You are on page 1of 9

Detalyadong Banghay sa Filipino IV

Aspekto ng Pandiwa

I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng leksyon ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naibibigay ang kahulugan ng mga Aspekto ng Pandiwa;
b. Natutukoy ang Aspekto ng Pandiwa sa pangungusap, at;
c. Nakagagawa ng pangungusap na ginagamitan ng iba’t-ibang Aspekto ng
Pandiwa.
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Aspekto ng Pandiwa
b. Sanggunian: https://fliphtml5.com/oceqs/igit/basic

https://teksbok.blogspot.com/2010/08/mga-aspekto-ng-pandiwa.html

c. Kagamitan: Panturong biswal, Power Point Presentation, at Video


III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimula
1. Pagbati Magandang araw sa inyong lahat Magandang araw din po Bnb.
Baitang IV! Guevarra!
Ako’y lubos na nagagalak na makita
kayong muli at makasama sa ating
bagong aralin.
Muli ako si Bnb. Guevarra ang
inyong makakasama sa ating
asignaturang Filipino.
2. Panalangin Bago ang lahat, maari ba tayong
magsitayo para sa ating panalangin.
Sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu
Santo.
Panginoon, maraming salamat po
sa araw na ito na ipinagkaloob mo
sa amin upang matuto, nawa’y
gabayan mo po kami sa
aming
gagawin sa araw na ito. Amen.
Panginoon, kami po ay
nagpapasalamat sa araw na ito na Amen!
ipinagkaloob mo sa amin upang
kami’y matuto, nawa’y gabayan
mo po kami sa aming mga
nakatakdang gawain sa araw na ito.
Amen.

Maari nang umupo ang lahat.


3. Pagtatala ng liban sa Paki taas ang kanang kamay kung Opo Ma’am
klase kayo ay naririto, okay?
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak Handa na bang matuto?
Ngunit bago ang lahat inaasahan ko
na lahat tayo ay makikinig sa ating
tatalakayin sa araw na ito. Upang sa
gayon ay inyong masasagutan ang
mga katanungan at mga gawain.
Naiintindihan ba?
Tayo nang tumungo sa
aking Kung ikaw ay masaya tumawa
ka (hahaha)
inihandang pampasiglang Gawain
Kung ikaw ay masaya tumawa
para naman magising ang ating ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya buhay
mga natutulog na diwa. Halina at
mo ay sisigla
sabay-sabay tayong umawit. Kung ikaw ay masaya tumawa
ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya
pumalakpak
Kung ikaw ay masaya
pumalakpak
Kung ikaw ay masaya buhay
mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya
pumalakpak
Kung ikaw ay masaya
pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya
pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya buhay
mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya
pumadyak ka

Kung ikaw ay masaya gawin


lahat, hahaha, palakpak,
pumadyak
Kung ikaw ay masaya buhay
mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya gawin
lahat, hahaha, palakpak,
pumadyak
b. Paglalahad Ating narinig at nasaksihan ang
kantang “Kung ikaw ay masaya”,
ngunit alam nyo ba na maraming
salitang kilos ang binanggit sa
kantang iyon?
Okay, isa-isahin natin.

Kung ikaw ay masaya tumawa ka


(hahaha)
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumadyak
ka
Kung ikaw ay masaya gawin lahat,
tumawa, pumalakpak, pumadyak.
Naisa-isa na natin ang mga salitang
kilos sa ating inawit na Kung ikaw
ay masaya.
At ngayon, base sa ating inawit ano
kaya sa tingin ninyo ang ating pag-
aaralan sa araw na ito?
Misamen: Pandiwa po Ma’am
Tama! Ang ating tatalakayin sa araw
ito ay Aspekto ng Pandiwa.
c. Pagtatalakay Okay, bago nga tayo tumungo sa
Aspekto ng Pandiwa atin munang
alamin kung ano nga ba ang
kahulugan ng Pandiwa.

Ang Pandiwa ay isang bahagi ng


pananalita na tumutukoy sa kilos o
galaw ng isang tao, bagay at
maging ng hayop.

Ang mga larawan na naka paskil ay


ilan sa mga halimbawa ng pandiwa
o salitang kilos.

