You are on page 1of 5

KASAYSAYAN NG PAGSASALING WIKA NG PANDAIGDIG

Mihan sa mag nagsasalin ay sahol sa inspirasyon sa pagkat Ang pangunahing taohig


layunin na lamang ay Dami at Hindi na uri, kaya ngat noong 1919 ay nagpalathala sina Richie at
Moore Ng Isang artikulo na nagsasabing Ang tunay na panatikan Ng pransya ay Hindi lubusang
maaabot sa pamamagitan lamang Ng nga salin

Gayumpaman, sa kabuuan ay masasabing nakabuti Ang gayon sapagkat kundi dahil sa


lansakang Pagsasaling wika ay maraming manunulat Ang Hindi makikilala at dadakilain.
Halimbawa ay SI Talstoy Ng Rusya na kundi dahil sa mag salin Ng kanyang mga sinulat ay
malamang na Hindi nakilala at dinakilala Ng buong daigdig. At dahil din sa mga salin, Ang mga
drama Nina Chekov, Strindberg at Olsen ay nakapasok at lumilikha Ng sailing langit-langitan sa
makabagong panahon.

Sa kasalukuyan, lahat halos Ng bansa sa daigdig ay patulot sa lansakang Pagsasalin sa


Kani kanilang wika Ng mga mahuhusay na akdang nasusulat sa ibat iBang wika sa layuning
maihatid sa higut na nakararaming bahagi Ng mambabasa Ang mga makabagong kalakaran sa
panitikan. Kaalinsabay Ng ganitong mga Pagsasalin ay Ang mga Pagsasalin Ng nga pyesa sa
literatura na nagtataglay Ng nga bagong kaalaman at karunongang Buhay sa iBang bansa na
karaniwang ay sa higut na maunlad na wika nna tulad Ng wikang ingles. Mapapatunayan ito sa
mga literatura g ibat iBang disiplina Ng karunongang na ginagamit Ng nga pilipino sa pagdukal
Ng karunongan. Ang totooy maliit na bahagi lamang Ng mga ito ay ginagamit ding wikang
panturo sa paaralan. Ang magandang halimbawa marahil ay Ang bansang Hapon. Malaking
halaga Ang ginugugol Ng Pamahalaang Hapon para makaabot sa higut na nakararaming
mamayan Ang karunongang Ng daigdig aa pamamagitan Ng Pagsasalin Ng mga ito sa wikang
Niponggo.

3. 0 Mga Pagsasalin sa biblya

Totoo and Sabi ni Savory na kapag Pagsasaling wika Ang pinag usapan Hindi maiiwasang
mabanggit Ang Pagsasalin Ng Biblya dahil sa dalawang kadahilanan. Ang una ay sapagkat Ang
paksa sa Biblya, lalo na sa Marandang Tipan, ay tumatalakay sa tao sa kanyang pinagmulan, sa
kanyang layunin at sa kanyang destinasyon. Sa loob Ng di na halos mabilang na henerasyon,
Ang Biblya Ang siyang nagiging sanggunian tao hingil sa katuturan Ng kanyang pagkabuhay. Sa
mga dahon Ng Biblya hinahanap Ng tao Ang mga panuntunang dapat niyang sundin upang
mabigyan Ng katuturan Ang kanyang Buhay sa daigdig na ito. Kaya nga’t masasabing Ang mga
doktrinang nasasaad sa Biblya ay nakahuhubog nang malaki sa katauhan Ng tao. Ito Ang dahilan
kung bakit itinuturing na naiiba Ang Biblya sa iBang aklat.

Ang Isang nilikha, sa panahon Ng kanyang pangangiailangan ay malimit sa mga dahon Ng


Biblya humananap Ng kasiyahan, inspirasyon o tibay Ng loob. Anupat Ang kasiyahang
nahahango sa Biblya ay nasasalig sa tibay ngpananamplataya o paniniwala Ng Isang nilalang
sapagkat Ang relihyon ay Hindi pangkaisipan kundi pang emosyon. Tinatanggap Ng Isang
karaniwang kristyano Ang mga doktrina Ng kanyang relihyon nang Hindi na niya itinatanong
kung bakit.

Ang ikalawang dahilan kung bakit naiiba Ang Biblya sa karaniwang sa larangan Ng
Pagsasalin g wika ay Ang di mapasusubaliang kataasan Ng uri Ng pagkakasulat niyo. Mahabang
panahon na rin Naman Ang nakararaan ngunit Hanggang sa panahon ito, sa daigdig Ng mga
Kristyano ay itinuturing ppa ring totoo at di mapasusubaliang, kundi man sagradi Ang mga
nasusulat sa Banal na kasulatan o Biblya.

