You are on page 1of 3

UNANG MARKAHANG PASULIT SA FILIPINO V

Pangalan : ___________________________________ Petsa: __________Marka: ____________

I. Basahin mo nang maayos ang maikling talata at sagutin ang mga sumusunod na mga
tanong:

Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pagdating ng Bagyo

Unang una ay sundan sa radyo o telebisyon ang mahalagang balita sa pagsama ng panahon.
Pangalawa ay mag-imbak ng mga pagkain sa bahay lalong lalo na iyong mga de-lata upang hindi
mgutom. Pagkatapos ay mag-imbak ng posporo, kandila, flashlight, at baterya na maaring
magamit kung kinakailangan. Pinakamahalaga sa lahat ay manatiling mahinahon sa lahat ng
sandali upang makaiwas sa dagdag na sakuna. At panghuli, kailangang makinig sa mga balita
tungkol sa pagbabago ng panahon.

Mga tanong:

1-5. Sa paghahanda sa pagdating ng bagyo, anu-ano ang mga dapat gawin?

Una: _________________________________________________________________
Pangalawa: _________________________________________________________________
Pangatlo: _________________________________________________________________
Pang-apat: _________________________________________________________________
Panglima: __________________________________________________________________

NAGREREKLAMO NA TAKOT

Isang babae ang pumunta sa pulis upang mag reklamo. Siya raw ay pinagsamantalahan ng
kanyang manliligaw matapos niya itong biguin. “Kailan pa ito nangyari” tanong ng pulis. Sumagot
ang babae “Noon pa hong 1977”. “Bakit ngayon lang kayo nag report? Dapat sana’y noon pa!”,
sabi ng Police. “Tinakot niya po ako na papatayin niya kapag ako’y nag sumbong”, kinikilabutan
na pasagot ng bababe. “Ganoon ba?”, tanong ng police. “E bakit ngayon ay nag report na ho
kayo?, dagdag niya. Sagot ng babae, ” Dahil patay na po siya at wala nang papatay sa akin kapag
ako’y nagsumbong sa mga awtoridad.

___6.Ano ang damdaming ipinadama sa anekdotang ito?


A. nasiyahan B. natatakot C. nakatatawa
___7. Sino ang nagsumbong sa mga pulis?
A. babae B. magulang C. kapitbahay
___8. Bakit siya nagsumbong sa mga pulis?
A. pinagsamantalahan siya ng kanyang manliligaw C. inaaway siya ng kanyang kapatid
B. pinagbintangan siyang nagnakaw sa kapitbahay
___9.Kailan siya pinagsamantalahan ng kanyang manliligaw?
A. noong 1977 B. noong 1978 C. noong 1979
___10. Bakit ngayon lang siya nagreklamo?
A. dahil pinagalitan siya ng magulang B. dahil gusto niya C. dahil tinakot siya

II.Panuto: Salungguhitan ang mga pangngalan sa bawat pangungusap.

11. Si Maria ay pumunta ng bayan.


12. Namatay ang matandang tumawid sa kalsada.
13. Binato ni Jose ang mga ibon.
14. Ang mga puno ay nilagas ng bagyo.
15. Pumunta kami sa probinsiya noong nakaraang bakasyon.
16. Si Gng. Santos ang aming punong-guro.
17. Pumunta kami ng Boracay noong nakaraang bakasyon.
18. Sumakay kami ng kotse papuntang Maynila.
19. Ipinagdiriwang ang Kalayaan tuwing ika-12 -ng Hunyo.
20. May napulot kaming pusang gala sa kalye.

III. Panuto: Salunguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap.

21. Nangako siyang daraan muna bago umuwi.


22. Tinapos niya ang gawaing sinimulan ko.
23. Ikaw na muna ang tumulong sa kaniya.
24. Sa akin iniutos ang mga gawaing iyan.
25. Magsikap kayo, kung nais ninyong umaasenso.
26. Magtulungan tayo sa lahat ng pagkakataon.
27. Atin ang bansang ito kaya dapat nating mahalin.
28. Ipinagmamalaki mo ba ang iyong bansa?
29. Oo, ipinagmamalaki ko ang aking bansa.
30. Ano ang nagawa mon ang kabutihan sa bansa?

IV. Panuto: Pagsunod- sunurin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang maayos na
talata. Isulat ang bilang 1- 5 sa patlang ng iyong sagutang papel. Pagkatapos, Isulat sa sagutang
papel ang nabuong talata .

______ a.Noong itatag ito, pitong miyembro ang hinirang ni Pangulong Quezon.
______b. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay ang Lupon ng Wika na itinatag noong 1937 para
sa pagpili ng wikang pambansa.
______ c.Lahat ng mga kagawad ng lupon ay nagsasalita ng iba’t ibang wika.
______ d.Ang iba pang kagawad ay kumakatawan sa wikang Ilokano, Cebuano, Bicol, Hiligaynon,
at Maranaw.
______ e.Ang Tagapangulo ng Lupon ay si Jaime de Veyra na taga-Leyteat ang kalihim ay si
Cecilio Lopez, isang Tagalog.

Inihanda ni :
ANN LIEZL S. LAUREL
GURO

Isinuri ni :
GRACE P. VALERO
PUNONG GURO
TABLE OF SPECIFICATION IN FILIPINO V
UNANG MARKAHANG PASULIT

MELC PLACEMENT OF ITEMS NUMBER OF ITEMS


Nasasagot ang mga tanong sa 1-10 10
binasa/napakinggang kuwento at
tekstong pang-impormasyon (F5PB-
Ia-3.1
Nagagamit nang wasto ang mga 11-30 20
pangngalan at panghalip sa
pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga
tao, hayop, lugar, bagay at
pangyayari sa paligid; sa usapan; at
sa paglalahad tungkol sa sariling
karanasan. (F5WG-Ia-e2)
Pagsulat ng Maikling Balita, Maikling 31-40 10
Tula, Talatang Nagsasalaysay,
Liham Pangkaibigan at Talambuhay
TOTAL 40

Inihanda ni :
ANN LIEZL S. LAUREL
GURO

Isinuri ni :
GRACE P. VALERO
PUNONG GURO

You might also like