You are on page 1of 2

3 P’s

(Pagpapatibay ng Pananampalataya sa Gitna ng Pandemya 2021)

Ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos ay isang halimbawa ng pagpapakita ng


malalim na relasyon at tiwala sa Amang may likha. Sa panukulang proyekto na ito, mas
pahahalagahan ang pagkakaroon ng repleksyon mula sa salita ng Panginoon. Ang panukalang
proyekto na 3 P’s ay isang uri ng kumperensya na naglalayong mapatibay ang relasyon ng mga
mag-aaral sa Diyos. Ito ay higit na mapauunlad at maisasagawa sa tulong ng mga layunin: na
magkaroon ng dagdag na kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga aral mula sa Bibliya,
maibahagi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na relasyon sa Diyos, at mahubog ang
mga mag-aaral na maging mahusay at malikhain sa pagbibigay ng kanilang repleksyon tungkol
sa itinalakay ng tagapagsalita.

Isa sa mahirap na pagsubok ay ang pandemya na kasalukuyang kinakaharap at dahil dito,


nararapat na paigtingin ang pananamapalataya ng mga kabataan lalo na sa ika-7 na baitang
sapagkat ayon kina Goeke-Morey et al. (2015), ang kahalagahan ng pag-unawa sa ugnayan ng
pananampalataya sa pagsusuri ng paglaki ng kabataan ay iminumungkahi na ang may malakas na
ugnayan sa Diyos ay may mas kaunting sintomas ng kalungkutan at pagkabalisa para sa kabataan
na may relihiyosong paggabay. Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga-aral mula sa Bibliya,
makapagbibigay ang mga mag-aaral ng kani-kanilang pansariling repleksyon. Ang programa ay
isasagawa sa ika-26 ng Marso 2021, ganap na 2:30 PM hanggang 4:00 PM sa pamamagitan ng
pagdalo at paggamit muna ng “MS Teams Live” bilang midyum sa pagtalakay ng mga
inimbitahang tagapagsalita na si G. Mandy Ballos na magbibigay kaalaman ukol sa mga
konsepto ng pananampalataya sa loob ng kalahating oras. Pagkatapos naman ng seminar ay
bubukod ang mga mag-aaral mula sa kani-kanilang naatasang grupo upang magpangkatan sa
nalalabing isang oras. Ang bawat grupo ay galing sa iba’t ibang seksyon ng ika-7 na baitang.
Kasunod ng pagpapangkat ay ang malikhaing pagbabahagi ng bawat mag-aaral ng kanilang
repleksyon o karanasan na mayroong kinalaman sa seminar na kanilang dinaluhan. Ito ay
maaring sa paraan ng charades, slogan o sawikain, at iba pa. Ang mga magiging facilitators ay
ang mga proponent ng proyekto. Ang badyet na kinakalingan para sa panukalang proyekto ay
550 pesos na magmumula sa mga facilitators na kung saan ang 200 pesos ay para sa token ng
panauhing tagapagsalita, 150 pesos para sa sertipiko at 200 pesos naman sa bayad para sa
courier. Ang mga facilitators naman ay magpapalaot ng mga liham na humihingi ng permiso
para maaprubahan ang panukalang proyekto sa ika-26 ng Pebrero sa High School Principal na si
Dra. Zosivelle P. Bancolita, sa Prefect of Students at Student Activity Coordinator na si G.
Emelito Benitez, sa LMS Coordinator na si Bb. Ma. Jocelyn Claridad at sa CCF Head na si G.
Renato Monsale Jr. upang maaprubahan ang panukalang proyekto at makipagkoordinasyon sa
kanila ukol dito.

Sa pamamagitan ng panukalang ito ay mapalalalim ng mga mag-aaral ang kanilang


pananampalataya sa Diyos sa tulong ng workshop at pagpupulong o diskusyon kasama ng iba
pang mga mag-aaral na magsisilbing tulay ng kapwa mananampalataya patungo sa Panginoon,
malilinang rin ang kanilang tiwala sa sarili at pakikipagkapwa sa pamamagitan ng pagbabahagi
ng kanilang pagninilay sa mabuting salita ng Diyos, mahahasa rin ang kritikal na pag-iisip ng
mga mag-aaral at dahil sa mga ito, kanilang maisasabuhay ang core values na nararapat taglayin
ng bawat mag-aaral ng Paco Catholic School.

You might also like