You are on page 1of 14

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
DIBISYON NG MABALACAT CITY

Pangalan: ____________________________ Baitang at Pangkat: ________________

Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikaapat na Markahan - Ikatlong Linggo
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

I. Panimula

Naranasan mo na bang maligaw sa isang lugar? O ang pagluluto na

hindi mo nakuha ang tamang lasa? Ilan lamang ito sa mga nangangailangan
ng tamang direksyon. Katulad ng isang indibidwal, kailangan ng direksyon
sa buhay para matiyak ang kaganapan bilang isang tao at maging
matagumpay sa tatahakin niyang landas.

II. Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng

Misyon sa Buhay. EsP9PK-IVc-14.1
2. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay. (EsP9PK-IVc-14.2)

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

a. makapagpapaliwanag ng kahalagahan ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay;
b. masusuri at matutukoy ang mga bagay na pinahahalagahan para
sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay; at
c. maisusulat at mahihinuha ang malinaw na misyon sa buhay.

IV. Pagtalakay

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Mahalagang sigurado ang tao sa landas na kaniyang tinatahak. Ito ang

susi na makatutulong sa kaniya na makamit ang kaniyang layunin sa buhay.
Balikan natin ang iyong napag-aralan noong ikaw ay nasa Baitang 7 pa
lamang, tinalakay ninyo ang tungkol sa tamang pagpapasiya. Ito ay mahalaga
sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao. Kaya sa
tuwing nagpapasiya, kinakailangang pag-isipan ito nang makailang ulit
upang maging sigurado at hindi maligaw. Ito ay dapat na makabubuti sa
sarili, sa kapuwa at sa lipunan. Sa pagpapasiya, kailangan mo ng gabay.
Tulad ng isang bulag, lubos siyang mahihirapan sa paglalakad kung walang
tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang nagsisilbing kasangkapan niya upang
marating niya ang kaniyang nais puntahan. Gayundin ang tao, kailangan
niya ng gabay sa pagpapasya upang hindi siya magkamali; nang sa gayon,
magkaroon ng tamang direksiyon sa pagkamit ng mga layunin.

Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang buhay ng tao?

Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, ikaw ay nasa kritikal na
yugto ng buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong
buhay sa hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado
sa iyong gagawin na mga pagpapasya.

Ikalawa, kung hindi ka magpapasya ngayon para sa iyong

kinabukasan, gagawin ito ng iba para sa iyo halimbawa ng iyong magulang,
kaibigan, o ng media. Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong
TUNGUHIN sapagkat kung hindi, magiging mabilis para sa iyo na basta na
lamang sumunod sa idinidikta ng iba sa mga bagay na iyong gagawin. Tunay
na mahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na tunguhin sa buhay. Marahil
tinatanong mo ang iyong sarili sa ngayon kung paano mo ito gagawin o
sisimulan. Alam ko na pamilyar ka na dito sapagkat natalakay na ito ng iyong
guro sa ikaapat na bahagi ng iyong modyul noong nasa Baitang 7 ka pa
lamang. Naalala mo pa ba ng tawag dito? Ito ay ang Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay (Personal Mission Statement).

Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay? Ito ay

katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung
paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo
sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan
ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo.
Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng
sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa
buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng
panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.

Ayon kay Stephen Covey ang kaniyang aklat na Seven Habits of Highly
Effective People “Begin with the end in mind”. Nararapat na ngayon pa lamang
ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais

2
mong mangyari sa iyong buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong
sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin. Mag-isip ng
nais mong mangyari sa hinaharap at magpasya sa direksiyon na iyong
tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo
sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon din kay Covey, ang paggawa ng
personal na misyon ay nararapat na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa
buhay. Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, makatutulong na
magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging kapaki-pakinabang sa
iyong mapanagutang pasya at kilos. Narito ang mga dapat mong isaalang-
alang sa pansariling pagtataya.

1. Suriin ang iyong ugali at katangian.

Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan
ng pagtatala ng iyong mga ugali at mga katangian. Ang pangunahin mong
katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano ka naapektuhan
ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka
kumikilos para sa iyong gagawin na pagpapasya.

2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan.

Kailangang maging maliwanag sa iyo kung saan nakabatay ang iyong
mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang iyong lakas, oras at
panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan ang magiging pundasyon mo sa
pagbuo ng personal na misyon sa buhay.

3. Tipunin ang mga impormasyon.

Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na ang layunin
ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking
magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay sa iyo ng
tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin. Ang pagsulat ng personal
na misyon sa buhay ay hindi madalian o nabubuo lamang sa ilang oras.
Ito ay kailangan mong pagnilayan, paglaanan ng sapat na oras/panahon
at bigyan mo ng buong sarili sa iyong ginagawa. Sa oras na ito ay mabuo
mo, ito ang magiging saligan ng iyong buhay. Magkakaroon ka ng
pagbabago sapagkat ang lahat ng iyong gagawin o iisipin ay nakabatay na
dito. Sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay, ito dapat ay nakatuon sa
kung ano ang nais mo na mangyari sa mga taglay mong katangian at kung
paano makakamit ang tagumpay. Ayon kay Stephen Covey, upang
makabuo ng mabuting personal na misyon sa buhay, mabuti na ito ay
magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang buhay.

Halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, komunidad, at iba pa ang

magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at kapangyarihan.

3
Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan
sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na
nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit magkagayon man, ito pa rin ang
magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang landas ng kaniyang
buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of our own destiny”.
Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi
ba? Kaya pag-isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong
hahantungan, iyan ay bunga ng iyong mga naging pagpapasya sa iyong
buhay.

V. Mga Gawain

Gawain #1
Panuto:

1. Isulat sa loob ng puso ang iyong mga positibong taglay na katangian.

3. Matapos mong maisulat ay pumili ka ng isang katangian mo na gustong-
gusto mo.
4. Ilagay ito sa loob ng pentagon.
5. Ipaliwanag mo kung bakit mo ito nagustuhan.
Ano ang naitulong nito sa iyo?

Hal.: Katatagan
Pagtitimpi

Hal

Katatagan- ito ay
aking nagagamit sa
tuwing dumarating
ang problema at
pagsubok sa aking
buhay.

4
6. Isulat mo naman ngayon sa loob ng kahon ang mga tagumpay na iyong
narasanan noong mga nakaraang taon. Maaaring ang mga ito ay
tagumpay mo sa paaralan, pamilya, pamayanan, simbahan, atbp.

RUBRIK para sa Gawain 1

Pamantayan Iskor
Makapagibigay ng wasto at kumpletong sagot. Ang mga sagot ay akma 5
sa aralin.
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may isang maling ideya. 4
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may dalawang maling ideya. 3
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit hindi akma sa aralin ang 2
mga sagot.
Masagutan ngunit di kompleto at walang kinalaman sa aralin. 1

Mga Tanong:

1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili ?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Mayroon bang kinalaman ang iyong katangian sa iyong mga naging

tagumpay? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Paano mo mapananatili ang mabubuting katangian na ito?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5
Gawain #2:

Panuto: Sumulat ng mga paraan kung paano mo maipakikita ang

pagpapahalaga sa mga sumusuod na nakatala.

Ang Aking Mga Pinahahalagahan

Pamilya

1. _____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________
3. _____________________________________________________________________

Paaralan

Simbahan

Pamayanan

Teknolohiya

6
RUBRIK para sa Gawain 2
Pamantayan Iskor
Makapagibigay ng wasto at kumpletong sagot. Ang mga sagot ay akma 5
sa aralin.
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may isang maling ideya. 4
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may dalawang maling ideya. 3
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit hindi akma sa aralin ang 2
mga sagot.
Masagutan ngunit di kompleto at walang kinalaman sa aralin. 1

Mga Tanong:

1. Mula sa gawain, ano ang masasabi mo sa iyong sarili?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga na suriin ang mga sumusunod: (Gawing gabay ang rubrik
sa pagsagot)

a. Mga pagpapahalaga mo sa buhay?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

b. Mga naging kontribusyon mo sa iyong pamilya, paaralan, pamayanan

at simbahan?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

c. Mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag bawat isa.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. 111
3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyong pagpapasya?
Ipaliwanag.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
Gawain #3

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ng

tsek ( /) ang nakaakma sa mga batayan na pinahahalagahan mo. Sagutin ang
mga sumusunod na tanong.

Gawing gabay ang rubrik sa pagsagot.

RUBRIK para sa Gawain 3

Pamantayan Iskor
Makapagibigay ng wasto at kumpletong sagot. Ang mga sagot ay akma 5
sa aralin.
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may isang maling ideya. 4
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit may dalawang maling ideya. 3
Makapagbigay ng kumpletong sagot ngunit hindi akma sa aralin ang 2
mga sagot.
Masagutan ngunit di kompleto at walang kinalaman sa aralin. 1

Mas Pinaka-
Mahalaga
Mahalaga mahalaga
1. Paglalaan ng oras para sa pagsagot
ng modyul.
2. Paglalaan ng oras para sa
pagdarasal at pagsisimba.
3. Pakikinig sa mga payo ng
magulang.
4. Madalas na paggamit ng cellphone.
5. Pagpapanatili ng maayos at
malusog na pamumuhay.
6. Pinagbubuti ko ang aking pag-
aaral.
7. Mas gusto ko ang mga imported na
produkto.
8. Nagsasaliksik ako sa mga
makabagong teknolohiya na
makatutulong sa akin.
9. Masaya ako sa matataas na marka
sa mga asignatura ko.
10. Binibigyan ko ng oras ang aking
kaibigan.

8
a. Pagkatapos ng Gawain, ano ang natuklasan mo sa iyong sarili?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

b. Ano ang mga bagay na pinahahalagahan mo? Bakit?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

c. Kung papipiliin ka ng tatlo, ano ang pinakamahalagang pagpapahalaga

ang pinakagusto mo, at alin naman ang mas mahalaga at mahalaga.
Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain #4

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap, piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

ugali katangian buhay nagbabago

hahantungan pagpapasya bokasyon
landas bokasyon tamang pagpapasya misyon

1. Mahalagang sigurado ang tao sa ______________na kaniyang tinatahak.

2. Ang _____________ay mahalaga sa pagkakaroon ng makabuluhang buhay

at ganap na pagkatao.

