You are on page 1of 2

ESP 5

ND
2 QUARTER
3RD SUMMATIVE TEST
PANGALAN: ___________________________________________________

Lagyan ng ( / ) kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa opinyon at ( X ) naman kung hindi.


___1. Hinihintay ni Dave na matapos ang pagbibigay ng opinyon ng kaniyang kausap bago ito
sumagot.
___2. Sinisigawan ni Peter ang kaibigan sa tuwing hindi nito nagugustuhan ang mga opinyon
tungkol sa kaniya.
___3. Kahit hindi sang-ayon ang mga ka-grupo ni Yen ay ipinagpatuloy pa rin niya ang sariling
kagustuhan para magawa ang kanilang proyekto.
___4. Hindi man sang-ayon si Gel sa opinyon ng kaibigan ay nakinig muna itong mabuti at saka
ipinahayag ang opinyon niya.
___5. Palaging iminumungkahi ng lider na si Mike na magbigay ng opinyon ang kaniyang mga
miyembro upang mas mapaunlad ang kanilang mga proyekto.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap sa ibaba. Isulat kung ano ang
iyong mga gagawin sa sitwasyong nabanggit.
6-7. May sakit ang iyong nanay pero gusto mo sanang manood ng TV. Ano ang gagawin mo?

8-9. Hinihikayat ka ng mga kaibigan mo na huwag isali sa laro ninyo ang kapitbahay ninyong may
kapansanan. Ano ang gagawin mo?

10-11. Napapansin mo na laging ikaw na lámang ang tinatawag ng iyong teacher para mag-
recite. Alam mo na gusto rin ng iba mong kaklase ang mag-recite. Ano ang gagawin mo?

12-13. Alam mo na sa tuwing nakakakita ka ng may kapansanan ay dapat nagbibigay-daan upang


sila ang mauna sa pilahan. Ngunit ang isa mong kaklase ay ayaw pumayag dahil nauna raw siya
sa pila sa canteen. Ano ang gagawin mo?

14-15. Madalas kinukutya ang isa mong kaibigan ng iba mo pang kaibigan. Alam mong hindi ito
mabuti. Ano ang gagawin mo?
Answer Key:

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

You might also like