Kaya ngat nangangailangan Ang Isang tagasaling wika Ng ibayong pag-iingat at


pambihirang kakayahan sa Pagsasalin Ng Biblya sapagkat bawal salita o lipon Ng mga salita sa
nasabing aklat ay nangangailangan Ng masusing pag-aaral at paglilirip tungkol sa tunay na
diwang napapaloob sa teksto, lalo na kung isasaalangalang Ang lawak Ng panahong
nakapagitan sa mga sumulat Ng Biblya at Ng tagapagsalin.

Ang Biblyang kinagisnan natin, kahit sa anong wika nasusulat, ay Isang salin. Ang orihinal
na manuskrito o teksto nito ay sinasabing wala na. May mga patibay,ayon kay Savory , na ang
nakatalang kauna-unahang teksto Ng Marandang Tipan na nasusulat sa wikang Aramaic Ng
Ebreo ay naging malaganap noong mga unang siglo, A.D. Naniniwala Ang marami na dito buhat.
Ang salin ni Origen sa wikang Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint,
gayon din ang salin sa latin ni Jerome noong ikaapat na siglo

SI Jerome ay isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na tagasaling-wika sa Bibliya


noong kanyang kapanahunan. Ang kanyang Vulgate na salin sa Latin Ng Bibliya ay matagal na
panahon ding naging popular l. Sa katotohanan ay tatlo, ayon kay Savory, Ang dinadakilang salin
Ng Bibliya: ang Kay Jerome sa Latin, ang kay Luther sa Aleman, at ang kay Haring Jamesa sa
Ingles (Ng Inglatera) na lalong kilala sa taguriang Authorized Version.

Ang kauna-unahang salin sa Ingles Ng Bibliya,ayon kay Savory, ay isinasagawa ni John


Wycliffe noong ikalabing -apat na siglo. Dalawa Ang naging edisyon Ng nasabing salin. Ang una
ay noong 1382 sa tulong ng isang tagapagsalin na nagngangalang Nicholas. Ang ikalawang
edisyon ay lumabas noong 1390. Nangyari ito sapagkat Ang unang bersyon ay naging lubhang
literal ang pagkakasalin. Sa ibang salita, pinanatili sa salin Ang istruktura ng mga pangungusap
sa wikang Latin, kayat ang naging tesulta ay hindi idyomatikong Ingles. Kayat sa tulong ng
kanyang kalihim na nagngangalang John Purvey ay nirebisa Ang unang bersyon upang maalis
ang mga pangungusap na literal o mga istrukturang sunod sa Latin

Noong 1562 ay nagsagawa SI William Tyndale ng isa ring pagsasalin sa Ingles Ng Bibliya
buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus . Ang salin ni Tyndale ay naiiba sa ibang
salin dahil sa masalimuot na mga talababa (footnotes) o notasyon. Sa katotohanan , ayon pa Rin
Kay Savory, ay hindi natapos ni Tyndale ang kanyang pagsasalin Ng Old Testament o Matandang
Tipan. Ipinagpatuloy ito ni John Rogers na gumamit Ng sagisag-panulat na Thomas Matthew,
Noong 1537 ay nailathala ang nasabing salin. Ngunit makaraan ang dalawang taon, ito ay
nirebisa ni Richard Taverner.

Nagkaroon ng kautusan noong 1538 na ang lahat ng simbahan ay dapat magkaroon ng


Isang bersyon lamang Ng Bibliya upang magamit Ng lahat. Upang matugunan ang
pangangiailangang ito ay muling nirebisa ni Coverdale ang Bibliya ni Matthew. Ang nirebisang
Bibliya ay nakilala sa taguring Great Bible na naging popular nang mahabang panahon sapagkat
ito’y nagtataglay ng mga Salmo.

Angry Geneva Bible naman ay lumitaw noong 1560 l. Ito’y isinagawa nina William
Whittingham at John Knox at iba pa upang makatulong sa pagpapalaganap ng Protestantismo .
Ito rin Ang Bibliyang tinaguruang Breeches Bible dahil sa bahaging sumusunod sa Genesis
III,7”…..and they sowed fig-tree leaves together and made themselves Breeches.”

Nang mga panahong iyon ay nagkaroon na rin ng pagtatangka ang mga Katoliko
Romano na magkaroon Ng sarili nilang Bibliya. Ang unang salin ay nakilala sa tawag na Douai
noong 1582, at ang. Old Testament naman ay noong 1809.

