You are on page 1of 6

BALANGKAS NG PANANALIKSIK

I. PAMAGAT/PAKSA

ANG WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

II. ABSTRAK

Ang wika ay napakaimportante sapagkat dito natin

malalaman ang pinagmulan ng isang tao sa tuwing sila

ay nakikipag usap na nagiging susi upang

magkaintindihan.

Sa panahon ng teknolohiya, marami ng nababago lalo

na sa ating wika na nagkakaroon ng iba’t ibang

barayti na ang dulot nito sa kabataan ay hindi na

nagagamit sa tama at di na napapahalagahan ang

Wikang Filipino sapagkat naeengganyo sila ng mga

nakikita nila sa internet.

Ang pag aaral na ito ay tumutukoy sa kung gaano


kalawak ang kaisipan ng mga kabataan tungkol isyung

tatalakayin.

III. PAGLAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing Suliranin:

1. Ano na ang naging mukha ng Wikang Filipino sa

isipan ng ating kabataan?

Mga Tiyak na Suliranin:

1. Anu-ano ang mga salik na nagtulak sa kabataan na

makaligtaan ang importansya ng wikang Filipino sa

ating ekonomiya at pagiging Pilipino?

2. Bakit mahalaga ang paglikom ng ideya ng ating

kabataan tungkol sa Wikang Filipino sa makabagong

panahon?
IV. INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang uri ng pananaliksik na ginamit ay tinatawag na

qualitative research na kung saan gumamit ang mga

mananaliksik ng isang set talatanungan o

questionnaire para sa mga kalahok sa pag-aaral na

apatnapu’t anim (46) na mag aaral na may edad 14-17

sa ikawalomg baitang (Grade 8 ) at tatlo (3) mula sa

ikasampung baitang (Grade 10). Ito ay binubuo ng

dalawampu’t apat (24) na lalaki at dalampu’t limang

(25) babae. Random Sampling ang nangyaring

pamamaraan ng pagpili ng mga kalahok sapagkat ninais

ng mga mananaliksik na makakuha ng datos ukol sa

persepsyon ng mga kabataan patungkol sa nasabing

paksa.

Isinagawa ang pag-aaral sa St. Louise de Marillac

College of Bogo sa seksyon ng Blessed Giuseppina

Nicoli na isang pribadong paaralan sa lungsod ng

Bogo.

V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang isinagawang pag aaral ay nagkalap, naglikom at

nagbasa ng mga teorya o ideya na mula sa mga

artikulong kaugnay sa isinagawang pag aaral.

Bumuo ng talatanungan ang mga mananaliksik na

nagsisilbing instrumento upang makakalap ng datos at

nagsagawa ng panayam sa mga mag aaral na may sapat

na kaalaman tungkol sa wika.

Gumawa rin sila ng isang talahanayan na kung saan

makikita ang mga datos at nagsagawa nang pag

aanalisa upang makamit ang konklusyon ng nasabing

pananaliksik.

Ang kabuuang bilang ng mga mag aaral na lumahok sa

pag aaral ay umabot sa 450.

IV. RESULTA NG PAG-AARAL

Ang resulta ng survey ay nagpapakita na marami ang

sang ayon na umuunlad at nagbabago ang Wikang


Filipino sa kasalukuyan sapagkat karamihan sa mga

kalahok ay nagsagot ng “Oo”.

IIV. KONKLUSYON

• Ang pag aaral na ito ay nakatulong upang malaman

ang kamalayan ng mga mag aaral patungkol sa Wikang

Filipino sa makabagong panahon.

• Hindi natin mapipigilan ang pagbabago at pag unlad

nito sa paglipas ng panahon.

• Teknolohiya ang nagsisilbing rason kung bakit

hindi na gaanong nabibigyan ng pansin ng mga

kabataan ang ating sariling wika.

• Ang Wikang Filipino ang nagiging daan para

magkaintindihan ang mga tao sa bansang Pilipinas.

• Mahalaga ang paglikom ng ideya ng mga kabataan

tungkol sa Wikang Filipino sa makabagong panahon

upang mas maging maalam sila tamang paggamit nito.

REKOMENDASYON
• Dapat ay mas tangkilikin ng mga kabataan ang

Wikang Filipino upang ipakita ang pagiging makabayan.

• Dapat ay gamitin ang Wikang Filipino sa lahat ng

oras kaysa pag aralan ang ibang lengguwahe.

• Paglaanan ng oras ang Wikang Filipino upang mas

lalong maintindihan ang kahalagahan nito.

Inihanda Nina : Pinuna ni:

Gng. Ma. Maelyn Melgar


Althea U. Trance
Romulo

John Loyd Cabiades

Angel Otis

You might also like