You are on page 1of 2

Rea Angela D.

Dealca

12-Accountability

Filipino sa Piling Larang

Pagsusulit

1. Bakit mahalagang malinang ang kasanayan sa pagsulat?

- Ang pagsulat ang isa sa mahahalagang kasanayang dapat matutunan at mahubog sa isang tao.
Nararapat lamang na malinang ang kasanayan dito dahi magagamit natin ito sa maraming bagay.
Ang kasanyan sa pagsulat ay makakatulong sa ating pag-aaral, mula elementarya hanggang sa
makapagtapos. Magagamit rin ito sa pagsasalaysay, paglalarawan, at pagsasalungat sa mga
pangyayari o mga bagay. Gamit ang kasanayan sa pagsulat, mas maipapahayag ng isang tao ang
kanyang kaisipan at damdamin na nais nitong ipahayag.

2. Sa paanong paraan maaaring magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista ang isang
tao?

- Sa halip na isang turista ang isang tao, maaaring magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa
pamamgitan ng pagbabahagi ng karanasan ng isang tao tungkol sa lugar na kanyang tinitirahan.
Maaari rin nitong ibahagi kung paano ang pamumumuhay dito, mga mgagandang puntahan at iba
pa. Maibabahagi rin nito kung paano nabago ang kanyang pamumuhay sa paninirahan sa lugar na
ito.

3. Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa sa inyong guro sa Fundamental of Accountacy,


Business Management 2 o Entrepreneurship. Gamit ang baliktad na tatsulok, sumulat ng bionote na
nagpapakilala ng kanyang taglay na napiling guro.

BIONOTE NI GNG. MA. CHRISTINA F. DONDONILLA

Si Gng. Ma. Christina Dondonilla ay nagtapos ng kursong BS Civil Engineering sa Unibersidad


ng Bicol taong 1989. Nakapagtapos rin siya sa kursong Bachelor of Secondary Education noong 2007
sa Saint Louise de Marillac Collge of Sorsogon (SLMCS). At muling nag-aral at nakapagtapos sa kursong
Master of Arts in Education Major in Mathematics sa Sorsogon State College taong 2010. Si ay isang
guro sa Senior High School sa kasalukuyan. Siya ay nagtuturo ng mga asignaturang GenMath 1,
GenMath2, FABM1, at FABM 2 sa Sorsogon National High School. Siya ay nakapagturo rin sa iba't-
ibang paaralan. Nagturo siya ng mga asignaturang Business Math, Algebra, Ethics, Bookkeeping, at
Symbolic Logic sa kolehiyo ng AMA. Sa Milagrosa National High School naman ay nagturo siya ng
asignaturang Math sa Grade 7, 8, at 9; at Science sa Grade 7.

Nakadalo na rin siya ng iba't-ibang trainings tulad ng school trainings, regional at international
trainings. Ang mga makabagong kaalamang natutunan niya sa pagdalo ay naibahagi niya sa kanyang
mga naging estudyante, kapwa-guro, at sa iba pa. Bilang isang guro, ang kanyang mga naging
kontribusyon ay ang pagbibigay donasyon ng mga gamit sa paaralan at nakapagbahagi ng mga
kwalipikadong bookkeepers kung saan siya ng naging tagapagturo.

You might also like