You are on page 1of 21

Paksang Aralin 2: Mga Pagsasalin sa Biblia

Introduksyon:

Totoo ang sabi ni Savory na kapag pagsasaling- wika ang


pinag-usapan, hindi miiwasang mabanggit ang pagsasalin ng Biblia
dahil sa dalawang kaadahilana. Ang una ay sapagkat ang paksa sa
Biblia, lalo na sa Matandang Tipan ay tumatalakay sa tao- sa kanyang
pinagmulan, kanyang layunin at sa kanyang destinasyon. Sa loob ng di
na halos mabilang n henerasyon, ang Biblia ang siyang nagiging
sanggunian ng tao hingil sa katututran ng kanyang pagkabuhay. Sa mga
dahon din ng Biblia hinahanap ng tao ang mga panuntunang dapat
niyang sundin ipang mabigyan ng katuturan ang kanyang buhay sa
daigdig na ito. Kaya nga’t masasabing ang mga doktinang nasasaad sa
Biblia ay nakahuhubog nang Malaki sa katauhan ng tao. Ito ang dahilan
kung bakit itinuturing na naiiba ang Biblia sa ibang aklat.
Ang isang nilikha sa panahon ng kanyan
pangangailangan, ay malimit na sa mga dahon
ng Bibliya humahanap ng kasiyahan,
interpretasyon o tibay ng loob. Anupa’t ang
kasiyahan ang nahahango sa Bibliya ay
nasasalig sa tibay ng pananampalataya o
paniniwala ng isang nilalang sapagkat ang
relihiyon ay hindipangkaisipan kundi
pang-embensiyon. Tinatanggap ng isang
karaniwang Kristyanismo ang mga doktrina ng
kanyang relihiyon nang hindi na niya
itinatanong kung bakit.
Ang ikalawang dahilan kung bakit naiiba ang Biblia sa
karaniwan sa larangan ng pagsasaling-wika ay ang
di-mapasusubaliang kataasan ng uri ng pagkasulat nito.
Mahabang panahon na rin naman ang nakaraan ngunit
hanggang sa panahong ito. Sa daigdig ng mga kristyano, ay
itinuturing pa ring di mapasusubalian, kundi man sagrado, ang
mga nasusulat sa Banal na kasulatan o Biblia.
Kaya’t nga’t nangangailangan ang isang tagasaling-wika
ng ibayong pag-iigat at pambibihirang kakayahan sa pagsasalin
ng Biblia sapagkat bawat salita olipin ng mga salita sa
nasabing aklatan ay nanangailangan ng masusing pag-aaral at
paglilirip tungkol sa tunay na diwang napapaloob sa teksto,
lalo na kung nasasaalang-alang ang lawak ng panahong
nakapagitan sa mga sumukat ng Biblia at ng tagapagsalin.
Ang Bibliang kinagisnan natin, kahit sa anong wika nasusulat, ay
isang, salin. Ang orihinal na manuskrito o teksto nito ay sisasabing,
wala na. may mga patibay, ayon kay Savory, na ang nakatalang
kauna-unahang teksto ng Matandang Tipan na nasusulat sa wikang
Armanic ng Ebreo ay naging malaganap noong mga unang siglo, A.D.
Naniniwala ang marami na dito buhat ang salin ni Origen sa wikang
Griyego noong ikatlong siglo na nakilala sa tawag na Septuagint,
gayon din ang salin sa Latin nni Jerome noong ikaapat na siglo.
Si Jerome ay isa sa iilan-ilang kinikilalang pinakamahusay na
nagsasaling sa Biblia noong kanyang
Kapanahunan. Ang kanyang Vulgate na salin sa Latin ng biblia ay
matagal na panahon ding naging popular. Sa katotohanan ay tatlo, ayon
kay Savory, ang dinadakilang salin ng Biblia: ang kay Jerome sa Latin,
ang kay Luther sa Aleman, at ang kay Haring James sa Ingles (ng
Inglatera) na lalong kilala sa taguring Authorized Version
Anupat sari-sari at napakaraming salin ng biblia ang
nagsilitaw at lumitaw pa hanggang sa kasalukuyan. At
marahil hangga’t may mga Kristyano, hindi mapuputol ang
mga pagsasalin ng Biblia, lalo na kung isasaalang-alang
natin ang kalikasan ng tao-walang kasiyahan at lagging
naghahangad ng higit na mabuti kaysa dati.