3. Ang pagsulat ng personal na _________ sa buhay ay hindi madalian o

nabubuo lamang sa ilang oras.

4. Mula sa misyon ay makakabuo ng tinatawag na __________________.

5-6. Simulan mo ang paggawa ng iyong personal na misyon sa pamamagitan

ng pagtatala ng iyong mga 5. ________ at mga 6. _____________.

9
7. Anuman ang piliin mong tahakin ay makaaapekto sa iyong _____________
sa hinaharap.

8. Ang personal na misyon sa buhay ng tao ay maaaring mabago o mapalitan

sapagkat patuloy na ___________ ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon
na nangyayari sa kaniyang buhay.

9-10 Kaya pag-isipan mong mabuti ang anuman na iyong 9.

_________________, iyan ay bunga ng iyong mga naging 10. _______________
sa iyong buhay.

Gawain #5

Panuto: Sumulat ng isang personal na misyon sa buhay. (Gawing gabay ang

rubrik sa Gawain 1 sa pagsagot) 5 puntos

Ang aking Personal na Misyon sa Buhay

___________________________________________________________________________

VI. Pagsusulit

Panuto: Isulat ang Tama kung tama ang salitang nakasalungguhit sa

pangungusap at itama ang salita kung ito ay mali, isulat ang sagot sa patlang.

_________________1. Magkakaroon ka ng pagbabago sapagkat ang lahat ng

iyong gagawin o iisipin ay nakabatay sa misyon mo sa
buhay.

_________________2. Ang iyong sarili ang magiging pundasyon mo sa pagbuo

ng personal na misyon sa buhay.

_________________3. Ang misyon sa buhay ay hindi mahalaga sa pagkakaroon

ng makabuluhang buhay at ganap na pagkatao.
10
_________________4. Sa iyong mga impormasyon na naitala, laging isaisip na
ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay
ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong
pagkatao.

_________________5. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo ng mabuting

personal na misyon sa buhay, mabuti na ito ay
magsimula na alamin ng tao ang sentro ng kaniyang
buhay.

_________________6. Ang misyon sa buhay ay magiging batayan mo sa iyong

gagawin na mga pagpapasya sa kinabukasan.

_________________7. “All of us are creators of our own destiny”. Ibig sabihin,

tayo ang lilikha ng ating kahapon.

_________________8. Ang resulta ng misyon sa buhay ay magiging kapaki-

pakinabang sa iyong mapanagutang pasya at kilos.

_________________9. Ang sentro ng sarili mo ang magbibigay sa iyo ng

seguridad, paggabay, karunungan at kapangyarihan.

_________________10. Ang pangunahin mong katangian ang magpapakilala

sa iyo kung sino ka.

VII. Pangwakas
A. Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga kahon sa ibaba.
Mga Dapat Isaalang alang sa

1.
paggawa ng PPMB

2.

3.

11
VIII. Sanggunian

Adrienne Carol. 1999. The Purpose of Your Experiential Guide. Diane Pub Co.

Covey, Stephen. 1989. Seven Habits of Highly Effective People. Free Press.

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material Project EASE Edukasyon sa

Pagpapahalaga / Module 10: Ang Misyon ko sa Buhay

Gayola, Sheryll T., et al. 2017. Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral,
Pasig City: Department of Education- Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y. 2020-2021. Accessed on

May10, 2020: 106.
https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning-competencies_1.html

Warren, Rick. 2002. The Purpose of Driven Life. Zondervan.

Websites:

https://www.academia.edu/18978395/Grade_9_ESP_Learning_Module?email_work_card=vi
ew-paper

http://www.e-turo.org/?q=node/1129

http://www.wikihow.com/Write-a-Personal-Mission-Statement

https://www.stephencovey.com/mission-statements.php

www.wikihow.com/write-aPersonalMissionsatatement

www./evoleague.com/articles/career-advice/personal-mission-statement-three-easy-
stepsdefining-creating

12
13
Repleksyon
A.
1. Surrin ang iyong ugali at sarili.
2.Tukuyin ang iyong pinahahalagahan
3.Tipunin ang mga impormasyon
B. Maaring iba iba ang sagot batay sa
rubriks.
Pagsusulit
1. tama 6. tama
2. kilos 7. hinaharap
3. mahalaga 8.tama
4. tama 9. tama
5. tama 10. tama
Gawain 4
1. landas 6. katangian
2. misyon 7. buhay
3. tamang pagpapasya 8. nagbabago
4. bokasyon 9. hahantungan
5. ugali 10. pagpasya
Gawain 1, 2, 3, at 5
Maaring magkakaiba iba ang
sagot.na nakabatay sa
rubrik.
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Rochell M. Narra
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Edgardo Nunag, Maria Carmen Evangelista,
Melody S. Oreña, Rosalinda S. Ibarra, PhD
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo, Ala M. Elagio
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat
P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

14

You might also like