You are on page 1of 19

IKALAWANG MARKAHAN

ARALIN 2.5
Panitikan :Dula - Mongolia
Teksto :Munting Pagsinta halaw ni Mary Grace A. Tabora
Wika :Mga Angkop na Pang-ugnay
Bilang ng Araw :5 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIg-h-48)


 Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay sa
napakinggang diyalogo o pag-uusap.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIg-h-48)


 Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento
nito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIg-h-48)


 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIg-h-48)


 Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga
katangian at elemento ng bawat isa.

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIg-h-51)


 Naisasadula nang madamdamin sa harap ng klase ang nabuong
maikling dula. 89

PAGSULAT (PU) (F9PU-IIg-h-51)


 Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng
isang grupo ng Asyano.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIg-h-51)


 Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng isang
maikling dula.

Ikalawang Markahan | 67
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IIg-h-48)


 Nauuri ang mga tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay
sa napakinggang diyalogo o pag-uusap.

II. PAKSA

Panitikan :Dula - Mongolia


Teksto :Munting Pagsinta halaw ni Mary Grace A. Tabora
Wika :Mga Angkop na Pang-ugnay
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: YUGTO NG BUHAY
Suriing mabuti ang mga larawan.

Gabay na Tanong:

 Ano – ano ang inilalarawan dito tungkol sa iyong


buhay?

Ikalawang Markahan | 68
2. Pokus na Tanong

a. Bakit mabisa ang dula sa paglalarawan ng karaniwang buhay?

b. Paano makatutulong ang mga pang – ugnay sa pagsulat ng


maikling dula?

3. Presentasyon ng Aralin

Mungkahing Estratehiya: MADULANG PAGBASA


Pagbasa ng isang bahagi ng akda.

PRINSIPE RODANTE
Unang Yugto

EKSENA: Plaza ng mga Kristiyano

(MARCH): Papasok si Haring Orestes, Reyna Yocasta, Prinsesa Floresca,


Prinsipe Alvaro, Prinsipe Rodante at si Tonto.

ORESTES: Ngayo’y dumating na itong takdang araw


Ng Gran Torneo sa plazang kalakhan;
Mga kabalyero dito ay daratal
Upang magpamalas ng dangal at tapang.

O, mahal kong anak, prinsesa Floresca,


Sabihin sa aki’t sa ina mong reyna,
Kung iyang loob mo ay nahahanda na
Sa larong Torneo na magiging bunga.

FLORESCA: Opo, aking ama, sino ang susuway


Sa mga utos mo’t madlang kagustuhan;
Ako’y nakahandang lubusang makasal
Sa kung sino pa man ang magtatagumpay.

YOCASTA: Salamat anak ko, Florescang butihin,


Ang kaugalian ay iyong susundin;
Sa torneong ito nawa’y matagpuan
Ang isang ulirang magiging manugang.

ORESTES: Tonto, sabihin mo ngayo’t pagbadya


(KAY TONTO) Kung naibando na mga paanyaya.

TONTO: Naibando na po … naibando na po …

Ikalawang Markahan | 69
ORESTES: Kung gayon Rodante, at ikaw, Alvaro,
Sampung ikaw Tonto, na katiwala ko
Dito ay maiwan at mag-asikaso sa mga dadalo…
Tayo naman reyna at bunsong Floresca
Sa balking tanawan ngayo’y magtuloy na.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ANALISIS

1. Bakit kahanga – hangang anak si Floresca?

2. Paano nila isasagawa ang pagpili ng lalaking pakakasalan ni Floresca?

3. Tukuyin kung paano nabuo ang usapan?

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Ang dula bilang isang uri ng panitikan ay naiiba dahil hindi ito isinulat
para lamang basahin kundi para itanghal. Ito ay nagsimula sa tula o tuluyang
pangungusap na naglalarawan ng buhay o ugali sa pamamagitan ng mga
usapan at kilos ng mga tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan.
Mahalagang tandaan na ang bawat dula ay may panimula, gitna at
katapusan.

Sanggunian: Retorika: Mabisa at Makabuluhang Pagpapahayag ni Arthur P. Casanova et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: READ - REACT - REENACT


Gamitin ang estratehiyang, Read – React – Reenact upang ipaliwanag
ang sumusunod na pahayag. Pagkatapos, tukuyin kung anong mga
bahagi ng dula ang nakapaloob rito.

