You are on page 1of 4

MACBETH

Pagsusuring Pampanitikan

Inaasahang Pagganap (Term II)

I. BUOD

Nagsimula ang dula sa labanan sa pagitan ng Scotland at sa mga rebeldeng grupo sa Kagubatan ng
Forres. Pinuntahan ni Thane of Ross, ang hari ng Scotland na si Duncan para ibalita na natalo ng kanyang
dalawang magaling na heneral na si Macbeth at Banquo ang mga rebeldeng mula Ireland at Norway.
Ang pinuno ng mga rebelde mula Ireland ay si Macdonwald na itinuturing na traydor dahil kinampihan
niya ang mga kalaban. Pagkatapos nila matalo ang mga rebelde, nakaharap nila ang mga mangkukulam.
Hinirang nila si Macbeth bilang “Thane of Cowdor”. Nagbigay sila ng propesiya na magiging hari ng
Scotland si Macbeth, at sinabihan din nila si Banquo na hindi man siya magiging hari ay ang kanyang mga
anak ang magiging hari. Hindi maisip ni Banquo kung totoo ba o hindi ang kanyang narinig. Pagkatapos
nito ay ang mga mangkukulam ay biglang naglaho. Binati sina Macbeth at Hanquo ng kanilang mga
sundalo dahil napanalo nila ang kanilang laban. Hindi lubusang maisip ni Macbeth kung ano ang aasahan
niya pagkatapos sabihin sa kanya ang propesiya. Kumain ng hapunan sina Macbeth at Duncan sa
Inverness, ang kastilyo ni Macbeth. Sinulatan din niya ang kanyang asawa na si Lady Macbeth kung ano
ang mga nangyari sa kanya. Gustong-gusto ni Lady Macbeth na maging hari ang kanyang asawa at ang
paraan para makuha niya ang trono ay patayin si Duncan. Noong nakarating na si Duncan sa Inverness,
inudyukan ni Lady Macbeth ang kanyang asawa na patayin na ang hari. Plinano nina na lasingin ang
dalawang chamberlains o alalay ni Duncan para kapag napatay na nila si Duncan ay mapupunta sa
dalawang alalay niya ang sisi na wala din kalaban-laban. Pinatay ni Lady Macbeth si Duncan sa
pamamagitan ng isang “dagger” o kutsilyo. Nang kinaumagahan ay nalaman na ang pagkamatay ni
Duncan, kaya pinatay ni Macbeth ang dalawang alalay ni Duncan, at siya’y naging hari na ng Scotland.
Ang mga anak ni Duncan na sina Malcolm at Donalbain ay nagkubli sa Inglatera at Ireland dahil sa takot
na patayin sila ni Macbeth. Nag-utos din si Macbeth na kumuha ng grupo na papatay sa kanyang
kaibigan na heneral na si Banquo at si Fleance, ang kanyang anak para wala nang makaka- agaw sa
kanyang trono. Noong papunta sila sa isang marangyang kapistahan ay napatay nila si Banquo pero hindi
nila napatay si Fleance dahil siya’y nakatakas. Sobrang nagalit si Macbeth, at naisip niya na habang
buhay pa si Fleance ay hindi pa sigurado ang kanyang panunungkulan bilang hari. Noong gabi ng
pagpapakilala sa mga maharlika ay binisita ng kaluluwa ni Banquo si Macbeth, at nang nakita ni Macbeth
ang kaluluwa ay nataranta at nagmayabang siya sa mga panauhin, partikular na ang mga Scottish
nobility, kaya sinubukan ng kanyang asawa na pahinahon ang sitwasyon. Pero hindi niya ito nagawa.
Bumalik si Macbeth sa mga mangkukulam sa isang kuweba. Binalaan nila si Macbeth tungkol kay
Macduff, isang marangal na tao na kumakalaban sa pag-upo ni Macbeth sa trono. Siya ay hindi
nasasaktan ng sinumang lalaki na pinanganak ng isang babae, at siya’y magiging ligtas hanggang
makarating ang Birnam Wood sa Dunsinane Castle. Natuwa si Macbeth dahil alam niya na lahat ng lalaki
ay pinanganak ng mga babae at hindi kayang maglakad ang mga gubat. Nang nalaman niya na pumunta
si Macduff sa Inglatera para makipagsanib-puwersa kay Prinsipe Malcolm ay inutusan niya ang kanyang
mga sundalo na pabagsakin ang kastilyo ni Macduff, at ang asawa at ang mga anak ni Macduff ay dapat
patayin. Nang nalaman ni Macduff ang nangyari, ay gustong-gusto niyang maghiganti kaya pumunta
siya, kasama ang malaking puwersa niya at ni Prinsipe Malcolm sa Scotland para makipag-laban kay
Macbeth. Tinatayang aabot sa sampung libong sundalo ang pinadala para makipag-laban kay Macbeth.
Habang si Lady Macbeth ay sobra-sobrang nagsisisi sa kanyang nagawa kaya humantong siya sa
pagpatiwakal o “suicide” habang siya ay nagsisleep-walking, at may nakitang dugo sa kanyang mga
kamay na hindi nahuhugasan ng tubig. Nang malaman ni Macbeth ang nangyari sa kanyang asawa ay
sobra siyang nawalan ng pag-asa. Kahit ganoon ang nangyari ay hinintay pa rin niya ang mga kalaban at
nang nalaman niya na parating na ang mga kalaban sa Dunsinane na nagpatatanggol ng mga boughs cut
mula sa Birnam Wood, natakot siya na tama nga ang propesiya na ibinigay sa kanya. Sa larangan ng
digmaan ay nakaharap ni Macbeth si Macduff at sinabi na siya’y hindi pinanganak ng isang babae ngunit
siya ay tinanggal mula sa sinapupunan ng kanyang ina o tinatawag ngayon na “cesarian”. Nang
mapagtanto niya na siya ay wala nang kawala ay nakipag- laban pa rin si Macbeth hanggang siya ay
mapatay at pugutan ng ulo ni Macduff. Naging hari na ng Scotland si Malcolm, at inimbitahan ang lahat
na mapanood ang pagputong ng korona sa kanyang ulo sa Scone.

