You are on page 1of 2

Umali, Lanna Jane M.

GE-ELEC 2
PCBET – 19 – 301P AKTIBITI BLG.3

1. Pumili ng (5) limang Dalumat - salita mula sa Canvass hanggang Tokhang na


nakaantig sa iyong puso (any order).

• Lobat (2006)
• Jejemon (2010)
• Selfie (2014)
• Fotobam (2016)
• Tokhang (2018)

2. Bakit mo napili ang mga ito?


Pinili ko ang mga Dalumat na ito dahil ang mga salita na ito ay madalas pa ring
ginagamit sa kasalukuyan, lalo na ang salitang selfie at ito rin ang mga salitang tumatak
sa akin noong akoy bata pa lamang. Sinasalamin din ng mga salitang ito ang aking mga
personal na karanasan, dahil ang ilan sa mga aktibidad na ito ay nagawa ko na o
naranasan ko na noon, tulad na lamang ng salitang jejemon, selfie at fotobam.

3. Iugnay ang mga ito sa lipunang ating kinabibilangan.

Lobat (2006)
➢ Mula sa orihinal na "low battery" o pagkaubos ng enerhiya ng baterya at
napipintong kamatayan ng cell phone, isang penomenon bilang "technological
dehumanization" o di namamalayang epekto ng makina sa buhay ng isang tao na
dulot umano ng salimuot ng modernong pamumuhay sa sarili at nagagawa niyang
ihambing ang sarili sa isang makinang gaya ng cell phone. Kaya "lobat" ang
deskripsiyon sa sarili kapag nakaramdam ng matinding pagod o panghihina ng
katawan matapos ang isang mabigat na gawain, lobat din kapag nawawalan ng
gana o lakas. Sa madaling salita, ang lobat ay isang isyu ng pakikipagtunggali ng
lipunan sa hindi napipigilang modernisasyon ng mundo. Bukod dito, ang estado
ng pagiging lobat ng cell phone ay ginamit ding negosyo ng ilan gaya sa ilang
restoran sa mall tulad ng Burger King (BK) na may charging station. Siguro, kahit
ayaw mong kumain sa BK, mapipilitan kang kumain para makapag-charge. Sa
kasalukuyan, makaraan ang halos walong taon mula nang maitampok ang salitang
ito sa Sawikaan, umiiral pa nin ang lobat sa bokabularyong Filipino kaya
masasabing lehitimo na itong bahagi ng wikang Filipino.

Jejemon (2010)
➢ Habang ang teknolohiya ay patuloy na naging salita ng taon, ang salita sa taong
ito ay Jejemon. Ito ay isang likhang salita na naglalarawan sa umuusbong na
kultura na nalikha dahil sa epekto ng teknolohiya ng cell phone. Samakatuwid,
hindi lamang ito paglalarawan ng karanasan ng pamayanang Pilipino. Tila
nagpapatuloy ang tunggalian ng gitnang uri at nasa mababang uri. Ang isang tao
ay nakikipaglaban sa kombensiyon upang iangat ang kanilang sarili, habang ang
isa naman ay nagpapanatili ng kagandahang-asal at nakikipaglaban upang
mapanatili ang wika at gramatika. Gayunpaman, dahil karamihan sa mga
sinasabing bahagi ng "Jejemon" ay mga kabataan, ito ay isang hamon sa sistema
ng edukasyon sa bansa.
Selfie (2014)
➢ Lumaganap umano ang selfie sa Pilipinas hindi lang bilang resulta ng pagdating
ng makabagong teknolohiya kundi dahil nakaugat din ito sa kultura at karanasan
ng ilang tiyak na sektor ng mga Filipino sa paglipas ng kasaysayan. Noon pa man
ay hilig na umano ng tao na tingnan ang kaniyang sarili at bihagin ang isang saglit
ng kaniyang anyo hindi lang para lumikha ng alaala kundi upang gumawa rin ng
ebidensiya ukol sa kanyang dating kaanyuan. Ayon din kina Ferrer at Reyes, ang
selfie ay "matingkad na manipestasyon ng kultura ng narsisismo, o ang labis na
paghanga sa sariling katangian." Gamit ng selfie. Sa kabila nito, itinuturing ang
selfie bilang instrumento sa pagtatampok ng mga propesyon at negosyo. Nagamit
din ito bilang isa sa mga paraan ng pag-uulat sa panahon ng trahedya at
kalamidad.

Fotobam (2016)
➢ Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao, hinubdan nito ang
realidad na hindi nakikita sa isang retrato ang realidad kung paanong ang mga
awtoridad mismo ay mas pinapahalagahan sng negosyo kaysa ang mga
pamanang pangkultura ng bansa. Ang pag-iba sa baybay ay isang paraan ng
paglalapit sa konteksto ng kanilang ipinaglalaban kaugnay ng pangangalaga sa
mga simbolong pangkasaysayan at pangkultura ng bansa. Ang bansag na
"pambansang phobomber" ang nagbukas sa isyu sa madla na umabot hanggang
sa katas-taasang hukuman upang mapag-usapan ang mga isyu sa kasaysayan,
kultura, at pamana na madalas umanong hindi napag-uusapan.

Tokhang (2018)
➢ Naging matunog ang salitang "tokhang" noong ginamit ito ni Ronald "Bato" dela
Rosa sa "Oplan Tokhang" habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police
Office mula Enero 2012 hanggang Hunyo 2016. Lumawak ang saklaw nito nang
maupo siya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP). Nagkamit ng unang
gantimpala ang "tokhang" hindi lamang dahil sa popularidad nito at husay ng
presentasyon kundi maging sa kabuluhan nito sa buhay ng mga Filipino at/o
pagsalamin nito sa katotohanan o bagong pangyayari sa lipunan, at sa lawak at
lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan
ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig.

You might also like