniyang mga magulang. Isang araw nagkaroon
ng sakit ang ina ni Cupid na si Athena at dahil sa hindi na kaya ni Mercury alagaan ang kanyang
asawa at kailangan ni Cupid kumilos mag isa para mapabilis ang pag galing ng kanyang ina kaya
siya ay tumungo sa gubat at kumuha ng mga prutas para sakanyang mga magulang. Papalapit na
ang gabi kaya lumipad na si Cupid pauwi sa kanilang bahay “ina nagdala po ako ng prutas sainyo ni
ama kainin nyo po ito pag gusto” sabi ni cupidn habang siya ay papasok sa pintuan nag pasalamat
ang kanyang mga magulang sa mga ginagawa niya .

Tumagal ang panahon at lalo na nanghina ang Ina ni Cupid na si Athena, inutusan ni Mercury ang
kanyang anak na kumuha ng mga gamot para sa kanyang ina, naalala ni Cupid si Helios. Pumunta si
Cupid sa bahay ni Helio upang manghingi ng mga payo para sa mga gamot na pwedeng makatulong
sa paggaling ng kanyang ina, nakarating na si Cupid sa bahay ng matanda tinawag ni Cupid ang
matanda ngunit walang sumasagot wala ng tao ang bahay ng matandang si Helios. Umalis nalang si
Cupid, habang lumilipad si Cupid siya ay hinagis ng isang malakas na hangin kaya nawala ang
kontrol nito sa paglipad nahulog si Cupid mula sa himpapawid at di nya namalayan na ang kanyang
pakpak ay nasira dahil sa pagkahulog, “yung mga pakpak ko ay nasira di ko pa ito magagamit “ ang
paiyak na sabi ni Cupid sa kanyang sarili, tiniis na rin ni Cupid ang sakit na nararamdaman .

Umuwi si Cupid ng may iniimbang sakit at tinanong siya ng kanyang ama kung ano ang nangyari
sakanya “nawalan po ako ng kontrol habang lumilipad kaya ako ay nahulog” sagot ni Cupid
sakanyang ama. Pinuntahan ni Cupid ang kanyang ina at humingi ito ng tawad kase di siya nakakuha
ng gamot para sa kanyang ina “wag mo ako aalahanin aking anak alahanin mo ang iyong sarili lalo
na sa kalagayan mo na yan” ang nanghihinang sagot ni Athena sa kanyang anak. Inihanda ni Cupid
ng hapunan ang kanyang pamilya at habang kumakain sinabihan ni Mercury si Cupid na pumunta sa
lugar ni Aphrodite dahil si Aphrodite ay hindi lamang manghuhula at siya rin ay manggagamot “pero
ama malayo ang kanilang lugar at di ko pa magagamit ang aking pakpak”.
Sinunod ni Cupid ang sabi ng ama nag imbak si Cupid ng pagkain para sa kanyang paglalakbay
nagpaalam na si Cupid at siya ay lumuwas na. Habang naglalakbay si Cupid may na daanan siya
madungis babae na nagkakailangan ng tulong sa ilog kaya tinulungan ito ni Cupid matapos
matulungan tinanong ni Cupid kung kumain na ba ang babae “hindi pa at akoy uhaw na uhaw na”
sagot ng babae kay Cupid binigyan ni Cupid ng makakain ang babae at nagtira sa sarili niya matapos
kumain ang babae ay nagbagong anyo siya ay naging isang magandang diwata binigyan siya nito ng
dalawang hiling “di koto inaasahan” ang sinabi ni Cupid nung siya ay nagulat namangha si Cupid sa
nangyari. Sinabi na ni Cupid ang una niyang hiling sa diwatang babae “ang aking unang hiling ay
sana gumaling na ang aking pakpak upang makauwi nako sa aming bahay” tinupad ng diwata ang
kanyang hiling “maaari mo ba akong samahan pauwi sa aming bahay” ang tanong ni cupid sa
Diwata, pumayag naman ang diwata at sila ay bumalik na.

Nang makauwi si Cupid pinakilala niya ang diwata sa kanyang ama at si Mercury ay namangha, agad
naman pumasok si cupid at ang diwata sa kwarto kung saan naka higa ang ina ni Cupid na si Athena
“ang aking panglawang hiling ay sana pagalingin mo ang aking ina” tinupad ng diwata ang hiling ni
Cupid. Matapos natupad ng diwata ang dalawang hiling ni Cupid agad itong nawala na parang bula,
matapos gumaling si Athena lumabas ito at niyakap ang asawang si Mercury lumabas na din si
Cupid.

Nagkwentuhan ang mag pamilya at natanong ni Mercury sa anak kung paano niya nakilala ang
diwata, kinuwento ni Cupid kung paano niya ito tinulungan sa ilog at binigyan ng makakain
“ipinagmamalaki ka namin anak sa mga kabutihan mo na mga ginawa” sabi ni Athena sa kanyang
anak. “syempre nagmana ako sa aking ama” sabi ni Cupid. Masayang nagkukuwentuhan ang
pamilya at muli silang nagsama ng masaya ulit. Dahil sa mga aral at turo ni Mercury sakanyang anak
natuto ito maging katulad sa kanyang ama at lumaki na mabuting tao.

You might also like