II. UGNAYAN SA ISYUNG PANLIPUNAN

Ang ugnayan nito sa ating kasalukuyang panlipunan ay ang mga pangyayaring gagawin natin ang lahat
para lamang makuha ang posisyong ninanais natin.

III. SIMBOLISMO

A. MACBETH MAC FINDLAECH :

· Sinisimbolo ni Macbeth ang mga taong uhaw na makuha ang kanilang gusto kahit ito’y kanilang
ikasasama.

B. LADY MACBETH :

· Sinisimbolo ni Lady Macbeth ang mga taong masuhol sa ibang tao. Gagawin nila ang lahat para
lamang mapasakanila ang kanilang gusto.

IV. PAHAYAG NG PAGTUTOL

Ako ay hindi sumasangayon sa pangyayaring naganap sa akdang Macbeth dahil hindi mo naman
kailangang makatapak ng ibang tao para lamang makuha ang iyong hinahangad na posisyon dahil kung
para saiyo talaga yung posisyon na iyon na darating iyon sa tamang panahon.
V. PANANAW AT PAANO NAGPAPAKITA

Ang akdang ito ay nagpapakita ng Teoryang Moralistiko dahil pinapakita sa akda kung paano nabulag si
Macbeth sa posisyon ng pagiging hari. Ninais niyang maging hari kahit na ito’y kanyang ikasasama

. ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN

Pagsusuring Pampanitikan

Inaasahang Pagganap (Term II)

I. BUOD

Linisan niya ang kanyang pamilya at tahanan para magawa ang gusto niya, ang makipagdigmaan para sa
kapayapaan ng kanyang bansa. Nung siya ay naglalakbay patungo sa lugar kung saan mayroong gera
nakita niya lahat ang mga bayaning nakalibing dahil sa digmaan na naganap. Dumating na siya sa
digmaan kung saan marami na ang namatay para ipaglaban ang kapayapaan ng kanilang bansa at nakita
niya kung paano namatay ang kanyang mga kakampi at naririnig niya ang putok ng mga baril at mga
kanyon. Natapos niya ang digmaan ngunit ang kapalit neto ay kalungkutan lamang dahil hindi nila
nakamit ang tagumpay na gusto nilang makamit.

II. UGNAYAN SA ISYUNG PANLIPUNAN

Ang pagkakaugnay ng akda sa ating bansa ay ang isyu tungkol sa extra judicial killings dahil wala tayong
kalyaan ipagtangol ang ating sarili at ang mga pulis lang ang may kalayaan magsalita ngunit kahit ganon
man bumabangon pa din tayo katulad ng nasa akda, pinipilit nilang bumangon sa kanilang buhay kahit
sila ay nabigo sa gera.

III. SIMBOLISMO

A. TAUHAN:

· Sumisimbolo ang sundalo sa mga taong nanghihingi ng kalayaan katulad ng isyu patungkol sa martial
law sa Marawi. Nanghihingi sila ng kalataan sa ating Presidente dahil alam naman nila na hindi sila ang
dahilan kung bakit nagkakaroon ng gera sa lugar nila.
B. TAGPUAN:

· Sumisimbolo ang tahanan sa kalayaan at ang lugar naman ng gera ay sumisimbolo sa gobyerno, dahil
ang gobyerno din naman ang gumagawa ng dahilan kung bakit ang ibang tao ay hindi namumuhay ng
malaya.

C. PANGYAYARI:

· Sumisimbolo naman ito sa isyu patungkol pa din sa Marawi. Katulad ng nasa akda sinalalay ng
sundalo ang buhay niya para makamit ang kapayapaan ngunit marami ang nasawi sa pangyayari.

IV. PAHAYAG NG PAGSANGAYON

Naniniwala ako na tama lang ang ginaaa ng sundalo ang pagkamit ng kalayaan ng bansa nila kahit sila ay
nabigo dahil ipinapakita naman nila na kahit anong mangyare sa kanilang bansa ay gagawin pa rin nila
ang lahat para sa kanilang bansa.

V. PANANAW AT PAANO NAGPAPAKITA

Ang akdang ito ay ipinapakita ang teoryang realismo dahil isinulat niya kung paano nakipag digmaan ang
mga sundalo para sa kalayaan ng kanilang bansa at ipinaliwanag din niya kung paano nangyare ang gera.

You might also like