You are on page 1of 3

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Arts,Sciences and Education


Filipino 102.
MIDTERM EXAMINATION

Pangalan:__________________________Course:_____________Date:__________Score:_____
Test I.
PANUTO : Piliin ang pinakaangkop na titik ng tamang sagot.
1.) Ang mga Ulat,Review, Artikulo at mga Pananaliksik ay ilan sa mga sulating _____?
a.) Humanidades b.) Agham
c.) akademiko d.) Teknolohiya
2.) Anong uri ng teksto ang tumatalakay sa mga may kaugnayan sa kultura at sining?
a.) Teksto sa Agham Panlipunan b.) Tekstong Humanidades
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Impormatibo
3.) Ayon kay Fabrigas, Ito'y gumagamit ng pormal at teknikal na pananalita. Anong uri ng teksto ito?
a.) Agham Panlipunan b.) Humanidades
c.) Agham at Teknolohiya d.) Impormatibo
4.) Ito ay tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga institusyon, gawain ng lipunan at ang
ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng komunidad.
a.) Agham Teknolohiya b.) Humanidades
c.) Agham at Panlipunan d.) Impormatibo
5.) Tawag sa mga tekstong ginagamit sa pag-aaral ng humanidades, agham panlipunan, at agham pisikal.
a.) Teksto sa Agham Panlipunan b.) Tekstong Humanidades
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Akademik
6.) Uri ng teksto ang nagdaan sa mabalasik na pagreresirts.
a.) Teksto sa Agham Panlipunan b.) Tekstong Propesyunal
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Akademik
7.) Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari.
a.) Tekstong Impormatibo b.) Tekstong Propesyunal
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Akademik
8.) Uri ng teksto na nakatuon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa ng mga bagay.
a.) Tekstong Impormatibo b.) Tekstong Propesyunal
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Prosidyural
9.) Uri ng teksto na nakatuon sa paglalahad ng mga opinyon, paniniwala o kuro-kuro sa mga mahahalagang isyu o iba pang
bagay.
a.) Tekstong Impormatibo b.) Tekstong Propesyunal
c.) Tekstong Argumentatibo d.) Tekstong Prosidyural
10.) Uri ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari.
a.) Tekstong Impormatibo b.) Tekstong Naratibo
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Prosidyural
11.) Uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa.
a.) Tekstong Prosidyural b.) Tekstong Naratibo
c.) Tekstong Impormatibo d.) Tekstong Persweysib
12.) Uri ng tekstong naglalarawan ng babasahin.
a.) Tekstong Deskriptibo b.) Tekstong Naratibo
c.) Tekstong Persweysib d.) Tekstong Impormatibo
13.) Uri ng tekstong naglalahad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga konsepto at mga palagay batay sa
pansariling haka-haka, opinyon, o pananaw.
a.) Tekstong Impormatibo b.) Tekstong Expositori
c.) Tekstong Deskriptibo d.) Tekstong Akademik
14.) Anong uri ng sining ang pinagdugtong-dugtong at insinaayos ang mga tunog sa iba't-ibang tono
upang makalikha ng isang katha na nagpapahayag ng iba't-ibang kaisipan at damdamin?
a.) Iskultura b.) Arkitektura
c.) Musika d.) Pelikula
15.) Ito’y isang uri sining kung saan ginagamit ang katawan bilang tagapagpahayag ng kaisipan at
damdamin.
a.) Pelikula b.) Sayaw
c.) Iskultura d.) Arkitektura
16.) Anong uri sining ang naghahandog at nagpapakita ng sining sa pagganap sa pamamagitan ng mga
dulang panradyo at pantelebisyon na pumupukaw sa damdamin at imahinasyon ng tao?
a.) Sayaw b.) Arkitektura
c.) Pelikula d.) Musika
17.) Uri ng sining na nagpapakita ng pagsasagawa kaugnay ng kagandahan at kahusayan ng gamit tulad
ng pantahanang kasangkapan at palamuti na iniayos sa mga simbahan, tahanan, paaralan at iba't-ibang
gusali.
a.) Iskultura b.) Pelikula
c.) Pagpinta d.) Arkitektura
18.) Ito'y nagagawa ng masining na kagandahan bunga ng malikhaing isipan gaya ng rebulto, kaanyuan ng
tao, monumento, imahen at iba pang simbolo. Anong uri ng sining ito?
a.) Iskultura b.) Arkitektura
c.) Musika d.) Pelikula
19.) Ito ay nakagaganyak at nakapagbibigay aliw at inspirasyon sa tao na ang produktong gawa ay
nagsisilbing palamuti sa bahay at iba't-ibang gusali. Ano uri ng sining ito?
a.) Pelikula b.) Pagpinta
c.) Iskultura d.) Arkitektura
20.) Ito ay nagpapakita ng pagsasamahan at ugnayan ng mga tao sa kanilang lipunan.
a.) Sikolohiya b.) Ideolohiya
c.) Sosyolohiya d.) Antropolohiya
21.) Ito ay pag-aaral sa kilos ng tao.
a.) Ideolohiya b.) Sikolohiya