“Ang mundo’y dulaan at pawang artista tayong lahat-lahat,


May kanya-kanyang bahagi sa dulang ating ginaganap,
Mayroong prinsipe, may magbubukid, may mangmang, may
pantas
May salat sa ganda at may pinagyaman ng lahat sa dilag”.

Ikalawang Markahan | 70
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: TSART NG BUHAY


Itala ang mga karaniwang pangyayari sa iyong buhay at tukuyin kung
saang bahagi at katangian ng dula ito naaangkop.

Pangyayari sa Buhay Bahagi/Katangian ng Dula

IV. KASUNDUAN

 Basahin ang akdang hinalaw sa pelikula mula sa mongolia – “Munting


Pagsinta”.

 Suriin ito batay sa mga katangian at elemento ng dula.

Ikalawang Markahan | 71
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F9PB-IIg-h-48)


 Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento
nito.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F9PT-IIg-h-48)


 Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan.

PANONOOD (PD) (F9PD-IIg-h-48)


 Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga
katangian at elemento ng bawat isa.

II. PAKSA

Panitikan :Dula - Mongolia


Teksto :Munting Pagsinta halaw ni Mary Grace A. Tabora
Wika :Mga Angkop na Pang-ugnay
Kagamitan :Pantulong na biswal, mga larawan, sipi ng akda
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: ROLL, VIDEO CLIP
Panonood ng video clip – “Katorse”.

“Katorse”
https://www.youtube.com/watch?v=5v2J7aj9MDs

 Pagbibigay – reaksyon tungkol sa maagang pag – aasawa. Sang –


ayon ba o di – sang – ayon? Pangatuwiranan.

Ikalawang Markahan | 72
2. Presentasyon ng Aralin

Paglinang ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa bawat bilang sa pamamagitan
nang pagsasaayos ng mga titik na nasa loob ng bubble balloon. Gamitin
ito sa isang makabuluhang pangungusap.

gklnunua limiagw

1. piitan = 2. masuyo =

nkalaasa tiIuinb

3. nakatayo = 4. galugarin =

 Madamdaming Pagbasa sa dula – “Munting Pagsinta”


halaw ni Mary Grace A. Tabora.

3. Pangkatang Gawain

Pangkat 1
THINK AND ANALYZE
Suriin ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga
elemento nito.

Tanghalan

Iskrip MUNTING Aktor


PAGSINTA

Direktor Manonood

Pangkat 2
GOIN’ BULILIT - SINECH ITEY? EPISODE
Pagkilala at paglalarawan sa mga tauhan batay sa mga katangian
at diyalogong binitiwan nito sa dula.

Ikalawang Markahan | 73
Pangkat 3
LIGHTS… CAMERA… ACTION!
Bumuo ng isang maikling dula na may kaugnayan sa akdang
binasa. Isadula ito sa harap ng klase.

Pangkat 4
GRAPHIC ORGANIZER
Pagpapabasa sa Ikalawang Teksto – “Dahil sa Anak” ni Julian
Cruz – Balmaceda. Ihambing ito sa “Munting Pagsinta” batay
sa katangian at elemento ng bawat isa.

Munting Pagsinta Dahil sa Anak

Tagpuan Tagpuan
Tauhan Tauhan
Pangyayari Pangyayari
Kaisipang Nangibabaw Kaisipang Nangibabaw
Kulturang Ipinaklita Kulturang Ipinaklita

Konklusyon Batay sa Paghahambing

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN

BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan


Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais nais iparating o kaisipan na iparating sa
Kaisipan o iparating sa sa manonood nais iparating manonood (1)
Mensahe manonood (4) (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Pagkamalikhain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan pamamaraang
pamamaraang ginamit ng ang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa pamamaraang sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon ginamit ng
presentasyon (2) pangkat sa
(3) presentasyon
(1)

Ikalawang Markahan | 74
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa ang bawat kanilang gawain (0)
miyembro sa kanilang miyembro sa
kanilang gawain gawain (2) kanilang
(3) gawain (1)

4. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

5. Pagbibigay ng fidbak ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

6. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks
na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Anong damdamin ang nangibabaw pagkatapos basahin ang akda?


Ipaliwanag.

2. Tama bang hilingin ang bendisyon ng mga magulang sa pagpapasya?


Bakit?

3. Ibigay ang ipinahihiwatig ng maagang pagpili ng babaeng


mapapangasawa ng isang lalaking taga-Mongolia? Ipaliwanag.

