You are on page 1of 29

Filipino -1

(Ikatlong Markahan)

Epiko
Modyul 3.2

PANITIKAN: Elemento ng Epiko ( Tagpuan)


“Ullalim”

GRAMATIKA/RETORIKA: Mga Anyo ng Pang-Uri

I. TUKLASIN ang Iyong Pag-unawa

Narito na tayo sa ikalawang pinto, kaibigan! Sa


pagpasok mo dito ay may ipakikitang larawan
sa iyo ang bantay upang malaman niya kung
mahusay kang maglarawan ng lugar. Madali
lang, di, ba?

1
a. Ano ang nakikita mo sa larawan? Isulat ang iyong sagot sa
pamamagitan ng patalatang paglalarawan sa sagutang papel.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________

2
??!

Bago ka magpatuloy sa pagsasaliksik ay dapat


alam mo ang sagot sa mahalagang tanong.
Subukin mo ngang sagutin?

A. Mahahalagang Tanong

Mahahalagang Tanong

a. Bakit kailangang alamin ang tagpuan ng mga epikong


pinag-aaralan?

b. Paano nakatutulong ang iba’t ibang anyo ng pang-uri?

b. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

3
Maganda ang iyong ideya! Narito ang mga
dapat mong malaman sa araling ito:

A. Panitikan:
Mga Elemento ng Epiko
a. Tagpuan “Ullalim” Epiko ng Kalinga
B. Gramatika/Retorika
1. Iba’t ibang Anyo ng Pang-Uri
a. payak
b. maylapi
c. inuulit
d. tambalan

B. Isagawa mo…

1. Alin sa mga lugar sa Pilipinas ang nais mong puntahan? Paano ito nakaakit sa iyo?
Isulat ang sagot sa ulap kung aling lugar ang nais puntahan at isulat ang dahilan sa
damuhan. Gawin sa sagutang papel.

Dahilan:_____________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

2. Alin sa mga teleserye sa telebisyon ang pinanood mo?


Ano-ano ang tagpuan o mga lugar na pinangyayarihan ng
mga aksiyon gayundin ang panahon kung kailan naganap ang
kuwento? Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

4
Paglalarawan sa Tagpuan Kahalagahan ng
___________________ Tagpuan
Pamagat ng Teleserye

___________________
Lugar/Tagpuan

___________________
Lugar/Tagpuan

___________________
Lugar/Tagpuan

___________________
Lugar/Tagpuan

3. Masasalamin ba sa mga tagpuan ang kultura, tradisyon


at kaugalian ng mga tao mula sa iyong napanood na
teleserye? Isulat ang sagot sa pamamagitan ng pabalitang
pag-uulat. Gawin sa indeks kard na 5 x 8.

5
C. Inaasahang Pagganap

Tandaan mo kaibigan na sa araling ito ay


may isasagawa kang produkto, ang pagbuo
ng photodoc na nakapaglalarawan sa
kasalukuyang kalagayan ng tagpuang
ginamit ng alinmang epikong binasa mo.
May pamantayan tungkol dito:

A. May kaugnayan sa tagpuan ang napiling


epiko

B. Taglay ang mga elemento ng photodoc

• Masining

• Orihinal

• Makahulugan

6
A. Pagtataya sa kaalaman

Isulat kung saang lugar o tagpuan angkop ang sumusunod na mga bagay na
kadalasang ginagamit sa mga kuwento. Ipaliwanag. Sagutin sa sagutang papel.

kalabaw bahag pana at gangsa (gong) banga


palaso
Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan, naglalahad ng sariling

pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

LINANGIN ang Iyong Pag-unawa

A. Basahin mo at pag-aralan ang epikong,


“ Ullalim” ng mga taga- Kalinga.

