You are on page 1of 5

Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikalimang Baitang

Baitang: Grade 5- Murex ST: Gelian M. Soria

I. Layunin

Sa  katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a) Makakakilala sa mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng

Pilipinas;

b) Makakatukoy sa ugnayan ng mga tao sa iba’t ibang antas na

bumubuo ng sinaunang lipunan;

c) Makakapagtalakay sa papel ng batas sa kaayusang panlipunan.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Pag-unlad ng Teknolohiya

b. Sanggunian: Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat sa

Ikalimang Baitang pahina 62-80.

c. Kagamitan: Chalk, larawan para sa Gallery Walk

d. Pagpapahalaga: Kooperasyon

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik Aral

Pagbabalik aral sa nakaraang leksyon.


2. Pagganyak:

Ipakita ang mga larawan ng sinaunang Pilipino.

Pagkakita ng mga larawan, itatanong ng guro ang mga


sumusunod:

1. Ano-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?


2. Sa inyong palagay tungkol saan ang mga larawang ito?
3. Paano kaya nabuhay ang mga Sinaunang Pilipino?

B. Paglilinang ng Gawain

1. Paglalahad

a. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat.

b. Sa bawat sulok ng silid ay mayroong apat na istasyon kung saan

makikita dito ang iba’t-ibang larawan.

Istasyon 1
Panahon ng Lumang Bato

Istasyon 2
Panahon ng Bagong Bato
Istasyon 3

Panahon ng Metal

 MAAGANG PANAHON

 MAUNLAD NA PANAHON NG METAL

c. Bibigyan lamang sila ng 12 minuto para mapuntahan at pag-aralan

ang lahat ng istasyon.

d. Sa bawat istasyon ay mayroon lamang silang 3 minuto upang pag-

aralan ang larawan at teksto.

e. Bawat grupo ay pipili ng isang representati na magbabahagi sa

mga impormasyong nakuha nila.

f. Magkakaroon ng talakayan sa bawat grupo na magbahagi tungkol

sa kanilang natutunan mula sa larawan. Magbibigay ng

karagdagang impormasyon ang student teacher.

2. Paglalahat

Gagabayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo ng konseptong

natutunan.
Sa pagbago at pag-unlad ng teknolohiya nagbago rin ang

pamumuhay ng sinaunang Filipino mula sa paggamit ng mga

magagaspang na kasangkapan, natutong manirahan sa isang lugar

kung saan natuto silang maghanapbuhay hanggang sa natuto silang

gumamit ng kasangkapang metal tulad ng talim ng sibat, gulok, kampit

at kutsilyo.

3. Paglalapat

Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga larawan na aayusin simula sa

Panahon ng Lumang Bato hanggang sa Panahon ng Metal

IV. Pagtataya

Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat kung ito ay

napapabilang sa Panahon ng Lumang Bato, Bagong Bato o Panahon ng

Metal

1. Nanirahan ang mga sinaunang Filipino sa tabi ng dagat at ilog.

2. Nabuhay ang mga taong Tabon.

3. Naninirahan ang mga tao sa yungib.

4. Nagawa ang mga talib ng sibat, gulok, kutsilyo at iba pang sandata.

5. Natutong magsaka at mag-alaga ng hayop ang mga tao.

6. Gumamit ang mga tao ng magagaspang na kasangkapang bato.

7. Nahukay ang ilang mga palamuti tulad ng ling-ling-o at ilang palamuti na

yari sa jade.
8. Natutong gumawa ng mga banga at palayok na ginamit bilang imbakan ng

mga sobrang pagkain.

9. Nabuhay sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.

10. Naging permanente o sedentary ang paninirahan ng mga tao.

V. Takdang Aralin

Sa isang buong papel, ikumpara ang mga tao noon at ngayon. Ito

ay bumubuo ng hindi lalagpas sa limang pangungusap.

You might also like