Sige sino ang maaring tumukoy


kung ano ang ginagawa ng sa
unang larawan.
Estudyante 1: Tumatakbo
Ma’am
Ano ang ginagawa ng lalaki sa
larawan?
Estudyante 2: (maaaring mag-
iba ang sagot)
Tama, ngayon naman gamitin ang
tumatakbo sa isang pangungusap.
Sino ang makapagbibigay?

Mahusay!

Estudyante 3: Naglilinis
Ang sumunod na larawan naman,
ano ang kilos na ipinapakita ng
Estudyante 4: (maaaring mag-
larawan?
iba ang sagot)

Magaling, ngayon naman gamitin sa


isang pangungusap.

Iyon ay iilan lamang sa mga


halimbawa ng pandiwa.
Ngayon naman ay tumungo na tayo
sa Aspekto ng pandiwa.

Ano nga ba ang kahulugan ng


Estudyante 5: Ang aspekto ng
aspekto ng pandiwa? Maari mo
pandiwa ay nagpapakita kung
bang basahin?
kailan nangyari, nangyayari, o
ipagpapatuloy pa ang kilos.
Tumpak, sa madaling salita
ipinapakita nito kung kailan
nagaganap ang isang kilos.

Mayroong tatlong aspekto ang


pandiwa ito ay ang mga:
1. Aspektong Naganap
2. Aspektong Nagaganap
3. Aspektong Magaganap
Ano-ano nga ulit ang tatlong
Lahat: Aspektong Naganap,
aspekto klas?
Aspektong Nagaganap at
Aspektong Magaganap pa
Magaling!
lamang.

Ngayon, isa-isahin na natin.


Una, aspektong naganap. Kapag
sinabi nating aspektong naganap ito
ay nangangahulugang “tapos na” o
“nangyari na”

Gumagamit ito ng mga panlaping


Nag, na, um, in, hin, na, ni at iba pa.

Gumagamit din ito ng


pampamanahong natapos na.
Kagaya na lamang ng kahapon,
kanina at noon.

Tignan ang dalawang pangungusap,


alin sa tingin ninyo ang aspektong
naganap na?

1. Ang aking tiyahin ay darating


na bukas.
2. Ang aking tiyahin ay
dumating na kahapon.
Tumpak! Ang ikalawang
pangungusap ay nagsasaad ng
pangyayaring natapos na. Estudyante: Ikalawang
pangungusap po Bnb.
Ngayong batid kong alam nyo na
ang unang aspekto, tumungo na
tayo sa ikalawang aspekto ng
pandiwa, ito ay tinatawag na
aspektong nagaganap. Paki basa
ang kahulugan. Estudyante: Ang aspektong
nagaganap ay nagsasaad na
Salamat, ang aspektong nagaganap ang kilos ay nagyayari sa
naman klas ay ang pagsasama- kasalukuyan.
sama ng panlapi at pag-uulit sa
unang pantig ng salitang ugat at ng
salitang ugat.

Tignan nating muli ang dalawang


pangungusap at subukang tukuyin
ang nagaganap pa lamang na
pangyayari.
1. Naglalaba si Aling Rosa sa
poso.
2. Maglalaba si Aling Rosa sa Estudyante: Ang unang
poso. pangungusap.
Tumpak! Ang unang pangungusap
ang nagsasaad ng kilos na
kasalukuyang nangyayari.
Kayo naman ang magbigay ng mga
halimbawa ng pangungusap na
ginagamitan ng aspektong
nagaganap. Estudyante: (maaaring
magkakaiba ang sagot)
Ano nga muli ang ikalawang
aspekto ng pandiwa?
Magaling! Estudyante: Aspektong
Nagaganap
Ngayong naunawaan nyo na ang
dalawang aspekto, tumungo na tayo
sa huling aspekto ng pandiwa na
tinatawag na aspektong magaganap
o magaganap pa lamang.
Paki basa ang kahulugan.

Estudyante: Ang aspektong


Salamat, sa madaling salita ito ay magaganap ay mga salitang
mga kilos na gaganapin pa lamang kilos na nagsasaad ng
sa hinaharap. mangyayari pa lamang.
At mayroong mga palatandaan para
ito ay matukoy sa loob ng
pangungusap: mag, mang-, at ma-.

