You are on page 1of 2

WESTERN MINDANAO STATE UNIVERSITY

IPIL EXTERNAL STUDIES UNIT


PUROK CORAZON, IPIL HEIGHTS, ZAMBOANGA SIBUGAY

DEBATE TUNGKOL SA PAGTUTURO NG RELIHIYON


SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALAN

Marso 6, 2024

NARRATIVE REPORT

Ang debate o pakikipagtalo ay isang organisadong paraan ng masusing pag-uusap na may


itinakdang balangkas at sistema. Ito'y isinagawa ng dalawang pangkat o tao na may magkaibang
opinyon hinggil sa isang tiyak na paksa. Ang dalawang panig ay binubuo ng proposisyon o
sumasang-ayon at oposisyon o sumasalungat. Ang debate ay nagbibigay daan sa malalimang
pagsusuri ng mga ideya at pagpapahayag ng mga opinyon sa isang istrakturadong paraan. Ito'y
naglalayong palawakin ang pananaw ng mga tao sa iba't ibang isyu at nagbibigay ng pagsasanay
sa mabilis at malinaw na pagsasalita. Bukod dito, ang debate ay nagpapalakas ng kritikal na pag-
iisip, nagpapalakas ng kumpetisyon, at nag-uudyok sa pakikipagtulungan sa gitna ng
magkakaibang pananaw. Sa kabuuan, ito'y isang mahalagang bahagi ng edukasyon at
pampublikong talakayan na naglalayong mapalalim ang pang-unawa ng mga tao sa mga
komplikadong isyu.

Nagkaroon ng debate tungkol sa pagtuturo sa relihiyon sa mga pampublikong paaralan


bilang parte ng gawain ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino na nasa
ika-tatlong taon sa Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao – Ipil. Sa pangkat
sumasangayon ay kinabibilangan nina Buaya para sa necessity, Surjedo para sa beneficial at
Olila naman para sa practical.

Bilang unang tagapagsalita sinabi ni Bb. Buaya na mahalaga ang pagtuturo ng relihiyon
sa mga pampublikong paaralan dahil tumutulong ito na magbigay ng values at respeto dahil ang
relihiyon o relegare sa griyego ay ang personal na relasyon natin sa Diyos. Ayon sa kanya,
mayroong surbey na 5% ang gumagawa ng kasamaan, bisyo at kung ano-ano pa (Survey of their
church). Magiging kawawa ang mga kabataan kung hindi macut ang maling gawain. Binanggit
rin niya ang deklarasyon ng seksyon 16. Sa kanyang karagdagang oras na dalawang minuto
itinanong niya kung dati ay hindi pinapahalagahan ang Diyos ay maganda ba raw ang epekto
nito.

Si Bb. Surjedo ang pangalawang tagapagsalita ng pangkat. Ayon sa kanya mahalaga ang
pagtuturo ng relihiyon sa mga pampublikong paaralan dahil ang mga kabataan ngayon ay hindi
na marunong magmano, gumalang sa mga nakakatanda dahil iyon sa paglaganap ng teknolohiya.
Aniya, sa relihiyon malalaman kung ano tama at mali. Hindi ito nakukuha sa labas lamang at
kinakailangan ang pagtuturo ng relihiyon sa paaralan.

Panghuling tagapagsalita si Bb. Olila at ayon sa mahalagang ituro ang relihiyon sa


pampublikong paaralan dahil ito ay nagpapakita ng relasyon natin sa Diyos at ito ang magiging
daan upang makilala natin ang Diyos. Ito ay nagdudulot sa atin na maging maunawaan natin
kung ano ang ating tradisyon at kultura. Bilang karagdagan, sinabi niya na ang pagtuturo nito ay
magdudulot ng kaalaman sa tama o mali.

Sa huling bahagi ng debate ang bawat pangkat ay binigyan ng tatlong minuto upang
magbigay ng pangkalahatang mensahe at upang himukin ang mga tagapakinig. Sa pangkat ng
sumasangayon si Bb. Buaya ang nagbigay ng pangkalahatang mensahe. Ayon sa kaniya walang
iniimposed na relihiyon sa pagtuturo dito kundi tinuturo lamang kung ano ang tama at mali at
dapat na gawin. Kikalaingan ang pagtuturo nito dahil ang mga kabataan ay wala ng takot sa
panginoon. Dagdag niya pa na most of the time ay wala ang mga mag-aaral sa kanilang bahay ay
nasa paaralan sila kaya mas mainam na dito ituro sa kanila upang maturuan sila na magkaroon ng
takot sa diyos. “Never neglect teaching religion” ika niya bilang pantapos na pahayag.

You might also like