May mga pangkat, halimbawa na nagsasagawa ng


pagsasalin sa biblia na walang ibang nag-uudyok kundi ang
kagustuhang masaliksik. Sila’y naniniwala na ang mga
naunang salin ng Biblia ay kakikitaan ng napakaraming mali
at malalabong bahagi dahil marahil sa hindi gaanong
mauunawaan ang tunay na kahulugan ng orihinal.
Ang maituturing na pinakahuling salin ng Biblia sa taong 1970 ay ang
the new English Bible ay isinalin nang tuwiran mula sa orihinal na mga
katitkang Ebreo at Griyego sa liwanag ng pinakahuli at mapananaligang
tuklas ng mga mananaliksik. Sa nasabing bersiyon ay isinama ang
Apocrypa. Ang Apucrypa na pinagkukunutan ng noong marami dahil
diumano’y di-mapananaligan ay siyang nag-uugnay sa Matanda at Bagong
Tipan.
Tatlo ang dahilan kung bakit napagkaisahang muling isalin ang Biblia.

1. Marami nang mga natuklasan ang mga arkeologo na naiiba sa diwang


nasasaad sa maraming bahagi ng mga unang salin;

2. Nitong mga huling araw ay higit na nagging masigla ang pag-aaral sa


larangan ng lingguwistika. Di matatawaran ang naitutulong ng karungan sa
lingguwistika sa pagpapalinaw ng maraming malabong bahagi ng Biblia. Ang
mga nagpakadalubhasa sa mga wikang Ebreo, Armanaic t Griyego, halimbawa,
ay Malaki ang maitutulong sa paglinaw sa maraming dapat linawin sa mga
kontrobersyal na bahagi ng Biblia; at
3. Ang sinaunang wikang ginamit sa klaskang Englisg Bible
ay hindi na halos maunawaan ng kasalukuyang mambabasa,
bukod sa kung minsan ay iba na ang inihatid na diwa.

Ang isang halimbawa ng pababago ng estilo sa nasabing


New Engligh Bible ay ang sermon sa bundok ng Sinai. Sama
ng iba’t ibang uri ng mga tunog at intonasyon, hindi
kataka-taka, sabi pa niya, kung ang wikang wikang Griyego ay
kilalaning isa sa dakilang wika kundi man pinakadakila, sa
buong daigdig.
Kung sabagay, ang mga dalubwika ay naniniwala sa
alinmang wika ay mabisa, tiyak at naiigayang pakinggan kung
ang tatanungin ay ang mga taong gumagamit nito bilang unang
wika. Ang wikang Filipino, halimbawa, ay higit na mabisa kaysa
wikang Griyego kung ang gagamit ay isang Pilipino na ito ang
siyang unang wika upang ipahayag ang kanyang damdamin.
Hindi mabisa hindi tiyak at hindi nakaiigayang pakinggan ang
isang wikang hiram kapag ginamit sa pagpapahayag ng kultura
(damdamin, lunggatiin, kaugali o tradisyon) ng isang lahi.
Manapa, mapaniniwalaan marahil kung asabihing ang bansang
pinakamaunlad at pinakamakapanyarihan ang siyang natural na
mag-aakin ng wikang higit na maunlad kaysa ibang bansa.
Gayon ang wikang Griyego ng mga panahong yaon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasaling-Wika

➢ Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot


sa pagsasalin
Ang katangiang ito, ayon kay Nida ang “first and most obvious
requirement of any translator.” Tungkol sa wikang isasalin, hindi
sapat aniya, na nakukuha niya ang “general drift” ng kahulugan ng
kanyang isinasalin o kaya’y mahusay siyang kumonsulta sa
diksyunaryo. Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na
himaymay ng kahulugan, ang halagang pandamdaming taglay ng
mga salita at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng “flavor and
feel of the message.”
Kung ang isasalin sa Filipino ay isang materyales na nasusulat
sa Ingles, isang gawaing lagi nating nasusumpungan kahit sa labas ng
paaralan, natural lamang na asahan na ang magsasagawa ng pagsasalin
ay may sapat na kaalaman sa nasabing dalawang wika, lalo na sa
Filipino, sapagkat ito ang wikang pagsasalinan. May mga dalubhasa sa
larangan ng pagsasaling-wika ang nagsasabi na hangga’t maaari ang
wikang pagsasalinan ay dapat siyang unang wika ng tagapagsalin na
hawak niya sa kanyang palad. Ang sinabi ni Nida na dapat angkinin ng
tagapagsalin ay “complete control of the receptor language” (TST:150).
Gayunpaman, hindi naman nangangahulugan na ang mga di-Tagalog ay
hindi na maaaring magsagawa ng pagsasalin. Ang totoo’y di-iilang
di-Tagalog ang higit na nakilala sa pagsasaling-wika sa Filipino
sapagkat ang pinuhunan ay higit na tiyaga kaysa mga taal na Tagalog,
tulad din naman ng katotohanang hindi lahat ng katutubong Tagalog ay
magiging mahusay na tagasaling-wika, lalo na kung kulang sa tiyaga.
Anupat ang ibig lamang nating bigyang-diin ay ito: Ang
kakarampot na kaalaman sa alinman sa dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin ay magiging mapanganib. Ang isang guro,
halimbawa, kahit nakatapos ng 24 na yunit sa Kastila ay hindi pa
marahil makapangangahas na magsalin ng mga materyales na
nasusulat dito.
Mahahati sa dalawang bahagi ang kaalamang ito, gaya ng mga
sumusunod:
➢ Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang
kasangkot sa pagsasalin

Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang


pagkakaiba sa balangkas ng Ingles at Filipino; na ang Ingles ay may
sariling balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo
ng mga parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino.
Ang totoo, ang kaalaman sa gramatika ng dalawang
wikang kasangkot sa pagsasalin ay kailangang-kailangan
ng tagapagsalin sa pagsusuri o ‘pag-arok’ sa tunay na
diwang nais ipahatid ng awtor; gayundin sa wastong
paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo,
pagsusunud-sunod, at iba pa.
Ulitin natin sa bahaging ito na sadyang hindi gawang
biro ang pagsasalin, lalo na kung ang dalawang wikang
kasangkot ay magkalayung-magkalayo sa gramatika, tulad
ng Filipino at Ingles. At mangyari pa, ang suliraning ito ay
lalo pang lulubha kung ang dalawang bansang nag-aangkin
ng mga wikang ito ay malaki rin ang agwat sa kultura at
kaunlarang tulad ng Pilipinas at ng Amerika.
Pansinin na ang mga suliraning nabanggit ay hindi
masusumpunganng isang tagapagsalin sa Filipino ng
anumang literaturang nasusulat sa alinmang katutubong
wika sa Pilipinas. Magkakaangkan ang mga wika sa
Pilipinas, kaya’t walang malubhang problema sa
pagsasalin. Ang kayarian o balangkas ng mga
pangungusap ng iba’t ibang wika sa Pilipinas ay halos
magkakatulad at karamihan ng mga salita, sapagkat
magkakaugat, ay magkakatulad o magkakahawig. Kaya
nga’t mas madaling isalin sa Filipino ang mga nasusulat sa
iba’t ibang wika sa kapuluan kaysa mga nasusulat sa
wikang Ingles.
➢ Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng
pagpapahayag
Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.”
Kahit alam na alam ng tagapagsalin ang paksa at kahit may sapat siyang
kakayahang magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, gayundin
ang sapat na kaalaman sa gramatika ng mga ito, hindi sapat na garantiya ang
mga iyon upang siya’y makapagsalin nang maayos, lalo na kung isasalin ay
mga malikhaing uri ng panitikan (creative literature). Marami tayong nakikita na
maalam na maalam o ‘madulas na madulas’ wika nga, sa pagsasalita ng Ingles
at Filipino, ngunit waring hindi mailipat sa pagsasalin ang gayong kahusayan.
Ang dahilan ay sapagkat iba ang kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa
karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika. Kaya nga’t kung ang lahat ng
salik ay patas, nagiging higit na mabuting tagapagsalin ang isa ring manunulat.
At kung ang isasalin ay tula, higit na mabuting tagapagsalin nito ang isa ring
makata o sumusulatng tula. Iba nag ‘hagod’ ng makata, wika nga. Iba ang
kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.
Waring angkop na angkop sipiin sa bahaging ito ang sumusunod na sinabi
ni L. Portier tungkol sa pagsasalin ng tula na sinipi ni Nida sa kanyang aklat
(TST, p.151):
One does not render a poet as, with a compass, one measures and
tells the dimensions of a building, but rather in the way in which one
reproduces some beautiful music upon a different instrument- a
procedure which requires genuine skill of performance and
sensitivity to artistic style.
Maaaring itanong: Kung ganoon, e di hindi na pala maaaring magsalin
ng tula ang isang hindi makata o manunulat ng tula? Hindi naman. Ang
ibig lang sabihin, kung gustong maging mahusay na tagapagsalin,
partikular na sa tula, subuking ‘kumahig-kahig,’ wika nga, at baka may
potensyal o natatagong kakayahan na hindi lamang natutuklasan. Sapagkat
kung ang isang tao ay hindi man lamang makasulat-sulat kahit simpleng
tula, papaano siya maayos na makapagsasalin ng tula? Ang paglikha ng
tula ay isang sining, at sapagkat isang sining, hindi ito basta dinadampot sa
isang sulok. Ang pag-aangkin ng kakayahan sa paglikha ng tula ay
pinaggugugulan ng panahon at pag-iisip. At mangyari pa, kapag tayo’y
nagsalin ng tula, para na rin tayong lumikha ng tula sapagkat