Halimbawa, tignan muli ang mga


pangungusap makikita nyo ba ang
aspektong magaganap pa lamang
sa mga pangungusap?
1. Ako ay magdiriwang ng
aking kaarawan sa susunod
na araw.
2. Ako ay nagdiwang ng aking Estudyante: Ang unang
kaarawan noong isang araw. pangungusap Bnb.
Magaling! Ang unang pangungusap
ay nag sasaad ng pangyayaring
magaganap pa lamang sa
hinaharap.
Naintindihan ba mga bata?
Kung sa gayon kayo naman ang
magbigay ng mga halimbawa na
ginagamitan ng aspektong
magaganap pa lamang.
Estudyante: (maaaring
Muli ano ang tatlong aspekto ng magkakaiba ang sagot)
pandiwa klas?

Mahusay! Estudyante: Aspektong


Dahil tapos na ang ating aralin batid naganap, nagaganap at
kong may natutunan kayo sa ating magaganap.
leksyon.
May katangungan pa ba? May nais
linawin?

Estudyante: Wala po
d. Paglalahat Para sa pagtatapos ng ating Estudyante: (maaaring
leksyon, ano-ano ang mga magkakaiba ang sagot)
natutunan nyo sa araw na ito?

Mahusay mga bata!


Ang tinalakay natin ngayong araw
ay ang pandiwa na
nangangahulugang mga salitang
kilos at ito ay mayroon tatlong
aspekto ito ang naganap,
nagaganap at magaganap pa
lamang. Kapag aspektong naganap
ang pinag-uusapan ito ay salitang
kilos na nagsasaad ng natapos na o
tapos na. Samantalang ang
aspektong nagaganap naman ay
mga salitang kilos na kasalukuyang
nangyayari pa lamang at ang
panghuli naman ay ang aspektong
magaganap pa lamang, ito’y
nangangahulugan na ang salitang
kilos ay mangyayari pa lamang sa
hinaharap.
e. Paglalapat Kung sa gayon kayo ay handa na
ang lahat para sa maikling
pagsusulit.

Panuto: Buuin ang tsart ayon sa


tatlong aspekto ng pandiwa.

Salitang Ugat Naga Naga Maga


nap ganap gana
p

1. Linis

2. Kain

3. Inom

4. Talon

5. Awit

6. Sayaw

7. Dasal

8. Laro

9. Basa

10. Ikot

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay
nasa aspektong naganap, nagaganap at magaganap.

1. Nakausap ni Kieth ang kanyang guro patungkol sa takdang aralin.


2. Sa kasalukuyan maraming tao na ang lumikas dahil sa baha.
3. Balitang-balita ang paghahanda ni Anna para sa kanyang nalalapit na
kaarawan.
4. Ibibili ko ng bagong sapatos si Belle dahil siya ay mabuting anak.
5. Ang tagal dumating ng eroplanong sinasakyan ni Tatay.
6. Nabitiwan ni Jacob ang hawak niyang baso kaya nabasag ito.
7. Maraming laman ng lansangan ang nanghihingi ng limos sa kalye.
8. Si Pat ang tumatanggap ng mga regalo mula sa mga panauhin.
9. Nakapagbihis na ang bagong kasal.
10. Patuloy ang pag-aararo nila Mang Ben sa sakahan.

Pagkilala: Kilalanin kung ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang
tamang sagot.

__________1. Ito ay isang bahagi ng pananalita na tumutukoy sa kilos o galaw ng isang tao,
bagay at maging ng hayop.
___________2. Ito ay mga salitang kilos na nagsasaad ng mangyayari pa lamang sa
hinaharap.

___________3. Nangangahulugan ang aspektong ito na ang kilos ay “tapos na” o “nangyari
na”.

___________4. Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay nagyayari sa


kasalukuyan.

___________5. Naglalaba si Aling Rosa sa poso. Ang may salungguhit na salita ay isang
halimbawa ng anong aspekto?

Panuto: Bumuo ng isang maikling kwento o isang sanaysay gamit ang mga aspekto ng
pandiwa.

V. Kasunduan
Panuto: Bumuo ng 10 pangungusap na binubuo ng mga salitang kilos.
Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit at tukuyin kung ito ba ay aspektong
naganap, nagaganap o magaganap pa lamang. Isulat ito sa isang buong papel.

You might also like