c.) Antropolohiya d.) Sosyolohiya
22.) Akdang nagpapabatid ng pinangmulan, paglinang kagawian, lahi at paniniwala ng sangkatauhan.
a.) Antropolohiya b.) Sosyolohiya
c.) Ideolohiya d.) Sikolohiya
23.) Ito ay pamamalakad na pangkabuhayan ng pamahalaan at ng bansa, tinatalakay din dito ang
puhunan, kalakal at pagtitinda.
a.) Sikolohiya b.) Ekonomiks
c.) Ideolohiya d.) Antropolohiya
24.) Sa aling hakbang ng pagbasa tinutukoy ang pangkalahatang layunin at estruktura ng teksto?
a.) Unang Hakbang b.) Ikalawang Hakbang
c.) Ikatlong Hakbang d.) Ikaapat na Hakbang
25.) Sa hakbang na ito ay binabasang muli ang artikulo ngunit sa pagkakataong ito ay pinagtutuunan ng pansin ang paraan
ng pagsulat at presentasyon.
a.) Unang Hakbang b.) Ikalawang Hakbang
c.) Ikatlong Hakbang d.) Ikaapat na Hakbang
26.) Sa hakbang na ito sinusuri ang teksto sa kabuuan nito. Ibig sabihin, paraanan ng tingin ang kabuuan ng akda bago
tuluyang basahin.
a.) Unang Hakbang b.) Ikalawang Hakbang
c.) Ikatlong Hakbang d.) Ikaapat na Hakbang
27.) Sa aling hakbang sa pagbasa tayo gumagawa ng Kritisimo at Ebalwasyon sa Teksto?
a.) Unang Hakbang b.) Ikalawang Hakbang
c.) Ikatlong Hakbang d.) Ikaapat na Hakbang
28.) Sa anong antas ng pagbasa na ang panahon ang siyang pinakamahalaga?
a.) Mapanuri o Analytikal b.) Inspeksyunal o Mapagsiyasat
c.) Sintopikal d.) Primarya (elementarya)
29.) Antas ng pagbasa kinakailangan ng pag-uunawang integratibo.
a.) Primarya (elementarya) b.) Inspeksyunal o Mapagsiyasat
c.) Mapanuri o Analytikal d.) Sintopikal
30.) Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Anong antas ng
pagbasa ito?
a.) Mapanuri o Analytikal b.) Primarya (elementarya)
c.) Sintopikal d.) Inspeksyunal o Mapagsiyasat
Test II.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang isinasaad ay
TAMA at isulat ang MALI kung ang isinasaad ay MALI.
______31.) Ang mga ulat review, artikulo at mga pananaliksik ay ilan sa mga sulating akademiko.
______32.) Ang sikolohiya ay pag-aaral ng kilos ng tao.
______33.) Ang teksto sa ibat-ibang disiplina ay may taglay na sariling estilo at iba't-ibang gamit.
______34.) Ang tekstong Humanidades ay sangay ng siyensya na tumatalakay sa mga paksang may
kaugnayan sa mga institusyon, gawain ng lipunan at ang ugnayang personal ng bawat nilalang bilang
bahagi ng komunidad.
______ 35.) Ayon kay (Lachica, 1996), ang akdang pulitika ay tumutugon ukol sa mamamayan o
pamahalaan sa pamamalakad, ideolohiya, patakaran at mithiin ng mga mamamayan.
______ 36.) Sa tekstong humanidades ay higit nating nakikilala an gating sarili.
______ 37.) Ang pelikula ay isa ring sining na naghahandog at nagpapakita ng sining sa pagganap.
______ 38.) Ang sosyolohiya ay nagpapakita ng pagsasamahan at ugnayan ng mga tao sa kanilang
lipunan.
______ 39.) Ang arkitektura ay gumagamit ng katawan bilang tagapagpahayag ng kaisipan at damdamin.
______40.) Ang teksto ay tumutugon sa mga non-fiction na gumagamit ng paglalahad, paglalarawan o
pangangatwiran.
______ 41.) Ang layunin ng tekstong akademik ay ang magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa
isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari.
______ 42.) Higit na ginagamit ang teknolohiya, sa mga kursong inhenyera, kasama na rito ang kompyuter
at iba pang kursong teknikal magmula sa elektroniks hanggang sa pananahi.
______ 43.) Ang antropolohiya ay ang mga akdang nagpapabatid ng pinangmulan, paglinang kagawian,
lahi at paniniwala ng sangkatauhan.
______ 44.) Ayon kay (Lachica, 1996), sa humanidades, higit nating nakikilala ang ating sarili at higit
tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwala sa mga likha at gawa ng ibang tao.
______ 45.) Ang tekstong persweysiv ay uri ng tekstong nagsasalaysay.
______ 46.) Ang tekstong prosidyural ay nakatuon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa
ng mga bagay.
______ 47.) Ang tekstong persweysiv ang isang uri ng tekstong naglalayong manghikayat ng mga mambabasa. Ginagamit
ito sa mga pahayagan, telebisyon, at radyo.
______ 48.)Ang antas ng pagbasa na primary(elementarya) ang pinakamataas na antas ng pagbasa.
______ 49.) Ang sining ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil nagagawa nitong makipag-ugnayan at makapagpahayag ng
damdamin.
______ 50.) Ang sintopikal na antas ng pagbasa ay nangangailanagan ng pag-unawang integratibo.

Galingan mo! 

Bb. GISELLE S. RENDON


GURO

You might also like