You are on page 1of 1

Pagkapilipino ko, gagampanan ko

Wikang Filipino, kay sarap mong mahalin


Ipinamana ngunit hindi inaangkin
Bakit tila marami na ang nakalilimot?
Ang hindi pagtangkilik nito ay sadyang nakakalungkot

Ngunit, ipagpapatuloy ba ang ganito?


Ito ang yamang bigay sa atin ng mga ninuno
Ito ang pagkakakilanlan at sumisimbolo sa ating mga pilipino
Ngunit bakit hindi bigyan pansin ang tanong na paano?

Paano natin maipapamalas ang wikang Filipino?


Bilang isang kabataan na pag-asa ng ating bayan
Ipagmalaki at ituro din ito sa mga dayuhan
Basahin ang lumang aklat ng pluma at mas payabungin ang bokabularyo

Ang wika ay isa sa napakahalagang aspeto upang maging maunlad ang isang bansa
Dahil dito tayo ay yumayabong at nag-kakaisa
Maging ito sana ay daan o susi sa magandang kinabukasan
Na hinahangad ng bawat isa at lalo na ng kabataan

You might also like