You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV- A 
DIVISION OF CABUYAO

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

Sabjek:         Filipino Baitang:               3                                 Markahan:  Ikatatlong Markahan                                                               


Petsa: Sesyon:      1 na sesyon                                 Linggo:    5                                       
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan
at damdamin
Pamantayan sa Pagganap Nagagamit nang wasto ang mga bahagi ng pananalita sa mabisang pakikipagtalastasan upang ipahayag ang
sariling ideya, damdamin at karanasan.
Nagagamit ang iba't ibang istratehiya sa pagpapaunlad ng talasalitaan at magamit ang mga ito sa
pakikipagtalastasan.
Kompetensi Nagagamit ang tamang salitang kilos/ pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasan (F3WG-IIIef-5)

I. LAYUNIN
Kaalaman Nakikilala o natutukoy ang mga salitang kilos;
Saykomotor Nakakabuo ng makabuluhang pangungusap gamit ang iba’t ibang pandiwa; at
Apektiv Napapahalagahan ang gamit ng pandiwa sa bawat pangungusap
II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa Pandiwa
B. Sanggunian Kung Ikaw ay Masaya: https://www.youtube.com/watch?v=Tt4GpQ78zCo
Demo Teaching in Filipino: https://www.youtube.com/watch?v=SVp3HFJYLZA&t=277s

C. Kagamitang Pampagtuturo Telebisyon, Laptop, Data/ Internet, Tsart, Larawan, Mga pampremyo (Tsokolate, coloring book, at laruan)
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

 Panimulang Pagbati

Magandang araw mga bata! Kamusta kayong lahat? Kamusta, kamusta, kamusta, kamusta kayong lahat? Magandang Magandang Umaga po! Maayos naman po ang aming kalagayan.
Ako’y tuwang tuwa, masaya’t nagagalak

Isang makabulughang araw nanaman ang ating pagsasaluhan dahil siksik, liglig at umaapaw sa kaalaman
ang inyong matututunan sa Wika, Pagbasa, at Pantikan ng ikatatlong baitang sa Pilipino. Ako si Binibining
Kirsten, ang inyong makakasama upang tuklasin ang inyong bagong aralin.

Pero teka, teka, teka bago tayo magsimula

 Panalangin

Maari niyo ba itaas ang inyong mga kamay sa gustong mamuno sa ating Panalangin sa araw na ito? “Lahat ay itataas ang kanilang mga kamay.”

Daniel, maari kabang pumunta sa unahan upang pangunahan ang ating Panalangin?
Opo, Ma’am.

Maraming salamat po, Panginoon sa mga aral na inyong tinuturo sa pamamagitan ng


aming guro. Aming hinihiling na sana magkaroon pa kami ng kalakasan at katatagan
upang muli naming mapagyaman ang aming kaisipan. Pinupuri ka namin at
pinapasalamatan sa biyaya ng karunungan.

AMEN.
AMEN.
Maraming salamat, Daniel!

 Organisasyon
Bago kayo magsiupo, maari ninyo bang iayos ang inyong mga upuan, pulutin ang mga kalat at ilagay ito sa Opo!
tamang tapunan?

Magaling! Talaga namang maasahan ang seksyon Sampaguita sa kalinisan ng kanilang kapaligiran.

 Pagsusuri ng mga Lumiban

Maari bang tumayo ang kalihim ng inyong seksyon upang ibalita kung sino ang lumiban sa klase para sa Ikinatutuwa ko pong ibalita na wala pong lumiban sa araw na ito.
araw na ito?

Aba! Natutuwa si Binibining Kirsten dahil nandito kayong lahat sa umagang ito upang makinig at matuto!

B. Paglinang na Gawain

 Balik-Aral

Bago natin kilalanin ang bagong aralin na ating tatalakayin ay atin munang balikan ang naunang aralin na
tinalakay kahapon.

Kaya mayroon akong isang katanungan. Sa mga nais sumagot ay itataas niyo lamang ang inyong mga ‘Lahat ay nakataas ang mga kamay’
kamay. Naiintindihan ba?

Mahusay!

Ngayon, ano nga ba ang ating itinalakay kahapon?

Sandra, ano nga ba ang ating itinalakay kahapon? Ang itinalakay po natin kahapon ay Pagsunod sa Panuto.

Mahusay! Bigyan natin si Sandra ng Fireworks Clap

*Clap*Clap* *Shing*Shing* *Clap*Clap* *Shing*Shing* *Clap*Clap* *Shing*Shing* *Clap*Clap**Shing*Shing*


Magaling, Magaling. Magaling. Magaling, Magaling. Magaling.

Ang ating tinalakay kahapon ay ang Pagsunod sa mga Panuto.


Titignan nga ni Teacher kung kaya bang sumunod ng Grade 3 Sampaguita sa mga panuto.

Unang panuto, tumayo ng matuwid.

Mahusay!

