You are on page 1of 13

ARALIN BLG.

1
Mga Konseptong Pangwika
❖WIKA
❖WIKANG PAMBANSA
❖WIKANG OPISYAL
❖WIKANG PANTURO
ALAM MO BA?
LUZON,
VISAYAS,
MINDANAO

WIKA AT DIYALEKTO
Ang salitang Latin na lingua ay
nangangahulugang “dila” at “wika” o
“lengguwahe”.
Ito ang pinagmulan ng salitang pranses
na langue na nangangahulugan ding
dila at wika.
Kalaunan ito’y naging language na
siya na ring ginamit na katumbas ng
salitang lengguwahe sa wikang Ingles.
Kaya naman, ang wika ay may
tradisyonal at popular na
pagpapakahulugang sistemang
arbitraryong vocal-symbol o mga
sinasalitang tunog na ginagamit ng
mga miyembro ng isang pamayanan
sa kanilang pakikipagtalastasan at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa.
WIKA
Napakahalagang instrumento ng
komunikasyon
Mula sa pinagsama-samang
makabuluhang tunog, simbolo, at
tuntunin ay nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o
kaisipan.
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra –
ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at
komunikasyon na epektibong nagagamit.
Pag-iisip, Pakikipag-ugnayan,
Pakikipag-usap sa ibang tao; at maging
sa sarili
Ayon kay Henry Allan Gleason Jr., ang
wika ay masistemang balangkas ng mga
tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit
ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
Sistema ng komunikasyong nagtataglay
ng mga tunog, salita, at gramatikang
ginagamit sa pakikipagtalastasan ng
mga mamamayan – Cambridge Dictionary
Ang wika ay isang sining tulad
ng paggawa ng serbesa o
pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat.
Hindi rin ito tunay na likas
sapagkat ang bawat wika ay
kailangan munang pag-aralan
bago matutuhan. – Charles Darwin
Gayumpama’y naiiba ito sa mga
pangkaraniwang sining dahil ang tao’y
may likas kakayahang magsalita
Higit sa lahat, walang philologist ang
makapagsasabing ang wika ay
sadyang imbento; sa halip ito ay
marahan at hindi sinasadyang nalinang
sa pamamagitan ng maraming
hakbang o proseso.
Ang wika ay hindi lamang
basta tunog na nilikha ng tao,
bagkus ito’y isang
napakahalagang
instrumento ng
komunikasyon.
Mga tanong:
Ano ang kahalagahan ng wika
sa buhay ng tao?
Ano ang posibleng mangyari
kung mawawala ang wikang
binibigkas at nauunawaan ng
mga tao sa isang pamayanan o
kultura?
Bakit laging naiuugnay ang dila sa
wika?

Sumasang-ayon ka ba kay Charles


Darwin sa sinabi niyang: “hindi
tunay na likas ang wika sapagkat
kailangan muna itong pag-aralan
bago matutuhan”? Ipaliwanag.
Ano-ano ang pagkakapare-
pareho sa mga
pagpapakahulugang nabasa at
ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa
sa wika?
Kung ikaw ang tatanungin,
anong pagpapakahulugan ang
ibibigay mo sa salitang wika?

You might also like