7
ULLALIM
(Epiko ng Kalinga)

Ang kuwento ay nagsimula sa


nakatakdang kasal nina Ya-u at
Dulaw nang makapulot ng nganga o
ua (na tawag ng taga-Kalinga). Ang
magkasintahan ay naanyayahan sa
isang pistahan sa Madogyaya. Nang
sila ay nasa Madogyaya, naakit ng
pansin ni Dulliyaw si Dulaw hanggang
si Dulaw ay magkagusto sa kanya.
Sa pagplano na ligawan ni Dulaw si
Dulliyaw, naisip nitong painumin ng
alak si Ya-u hanggang sa malasing.
Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang
bahay ay saka niligawan ni Dulaw si Dulliyaw.
Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya
sa babae na sa pamamagitan ng pagtanggap
niya ng nganga ang ibig sabihin ay tinanggap na
niya ang pag-ibig na kaniyang iniaalay. Bago
siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay
babalik kinabukasan. Naiwan na nag-iisip ang
dalaga.

Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay


dumating si Dulaw sa bahay nina Dulliyaw.
Habang sila’y kumakain ng nganga, sinabi nito sa
babae na siya ay nagpunta roon upang isama
nang umuwi ang dalaga sa kanilang bahay.
Nagulat si Dulliyaw sa winika ng lalaki. Iyon
lamang at nagkagulo na ang mga tao sa nayon.
Sa pagtakas nila ay nakasalubong sila ng isang
lalaki na may dala-dalang palakol at balak silang patayin. Bago sila maabutan ng lalaki
ay nakaakyat na si Dulaw sa isang puno upang tumakas. Samantala wala namang
mangahas na siya ay lusubin kaya
naipasiya ni Ya-u na tawagin ang mga
sundalong Español ng Sakbawan.

At noon nga si Guwela na


kumander ng Garison ay umakyat sa
kaitaasan ng Kalinga na kasama ang
mga sundalo. Iniutos niya na dakpin si
Dulaw na nakaupo pa rin sa puno.
Napag-alaman niya na marami ang tutol

8
sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay lagyan ng posas.
Sa utos pa rin ni Guwela siya ay dinakip at nakulong sa Sakbawan.

Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo, naging payat na siya. Humingi


si Dulliyaw ng nganga kay Dulaw. Kinuha ni Dulaw ang huling nganga sa bahay at ito’y
pinagpira-piraso. Bago niya ito maibigay kay Dulliyaw bigla na lamang itong nawala.

Samantala, sa pook na Magobya naliligo si Duranaw. Sa paliligo niya sa ilog ay


nakapulot siya ng nganga. Kinain niya ito nang walang alinlangan.

Matapos nguyain ang nganga


ay bigla na lamang itong nagbuntis
hanggang sa siya ay magsilang ng
isang malusog na lalaki at
pinangalanan niya itong Banna.
Tatlong taon ang lumipas. Si Banna
ay mahilig makipaglaro sa mga Agta,
subalit siya’y madalas na tinutukso
ng kaniyang mga kalaro. Sinasabi
na kung siya raw ang tunay na
Banna ang ibig sabihin ay siya ang
anak ni Dulaw na nakulong sa
Sakbawan. Sinumbong niya ito sa
kaniyang ina ngunit pinabulaanan ito
ng kaniyang ina.

Sa isang iglap, si Banna ay


naging malakas at naghangad ng
paghihiganti. Isang mahiwagang
pangyayari ang nagdala kay Banna
pati ng kaniyang mga kasama sa Sakbawan. At doon ay kaniyang pinatay si
Dulliyaw.

Sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulaw na si Banna ay kaniyang anak,


iyon lang at sila ay dali-daling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay nakarating
sila sa pook ng Magobya. Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

9
B. KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA TAGPUAN

Karaniwang sa simula pa lamang ng epiko ay inilalahad o inilalarawan na ang


pangyayari at lugar kung saan naganap ang karanasan ng pangunahing tauhan.
Maliban sa lugar, kasama ring inilalarawan ang panahon, atmospera, at maging ang
tono ng nasabing akda.