Noong 1603 SI Haring James ay nagdaos Ng Isang kumperesya na dinaluhan Ng mga


arsobispo at iba pang pati sa Hampton. Apatnaput pitong arsobispo at pari Ang hinirang ni
Haring James upang bumuo Ng tanging lupon na siyang gagawa Ng Isang salin Biblya na higit na
maayos kaysa mga naungang salin. Ang ginamit Ng lupon biglang pinakasaligang salin ay Ang
bishops Bible at ang mga sanggunian Naman ay Ang ibang saling nabanggit sa itaas gayundin
Ang mga teksto sa griyego at Ebreo. Naging panuntunan Ng lupon batay sa kagustuhan ni
Haring James, na Ang isasagawang Pagsasalin ay kailangang maging matapat sa orihinal Na diwa
at kahulugan Ng Banal na kasulatan. Dito nga nakilala Ang tinatawag na Authorized Version na
naging malaganap at waring Hindi na malalampasan pa Ng ibang susunod sa salin habang Ang
wikang ingles ay Buhay.

Subalit katulad din Naman Ng mga naungang salin, Ang Authorized Version ay
tumanggap din Ng mga puna habang lumalqkad Ang panahon kayat noong 1870 ay
nagmungkahing SI Obispo Winchester na rebisahin Ang nasabing salin. Tumagal Ang
labinlimang taon qng pagrebisa sa Authorized Version. Noong 1881 ay inilimbag Ang nirebisang
salin nito na nakilala sa tawag na English Revised Version.

Anupat sari sari at napakaraming salin Ng Bibliya ang nagsilitaw at lumilitaw pa


Hanggang sa kasalukuyan. At marahil hanggat may mga Kristyano Hindi mapuputol Ang mga
Pagsasalin Ng Bibliya lalo na kung isasaalangalang natin Ang kalikasan Ng tao walang kasiyahan
at lagging naghahangad Ng higit na mabuti kaysa dati.

May mga pangkat halimbawa na nagsagawa Ng Pagsasalin sa Biblya na walang ibang nag
uusyok kundi Ang kagustuhan magsaliksik. Silay Naniniwala na Ang mga naungang salin Ng
malabong bahagi Ng Bibliya. Ang mga nagpapakadslubhasa sa mga wikang embreo,Aramaic, at
greigo halimbawa ay malaki Ang na itutupong sa paglinaw Ng dapat linawin sa mga
kontrebeesyal Ng bahagi Ng Bibliya. At

3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klasikang English Bible ay Hindi na halos


nauunawaan Ng kasalukuyan mambabasa, bukod sa Hindi Minsan ay iba na Ang
inihahatid na diwa.

Ang Isang halimbawa Ng pagbabago sa estilo sa nasabing New English Bible ay Ang
sermon sa bundok Ng Sinai.
Old English Bible “ You must therefore be all good men , just New English Bible ay Ang
sermon sa bundok Ng Sinai. “
New English Bible “ There must be no limit to your goodness as your heavenly Father
goodness knows no bounds. “

Ang isang halimbawa Naman sa pagkakaiba Ng diwa ay Ang sumusunod.


Old English Bible “ How can this be………when I have no husband?”
New English Bible “ How can this be ?.....I am still a virgin.”

Mas tiyak o accurate Ang Huli Hindi ba ? Hindi lamng babaeg may asawa Ang maaring
manganak. Kahit dalaag ay maaring maging dalang Ina. Samantalang noong mga panahon iyon
ay Impossible magdalaktao Ang Isang babaeiing hidninpanjagagalaw Ng sinaWilliam Tyndal

Question and answer

1. Noong 1919 ay nagpalathala sina ______ at ______ Ng Isang artikulo na nagsasabing


Ang tunay na panatikan Ng pransya ay Hindi lubusang maaabot sa pamamagitan
lamang Ng nga salin.
A. Rishe at More
B. Reche at Morre
C. Richie at Moore
D. Rishie at Moore
Ans. C
2. Sinabi Niya na kapag Pagsasaling wika Ang pinag usapan Hindi maiiwasang mabanggit
Ang Pagsasalin Ng Biblya dahil sa dalawang kadahilanan.
A. Savory
B. John Wycliffe
C. William Tyndale
D. Haring James
Ans. A
3. Noong _____ ay nagsagawa SI William Tyndale ng isa ring pagsasalin sa Ingles Ng
Bibliya buhat sa wikang Griyego na salin naman ni Erasmus .
A. 1563
B. 1567
C. 1565
D. 1562
Ans. D
4. Ang kauna-unahang salin sa Ingles Ng Bibliya,ayon kay Savory, ay isinasagawa ni
______ noong ikalabing -apat na siglo.
A. Obispo Winchester
B. John Wycliffe
C. William Tyndale
D. Haring James
Ans. B
5. Noong 1881 ay inilimbag Ang nirebisang salin nito na nakilala sa tawag na English
Revised Version.
A. 1889
B. 1981
C. 1881
D. 1989
Ans. C

You might also like