4. Mahusay ba ang iskrip/banghay/diyalogo ng dula? Ipaliwanag.

7. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…
Mga Elemento ng Dulang Pantanghalan
1. Tauhan – Katulad ng ibang akdang pampanitikan, ang tauhan sa dulang
pantanghalan ay napakahalaga. Sila ang likhang-isip o likhang tao ng
sumulat ng dula. Sa pamamagitan nila, naisasabuhay nila ang papel na
gagampanan nila. Sila ang nagpapakilos sa pangyayaring nakapaloob na
itinatanghal sa ibabaw ng entablado. Ang sinasalita at kinikilos nila ay
naaayon sa pinagaganap sa kanila. Sila ang nagsisilbing tulay upang
madama at maunawaan ng mga manonood ang angkop na saloobin,
damdamin at aral na nakukuha bunga ng panonood.
May dalawang uri ng tauhan sa dula. Ang pangunahing tauhan o ang
protagonista. Ito ang may suliraning nangingibabaw sa dula, samakatuwid,
sa kanya umiikot ang mga pangyayari hanggang sa malutas ang suliranin.
Ang pangalawa nama’y ang katunggali o sagabal sa anumang mabuting

Ikalawang Markahan | 75
gawain ng pangunahing tauhan. Ito ang antagonista na nagpapasalimuot sa
buhay ng protagonista.

2. Tagpuan – Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang


dula ay tinatawag na tanghalan at ang tanghalang ito ay inaayos nang ayon
sa hinihingi sa istorya o dulang itatanghal. Tulad ng ibang akdang
pampanitikan, masasalamin dito ang tagpuan, ang panahon at pook na
pinagganapan ng mga pangyayari. Mahalaga ito upang mapalutang ang
katangian ng mga tauhan, mabigyan ng angkop na emosyon ang papel na
ginagampanan at mapukaw ang kawilihan ng mga manonood. Higit sa lahat,
nagiging kapani-paniwala ang kabuuan ng itinatanghal na dula.

3. Banghay – Isa pang mahalagang elemento ng dulang pantanghalan ang


banghay. Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na ipinakikita sa
ibabaw ng tanghalan sa pamamagitan ng pagpapalit ng eksena maging ng
tagpuan nang ayon sa hinihingi ng istorya sa iskrip.

4. Diyalogo – Ito ang pinakalaman o diwa ng isang dulang pantanghalan.


Anumang salita na binigkas ng tauhan ay may bisa sa kabuuan ng
pagtatanghal sapagkat naipahahayag ang saloobin at mensahe na dapat
maunawaan ng mga manonood. May mga salitang binibigkas nang mahina,
madamdamin at pabulong nang malaman ng tagapanood ang kanyang
iniisip. Ang pag-iiba-iba ng pagsasalita o pagbigkas ng naaayon sa hinihingi
ng sitwasyong ipinakikita sa pagtatanghal.

5. Epektong Pantunog – Noong una pa man, karamihan sa mga dulang


pantanghalan ay sinasaliwan ng musika at mga epektong pantunog (sound
effect) tulad ng tunog ng hangin, ulan, kulog at mga tunog na mula sa hayop.
Ito ay nakadaragdag ng kalagayang maging makatotohanan ang nagaganap
sa ibabaw ng tanghalan at madama ng mga manonood ang emosyong
naghahari sa kabuuan ng pagtatanghal.
Sanggunian: Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: MASCARA CONCEPT


Piliin ang mga elemento ng dula sa kaliwang maskara at isulat ito sa loob
ng maskara sa gawing kanan. Ipaliwanag.
.
Diyalogo Mahika
Tanghalan Talinghaga
Sukat Tugma
Aktor Hayop
Katwiran Iskrip
Manonood Ritmo

Ikalawang Markahan | 76
APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: WHAT IF?


Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging isang direktor. Anong
elemento ng dula ang nais mong bigyang-pansin? Ipaliwanag.

EBALWASYON

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot sa loob ng kahon.

A. sinauna B. aktor C. tanghalan

D. direktor E. katutubo F. manonood

___ 1. Alin sa mga elemento ng dula ang sumasaksi sa pagtatanghal nito?

___ 2. “Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na


mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na
nakatalungko sa isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.”
Anong elemento ng dula ang ipinakikita rito?

___ 3. “1…2…3…Action!”, mga katagang madalas nating marinig sa anong


elemento ng dula?