Maaaring ilarawang mabuti ang tagpuan sa pamamagitan ng dalawang


kaparaanan: patiyak at pahiwatig. Patiyak kung tuwirang binabanggit ng
nagsasalaysay ang pangalan ng lugar; at pahiwatig naman kung ang mga detalye
lamang ng tagpuan ang isinasaad.

Tatlong tungkulin ng tagpuan:


1. Nagpapakilala ito ng tauhan dahil sa mga gawaing kakaiba, kakatwa, o
tangi sa pook na nakapagbibigay ng tiyak na katibayang pangkarakter;
2. Pinalulutang nito ang emosyong pangkapaligiran na pumupukaw sa
mambabasa o tagapakinig; at
3. Sumasanib ito sa kahulugan ng kuwento.

Sa madaling salita, ang lugar, panahon, at atmospera ay mahalagang sangkap


upang makalikha ang may akda ng isang tiyak na tagpuan. Ang tagpuan at mga
karanasan ng pangunahing tauhan ay dapat na angkop upang buhay na buhay ang
kasaysayan.

C. Paglinang ng Talasalitaan

A. Iayos ang mga letra sa loob ng bawat kahon upang makabuo ng salitang halaw sa
epikong binasa. Isulat ang tamang sagot sa ikalawang kahon. Gawin sa kuwaderno.

A Y O O M A N B A L N

G A Y D Y A W I A A
M B
G A A S A K G K

10
B. Isulat sa loob ng nganga ang kaisipan na may kaugnayan sa epikong binasa. Gawin
sa kuwaderno. Gayahin ang pormat.

NGANGA
NGANGA

D. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa


1. Ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalan sa Kalinga? Ipaliwanag
gamit ang story ladder. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

DAHILAN

4.)

3.)

2.)

1.)

11
2. Ano ang iyong interpretasyon sa ginawa ni Dulaw na manligaw pa ng iba
gayong may kasintahan pa siya? Isulat sa sagutang papel.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Sang-ayon ka ba o hindi sa ginawa ni Ya-u na pumayag na dakpin si Dulaw


bunga ng kaniyang kataksilan? Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang
pormat.

SANG-AYON DI SANG-AYON

Dahilan Dahilan

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________

4. Kung ikaw si Dulliyaw, tatanggapin mo ba ang pag-ibig ni Dulaw gayong alam


mo na may kasintahan pa siya? Ipaliwanag ang iyong damdamin tungkol dito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

12
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________________________

5. Alin sa mga pahayag na ito ang iyong sinasang-ayunan o hindi? Ilahad ang
iyong katuwiran sa balloon. Gawin sa sagutang papel.

Para sa akin ang pag-ibig


ay dapat na Para sa akin, ang pag-
ipinaglalaban kahit na ibig ay mapagpalaya
buhay man ang maging kahit na masaktan man
kapalit. ang iyong damdamin
para sa kapakanan ng
minamahal.

6. Ibuod ang binasang epiko gamit ang graphic organizer sa ibaba. Gawin sa
sagutang papel.

13
YA-U
DULAW NG
DULLIYAW KAGAYAN
NG
DULAWON

DURANAW
NG
- MAGOBYA Nganga
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

7. Magbigay ng paraan ng panliligaw noon. Pagkatapos, anong bahagi ng epikong


Ullalim ang nagpapahayag ng paraan ng panliligaw? Magbigay ng reaksiyon tungkol
dito. Isulat sa kahon ang iyong sagot. Gawin sa sagutang papel.

Paraan ng Panliligaw noon Bahagi sa Epiko na Nagpapahayag ng


____________________________ Paraan ng Panliligaw
____________________________ ______________________________
____________________________ ______________________________
______________________________
____________________________
______________________________
____________________________
______________________________
____________________________ ____________________

Reaksiyon
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
______________________________

14
8. Gumawa ng interbyu sa isang pari, pastor, ministro, atbp. Itanong kung gaano
kahalaga ang kasal. Pagkatapos, ipahayag ang iyong punto de vista sa kanilang
kasagutan. Itala sa nakalaang hugis ang kasagutan. Gawin sa sagutang papel.
Gayahin ang pormat.