isinaalang-alang natin ang mga sangkap na wala sa prosa o tuluyan.
➢ Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay
hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo
nito. Kalimitan, ang ipinagkakaiba lamang ng maayos at di-maayos
na salin ay nasa pagkakaiba ng mga salitang ginamit ng mga
tagapagsalin. At kung dumating na sa pamimili ng mga salitang
gagamitin, kung ang lahat ng ibang salik ay patas, nakakalamang
na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa sapagkat
siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
Mababanggit na rin na hangga’t maaari ay hindi dapat isalin ng
sinuman ang alinmang pyesa ng literatura kung hindi siya
interesado rito o kung hindi niya ito naiibigan. Makakatulong din
nang malaki sa pag-unawa sa paksa ang pakikipag-ugnayan ng
tagapagsalin sa awtor.
➢ Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang
kaugnay sa pagsasalin
Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na
gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa
pagpapahayag ng kanilang kultura; ang wikang Filipino ay gayundin sa
pagpapahayag ng kulturang Pilipino. At gaya ng alam na natin, ang
Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang pagkakaiba
sa kultura.
Sa bahaging ito’y malilimi natin na walang wikang higit na mabisa
kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan
bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan
nito. Mabisa ang Ingles sa pagpapahayag ng kulturang Amerikano; mabisa
ang Filipino sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Pansinin na maraming
pagkakataon na hindi natin maisalin nang maayos sa Filipino ang isang
kaisipang nasusulat sa Ingles sapagkat ginagamit nating kasangkapan ang
Filipino sa pagpapahayag ng kaisipang nakabuhol sa kulturang dayuhan.
Anupat dahil sa pagkakaiba ng kultura ng
dalawang bansang kasangkot sa pagsasalin, hindi tayo
dapat magtaka kung may mga pagkakataon na hindi
maisalin nang maayos ang isang bahagi ng materyales
na nasusulat sa Ingles. Kung dumarating ang ganitong
pagkakataon, isipin na lamang natin na ang dahilan ay
ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil sa ang Filipino
ay isang wikang mahinang klase. Ang totoo, maraming
pagkakataon na hindi rin maisalin nang maayos sa
Ingles ang isang materyales na kargado ng kulturang
Pilipino sa kabila ng katotohanang maunlad na
maunlad na ang wikang ito.
Tanggapin natin na totoong malaki ang agwat ng Amerika at
Pilipinas kapag pag-unlad sa agham at teknolohiya na bahagi rin ng
kultura ang pag-uusapan. Papaanong hindi tayo mamumulubi sa mga
katawagang pang-agham at panteknolohiya ay talaga namang
atrasadung-atrasado tayo sa bagay na ito? Ang bansang Japan ay
maunlad na maunlad sa agham at teknolohiya, kaya naman maunlad
na maunlad din ang wika nito sa mga terminolohiyang pang-agham
at panteknolohiya. Hindi mangyayari kailanman na mauna pa ang
paglinang sa mga katawagan sa mga bagay na paggagamitan ng mga
ito.
Pansinin na kapag tungkol naman sa pagsasaka ang pinag-uusapan,
mayamang-mayaman tayo sa mga katawagan tungkol dito. Gamitin
nating halimbawa ang salitang “rice” sa Ingles. Ito ay nabibigyan natin
ng iba’t ibang katawagan ayon sa tiyak na kahulugang gusto nating
sabihin, gaya ng makikita sa sumusunod na mga pangungusap:
Filipino
“He plants some rice.” (palay)
“He cooks some rice.” (bigas)
“He eats some rice.” (kanin)

At ano kaya ang katumbas sa Ingles ng sumusunod na mga


salitang ginagamit natin upang uriin an gating sinaing “malate,
maligat, angi, inin, sunog, hilaw”?
Anupat dapat linawin dito na ang tatlong katangiang
nabanggit ay bihirang matagpuan sa isang nagsisimula pa
lamang sa pagsasalin. Kaya nga’t kung may isasagawang
proyekto ang isang paaralan, halimbawa, makabubuting ang
pagsasalin ay isagawa ng isang lupon na ang mga kasapi ay
nag-aangkin, sa kabuuan ng mga katangiang nabanggit.
MARAMING
SALAMAT

You might also like