___4. Makikita sa loob ng bahay ang kasangkapang antik. Ang kahulugan ng


salitang antik ay _____.

___5. Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita
kilala.
Temujin: Kahit di mo ako kilala kaya kong patunayan sa iyo na ako’y
mabuti.

Sina Borte at Temujin ay mga halimbawa ng _____.

Susi sa Pagwawasto

1. F 2. C 3. D 4. A 5. B

Ikalawang Markahan | 77
Pagkuha ng Index of Mastery

Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng


kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Bumuo ng isang maikling iskrip na taglay ang iba’t ibang elemento


ng dula.

 Paano nakatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsulat ng maikling


dula?

Ikalawang Markahan | 78
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F9WG-IIg-h-51)


 Nagagamit ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling
dula.

II. PAKSA
Panitikan :Dula - Mongolia
Teksto :Munting Pagsinta halaw ni Mary Grace A. Tabora
Wika :Mga Angkop na Pang-ugnay
Kagamitan :Pantulong na biswal, strips of paper, sipi ng akda
Sanggunian :Panitikang Asyano 9 ni Romulo N. Peralta et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PAGBASA NG TEKSTO

Ruben: Maaga pa lang naulila si Temujin Genghis dahil sa nilason ng


mga kaaway ang tatay niya. Siya ang piniling pinuno ng Yakka
Mongols ngunit iniwan si Genghis Khan ng tribong pinamunuan.
Carlos: Batay sa nabasa ko, sampung taong gulang pa lamang si
Genghis Khan nang mamatay ang kanyang ama.
Ruben: Napangasawa niya ang batang si Borte ngunit nang lusubin ng
mga mandirigma ang kanilang kampo, naiwan siya.
Carlos: Binalikan niya si Borte sapagkat mahal na mahal ng mandirigma
ang asawa.
Ruben: Tunay na si Genghis Khan ang pinakadakilang mandirigma sa
kanyang panahon. Napanatili niya ang kapayapaan ng kanyang
imperyo. Kaya’t tinawag din si Genghis Khan na pinuno ng
daigdig. Pinagbunyi nila ang tagumpay ni Genghis Khan kaya’t
nagdiwang ang bawat tribo.
Sanggunian:Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al

Ikalawang Markahan | 79
Gabay na Tanong:
 Batay sa diyalogo o usapan, paano inilarawan si Genghis
Khan?

 Bigyang – pansin ang sinalungguhitang mga salita,


paano nakatulong ang mga ito upang maging mabisa
ang diyalogo o usapan?

2. Presentasyon ng Aralin
 Balikan ang akdang “Munting Pagsinta” halaw ni Mary Grace A.
Tabora at “Dahil sa Anak” ni Julian Cruz-Balmaceda.

 Pagpapasulat sa mga mag-aaral ng mga halimbawang


pangungusap sa strips of paper batay sa mga akdang binasa na
ginagamitan ng mga pang-ugnay. Ipaskil ito sa pisara.

ANALISIS

1. Batay sa mga pangungusap na nabuo sa pisara, pansinin ang mga


pang-ugnay na ginamit. Paano ito nakatulong upang maging mabisa
ang mga pangungusap?

2. Nakatulong ba ang paggamit ng mga angkop na pang-ugnay sa


pagsulat ng maikling dula? Pangatuwiranan.

3. Bilang isang kabataang Asyano, paano mo mapahahalagahan ang mga


dulang umiiral sa kasalukuyan?

3. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na…

Pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng


dalawang salita, parirala, o sugnay.
Mga Uri ng Pang-ugnay: pangatnig, pang-angkop at pang-ukol
Pangatnig- ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa pangungusap.
Hal: kung, dahil sa, nang, sapagkat, kapag, kaya atbp.
Pang-angkop – mga salitang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
Hal: na, -g, -ng
Pang-ukol – salita o katagang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang salita sa pangungusap.
Hal: laban sa/kay, tungkol, ayon sa/kay, hinggil sa/kay, para kay/kina,
atbp.
Sanggunian: https://www.slideshare.net/mobile/midnight/jassy/mga-pangugnay-pangatnig-pangangkop-at-pangukol

Ikalawang Markahan | 80
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: T - CHART


Piliin ang mga pahayag sa diyalogo sa dulang “Munting Pagsinta” at
“Dahil sa Anak” na ginamitan ng mga pang-ugnay.