KASAL

KAHALAGAHAN PUNTO DE VISTA

I. Sa pamamagitan ng iyong imahinasyon,


iguhit ang tagpuan sa epikong binasa. Iguhit
ito sa drawing board na nakalaan sa ibaba.
Gawin sa kartolina.

15
9. Isa-isahin ang kahalagahan ng tagpuan sa mga pangyayari sa epiko. Gamitin
ang linear chart. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Ano ang
kahalagahan ng
tagpuan sa
pangyayari sa
epiko ?

10. Pagmasdan ang mga larawan ng iba’t ibang lugar sa rehiyong CAR (Cordillera
Administrative Region), isa-isahin ang katangian nito sa pamamagitan ng listing.
Gawin sa sagutang papel.

16
Banaue Rice Terreces, Ifugao Sagada Falls, Mt.Province Dibagat River, Apayao

Skyscraper City, Abra Mt. Pulag, Benguet Mt. Patukan, Kalinga

Listing
1. ________________________________________________________

2. ________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

6. ________________________________________________________

7. ________________________________________________________

8. ________________________________________________________

Dahil malapit ka nang makarating sa labas ng


dimensiyong ito, kaibigan, kailangang matiyak
ko sa iyo na kaya mo nang sagutin ang ibinigay
na mahalagang tanong sa bahaging pagtuklas,
natatandaan mo pa ba? Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

17
Bakit kailangang
alamin ang tagpuan
ng mga epikong
pinag-aaralan?

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Gawaing Panggramatika
_____________________________________________________________
______________________________

B. Pagtataya:

Bakit kailangang angkop ang tagpuan sa epiko ng iba’t ibang rehiyon? Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Rubriks sa pagmamarka:

10- tapat, makatotohanan,naglalahad ng sariling opinyon, at may batayan

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka


18
PALALIMIN ang Iyong Pag-unawa

A. Ngayon naman ay basahin at suriin ang


kuwentong ito. Pag-aralan ang mga
salitang may salungguhit. Sa anong
bahagi ng panalita ito nabibilang?

ANG DIWATA NG KARAGATAN

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at


masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay
nila ay ang pangingisda. Sagana sa maraming isda
ang karagatan. May isang diwatang nagbabantay
at nag-aalaga sa mga isda at ito'y nalalaman ng
mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig
nilang makahuli ng maraming-maraming isda
upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit
sila ng dinamita kaya't labis na napinsala ang mga
isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang
mahuli kahit na isang isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging
pangit na rin ang karagatan na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at
napagpasiyahan nilang humingi ng tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan.
Nakiusap din silang ibalik na ang dating ganda ng karagatan at gayundin ang mga
isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng


karagatan at muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga
tao.

19
B. Alam mo ba…

Tama! Magaling! Pang-uri nga ang tawag sa


mga salitang may salungguhit. Ang mga ito
ay nahahanay sa iba’t ibang anyo ng pang-uri.
Narito ang karagdagang impormasyon upang
higit mong maunawaan ang tungkol sa pang-
uri at mga anyo nito.

MGA ANYO NG PANG-URI

Payak ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi o
halo sa ganang sarili’y nagpapakilala ng uri o katangian ng pangngalang inilalarawan o
sinasamahan Halimbawa:
bughaw na langit
haba

Maylapi ang pang-uri kung binubuo ng salitang-ugat na may panlaping makauri tulad
ng ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-.
Halimbawa:
1. mapalad ang Pilipinas
2. malaluntiang kaparangan
3. matubig na Dipolog

Inuulit ang pang-uri kung ang salitang ugat o salitang maylapi ay may pag-uulit.
Halimbawa:
1. kahanga-hangang kagandahan
2. kaakit-akit na tanawin
3. kabigha-bighaning Banawe Rice Terreces

Tambalan ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa o pinagsama.