Ikalawang panuto, itaas ang dalawang kamay at iwagawayway.

Aba, Magaling!

Ikatatlong panuto, umupo ng matuwid.


kahangahanga! Lahat kayo ay nakasunod at talaga naman natutunan ang ating nakaraang aralin.

 Pagganyak

Bago tayo magsimula sa ating talakayan ngayong umaga, tumayo tayong lahat at ating sabayan ang video ng Gustong gusto po!
kantang “Kung Ikaw ay Masaya.” Gusto ninyo ba iyon?

Ayun naman pala! Tara na!


Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha) Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha) Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumalakpak Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumalakpak Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak)
Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak) Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak)
Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak) Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak)
Kung ikaw ay masaya gawin lahat (hahaha) (pumalakpak) (pumadyak)

Mahusay mga bata! Napansin ni Binibining Kirsten na nabuhay ang inyong mga diwa. Kayo ba ay nasiyahan? Opo!

Masaya ako dahil kayo ay nasiyahan. May ilan akong katanungan sa inyo. Kung nais ninyong sumagot ay
itataas lamang ang inyong kanang kamay. Ang makakapagbigay sa akin ng mga tamang sagot ay Gustong gusto po!
magkakatanggap ng pampremyo. Gusto niyo ba iyon?

Narito ang aking Panimulang katanungan…

Ano ang pamagat ng Kanta na inawit at isinayaw natin kanina? ‘Lahat ay nakataas ang mga kamay’

Jay, ano ang iyong sagot?


Kung ikaw ay masaya po, Ma’am!
Mahusay, Jay! Ang kantang ating napakinggan ay Kung ikaw ay masaya! Bigyan natin siya ng Good Job
Clap!

G-double O D J O B Good Job Good Job


G-double O D J O B Good Job Good Job G-double O D J O B Good Job Good Job
G-double O D J O B Good Job Good Job
Pangalawang katanungan, maari ninyo bang sabihin kung anu-ano ang mga kilos na ginawa ng inyong guro
sa video?

Joan. Ano ang iyong kasagutan? Tumawa po, Ma’am.

Tama, ang inyong guro ay tumawa! Maari mo ba itong dagdagan, Celeste?

Sige nga, magbigay ka ng isang kilos na ginawa ko sa video?. Opo, Ma’am! Pumalakpak po!
Magaling! Siya ay pumalakpak! Ibigay monga ang panghuling kilos ng bata, Leiah. Siya po ay Pumadyak!

Mahusay! Ang bata ay tumawa, pumalakpak, at pumadyak! Bigyan natin silang tatlo ng Bird Clap!

1..2.. Twit Twit.. 1..2.. Twit Twit.. 1..2.. Twit Twit Twit… 1..2.. Twit Twit.. 1..2.. Twit Twit.. 1..2.. Twit Twit Twit…

Ang tumawa, pumalakpak, at pumadyak ay mga kilos o galaw. Mayroon bang may alam sainyo kung anong
Bahagi ito ng Pananalita? Itaas lamang ang inyong kanang kamay kung nais niyong sumagot.

Sige nga,Jelai. Maari mo bang matukoy kung anong Bahagi ng Pananalita ang kilos o galaw? Ma’am ang kilos o galaw po ay tinatawang nating Pandiwa.

Aba, Mahusay. Tama siya ito ay tinatawag nating Pandiwa. Bigyan natin siya ng Ang Galing Clap!

1…2.. Ang Galing…1…2.. Ang Galing…1…2.. Ang Galing Galing… 1…2.. Ang Galing…1…2.. Ang Galing…1…2.. Ang Galing Galing…

C. Paglalahad

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay….

Pandiwa
- Naglalahad ng kilos o galaw ng tao, bagay, o hayop.
- Ito ay tinatawag na verb sa wikang Ingles
- Ang simbolo nito ay malaking pulang bilog.

.
Ang simbolo ng Pandiwa Pandiwa Pandiwa Malaking pulang bilog!
Ang simbolo ng Pandiwa Pandiwa ay?

Mahusay! Ngayon ito ay ilan sa mga halimbawa ng Pandiwa.

Halimbawa ng Pandiwa
Tumatakbo Nagtatapon
Natutulog Naghuhugas
Nag wa-walis Humihinga
Naliligo Nagsusulat
Naghahanap Umiiyak
Nanonood Nagtatanim
Maari ba kayo magbigay ng isang pangungusap gamit ang mga Pandiwa na nasa tsart?

Sige nga, itaas ang inyong mga kamay at ako ay magtatawag ng ilang sainyo.

Patricia, magbigay ng isang pangungusap gamit ang isa sa mga Pandiwa na nasa tsart.

Ano ang iyong Pandiwang ginamit? Opo!

Mahusay!
Prepared by: Barba, Kirsten Anne T.
____________________

Date Checked: ________________ Date: _______________________

Signature: ___________________ Observer: Villafranca, Dearborn

You might also like