PAHAYAG/DIYALOGO PANG – UGNAY na GINAMIT

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: PAINT A SCENE


Bumuo/Sumulat ng isang eksena tungkol sa nagaganap sa loob ng inyong
tahanan. Gamitan ng mga pang-ugnay. Basahin sa harap ng klase.

EBALWASYON

Panuto: Piliin ang angkop na pang-ugnay na ginamit sa loob ng


pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___ 1. Mapait na mapiit sa kulungan dahil ito ay silid ng kalungkutan.

___ 2. Kahit ngayon ko lang siya nakita, batid kong si Borte na ang
babaeng hinahanap ko.

___ 3. Ang kasal ay para sa matatanda lamang kaya’t wala pa ito sa aking
isip.

___ 4. Si Borte ang babaeng pipiliin ko sapagkat iba ang nararamdaman


ko sa kanya.

___ 5. Para sa akin, ang pagkakaroon niya ng kakaibang pang-akit ang


ikinaiba ni Borte.

Susi sa Pagwawasto

1. Dahil 2. Kahit 3. Kaya 4. Sapagkat 5. Para sa

Ikalawang Markahan | 81
Pagkuha ng Index of Mastery

Kuhanin ang iskor ng mga mag-aaral upang malaman ang pagkamit ng


kanilang pagkatuto.

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng mga Mag-aaral Index

IV. KASUNDUAN

 Manood ng isang teleserye at gumawa ng isang maikling


diyalogo/usapan na ginagamitan ng mga pang-ugnay.

Ikalawang Markahan | 82
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F9PS-IIg-h-51)


 Naisasadula nang madamdamin sa harap ng klase ang nabuong
maikling dula.

PAGSULAT (PU) (F9PUIIg-h-51)


 Naisusulat ang isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay
ng isang grupo ng Asyano.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 2.5 :Maikling Dula


Kagamitan :mga Larawan, strips of paper
Sanggunian :Kayumanggi 9 ni Perla Guerrero et.al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: T-CHART
Pagtatala ng mga kultura o karaniwang mga gawain ng mga bansa sa
Silangang Asya.

Mga Bansa sa Silangang Asya

K
U
L
T
U
R
A

Ikalawang Markahan | 83
ANALISIS

1. Matapos makapagtala, sabihin kung saang bansa sa Silangang Asya


ito makikita. Ipaliwanag.

2. Ilarawan ang lugar, kilos, gawi at uri ng pamumuhay ng tauhan.

3. Ibigay ang mga ideya/pananaw sa mga kulturang nakapaloob sa mga


bansa.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: TELL AND SHARE


Alin sa mga kulturang nabanggit ang makikita rin sa ating bansa?
Magbigay ng mga patunay.

APLIKASYON

2. Pagpapaliwanag ng guro sa gagawing Awtput.

GRASPS

GOAL Nakasusulat ng isang maikling dula tungkol sa


karaniwang buhay ng isang grupo ng Asyano.
ROLE Miyembro ng Performing Arts, Manananghal
Dignitaryo
AUDIENCE Mga turista sa Silangang Asya
SITUATION Naatasan kayong magtanghal ng isang dula mula sa
Silangang Asya na sumasalamin sa karaniwang
pamumuhay ng alinmang bansang pinagmulan nito.
Itatanghal ninyo ito sa Cultural Center of the
Philippines (CCP) bilang isa sa mga atraksyon sa
unang gabi ng pagbisita ng mga dignitaryo mula sa
Japan, Korea, Taiwan, China at Mongolia.
PERFORMANCE Pagtatanghal ng Dula
STANDARDS Tatayain ang pagtatanghal ng dula ayon sa mga
sumusunod na pamantayan:
Kahusayan sa Pagganap 30%
Orihinal ang Iskrip 30%
Kaangkupan ng mga Elemento 20%
Makatotohanan 20%
Kabuuan 100%
3. Pagbibigay ng fidbak sa isinagawa ng mga mag-aaral.

4. Pagbibigay ng iskor ng guro.

Ikalawang Markahan | 84
5. Pagpili ng natatanging mahusay na bumuo at magtanghal ng
sariling dula.

IV. KASUNDUAN

 Ilahad ang naging kontribusyon sa panitikan ng mga bansa sa


Silangang Asya

 Japan
 China
 Korea
 Taiwan
 Mongolia

 Paano naimumulat ng mga akdang pampanitikan sa Silangang Asya


ang kamalayan ng mga Asyano? Ipaliwanag.

Ikalawang Markahan | 85

You might also like