Ang ganitong pang-uri ay may kahulugang karaniwan o patalinghaga.
Halimbawa:
1. hugis-balinsunsong na Bulkan Mayon
2. balat-sibuyas na kamay

20
Sa pagkakataong ito ay basahin mo ang
halimbawa ng tekstong ito at
pagkatapos ay susubukin kita kung
talagang naiintindihan mo na ang
tungkol sa pang-uri. Alam kong kaya mo!
Sige, simulan mo na!

21
Laging Handa

Ni:J
ang dala-dala ko’y bread
Kung kailan nagdarasal knife sa halip na
akong huwag umulan, bazooka.
saka naman tila
nanunukso ang panahon. Habang nakikipag
At kahit sisihin ko pa ang siksikan sa isang waiting
sarili ko sa hindi shed sa Quiapo, naiisip
pagsunod sa batas ko ang mga batang
ng Boy Scout na dapat palaboy sa lansangan
ay “laging handa” tuwing na nagpipilit maghanap
lalabas ng bahay, wala ng ikabubuhay para sa
na akong magagagawa sarili at sa pamilya kahit
kundi ang umilag-ilag sa umuulan. Ang mga
mga “kaaway”. Ang batang sa bubot na isip
problema, inabot akong ay nagagawang
walang kalaban-laban sa maghanap ng pagkain
gitna ng kalsada. sa legal na paraan na
Papatawid sa sakayan. ipandudugtong sa
Wala nang pagkakataon hininga ng mga kapatid
para umiwas-pusoy. at magulang. Napi-
Ginamit ko ang face picture ko ang mga
towel na dala ko para musmos na mula
ipagtanggol (kahit man pagdilat ng mga mata
lang ang ulo ko) sa mga ay nakikipagpatintero na
kaaway habang nag-i-i- sa mga humahagibis na
step-yes-step-no sa sasakyan.
pedestrian lane. Huli na
nang maisip kong hindi
pala ako pwedeng
lumaban sa giyera kung

22
Hindi ko alam kung bakit Naiisip ko rin kung ano
itinatanong ko sa aking ang iniisip ng taong
sarili kung paano natitiis nakaupo sa silyang
ng kanilang mga murang naiikot at naitataas-
katawan ang kaligkig na baba. Siguro’y
dulot ng masungit na nangunguyakoy pa ito
panahon alang-alang sa habang humihigop ng
kaunting barya. Hindi ko mainit na kape
alam kung bakit ngayong tag-ulan.
pumapasok sa diwa ko’t Hinihimas ang baba sa
balintataw ang hitsura nila paggawa ng batas na
habang hinahamig ang papabor sa negosyo ng
mga dalisdis na patak sa ilang mga malalaking
lansangan upang tao at kaibigan habang
makapagtinda ng itinatanong sa sarili
sampaguita. Hindi ko alam kung ano ang mga
kung bakit ko naiisip kung numerong tumama sa
ano ang kanilang iniisip sa lotto.
kanilang sitwasyon. Kaya hindi siguro nila
Siguro, wala na silang naiisip ang mga naiisip
panahon para isipin pa ko…
kung ano ang kanilang Nakasakay na ako
kahihinatnan sa dulo. sa jeep ng himalang
Dahil mas abala sila sa tumila ang ulan.
pag-iisip sa hapunang
wala pang kasiguraduhan.

23
C. Isagawa mo…

Sagutin mo ang tanong. Isulat sa


sagutang papel.

1. Naantig ba ang iyong damdamin sa


binasang akda? Nangyayari ba talaga
ito sa tunay na buhay? Patunayan.

Oo Hindi

2. Naniniwala ka ba o hindi na nakapagpapabago ng pag-uugali ang salapi o


kayamanan? Patunayan gamit ang fan–fact analyzer. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Gayahin ang pormat.

Nakapagpapabago ng pag-
uugali ng tao ang salapi o
kayamanan

Naniniwala Di Naniniwala
24
2. Maghanap ng balitang kahawig o kaugnay ng binasang akda at isulat ang hinihingi
na nakasulat sa bawat hugis. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang
pormat.

Pamagat ng Balita

Tagpuan Tauhan Banghay Tema

Lugar Oras
Simula Wakas

Tunggalian
Pangunahing Katulong na
Tauhan Tauhan

Tunggalian

Tunggalian

Tunggalian

25
3.Isulat sa tsart ang kayarian ng pang-uri na ginamit sa tekstong “Laging Handa”.

Kayarian ng Pang-Uri

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

4. Salungguhitan ang pang-uring ginamit sa pangungusap na nasa loob ng kahon at


isulat kung anong kayarian ito napapabilang. Gawin sa sagutang papel. Gayahin ang
pormat.

Ang pelikulang Tanging Yaman ay istorya ng isang pamilyang nahati-hati


dala ng sariling interes at mga natatagong hinanakit at alalahanin sa buhay.

Kayarian:

Mistulang mga taingang-kawali ang ilang politikong puro pansariling interes ang
kanilang ginagawa.

Kayarian:

Hanggang ngayon ay binabalot pa rin ng hiwaga ang kamatayan ni Nida Blanca.

Kayarian:

26
C. Pagtataya sa Pag-unawa (Understanding) ng mga mag-aaral:

Magbigay ng tig-aapat na paglalarawan ng iyong pisikal at panloob na katangian.


Pagkatapos, bilugan ang mga pang-uri at gamitin ang kayarian ng pang-uri. Isulat sa
sagutang papel. Gayahin ang pormat

Pisikal na katangian

Mga salitang Payak Maylapi Inuulit Tambalan


naglalarawan

Panloob na katangian

Mga salitang Payak Maylapi Inuulit Tambalan


naglalarawan

Rubriks sa pagmamarka:

10- kaangkupan, tapat, makatotohanan, at kawastuan ng paghahanay,

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka


27
ILAPAT ang Iyong Pag-unawa

Ngayon ay nasa huling bahagi ka na ng araling ito. Dito


ay malalaman ko na mailalapat mo ang mga natutuhan
mo sa araling ito. Hindi pagsulat ang gagawin mo kundi
gagamitan mo ito ng computer at internet. Subalit ‘wag
kang mabahala sapagkat gagabayan ka ng iyong guro,
maaari ka ring magpatulong sa taong may kaalaman sa
bagay na ito. Madali lang ito, kaibigan!

D. Paglilipat ng Pag-unawa (Product and Performance) ng mga mag-aaral

Bumuo ng photodoc sa mga lugar sa Pilipinas na katulad ng mga lugar na binabanggit


sa epikong Ullalim. Gamitin ang windows moviemaker sa presentasyon nito. Lapatan
ito ng salaysay at musika. Ilagay ito sa CD/USB upang mapanood ng klase. Naritong
muli ang mga pamantayan para sa ebalwasyon sa gagawin mong photodoc.

Rubriks sa pagmamarka:

10 - May kaugnayan sa tagpuan ng napiling epiko, taglay ang mga

elemento ng photo documentary; masining,orihinal, at makahulugan

9- taglay ang tatlong elemento ng pagmamarka

8- taglay ang dalawang elemento ng pagmamarka

7- taglay ang isang elemento ng pagmamarka

5- hindi taglay ang isa man sa mga elemento ng pagmamarka

28
Paalala lamang! Ang gawaing ito ay isasagawa sa
computer laboratory sa inyong paaralan, kung sakaling
wala pa ay bibigyan ka ng sapat na panahon ng iyong
guro upang maisagawa mo ito sa mga internet shop.
Binabati kita! Maligayang paglalakbay, Kaibigan!

http://www.google.com.ph/search?tbm=isch&hl=en&source=hp&biw=1366&bih=598&q=castle+cartoons&gbv=2&oq=castle+cartoo
ns&
http://www.google.com.ph/imgres?q=crocodile+pointing+out+cartoons&hl=en&gbv=2&biw=1366&bih=598&tbm=isch&tbnid=MNjK
BdGzOQwTYM:&imgrefurl=http://www.123rf.com/clipart-

29

You might also like