You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: ________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ________________________ Petsa: _______________

GAWAING PAGKATUTO

Suhestiyon ng Aking Kapuwa, Iginagalang Ko


Panimula

Ang paggalang sa suhestiyon ng bawat isa ay nagpapakita ng


pagiging pagkamagalang.
Ito ay nagbubunga ng magandang pakikitungo sa kapwa. Ito ay
may palaging kaakibat na
paggalang na nagbibigay ng magandang ugnayan sa kapwa.
Naipapakita natin o naisasabuhay
ang pagkakaroon ng bukas na isip sa pagpapasya para sa sarili at sa
kapuwa.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa


(EsP6P-IId-i-31)

Gawain 1

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang masayang


mukha ( ☺ ) kung ito nagpapakita ng paggalang suhestiyon at
malungkot naman ( ) kung hindi.
1. Hinikayat ni Melissa ang kaniyang kamag-aral na makilahok sa
pagpupulong tungkol sa bagong proyekto na isasagawa sa kanilang
paaralan.

2. Itinanong ni Jade sa kaniyang mga kasama kung handa na ang


lahat bago sinimulan ang pag-uulat sa klase ni Gng. Mateo.

3. Pinalitan nina Jose at Marco ang suhestiyon ni Angela ukol sa


gagamiting kagamitan sa pagbuo ng dyornal ng walang paalam.

4. Lumipat sa ibang grupo si Danny dahil hindi niya gusto ang


suhestiyon ni Janela na ipagbigay alam ang kanilang plano na
pupunta sa parke.

5. Nakiisa ang mga magsasaka ng lungsod ng Cauayan sa


programang inilunsad ng
gobernador sa lalawigan.

6. Inayunan ni G. Martinez ang ideya ni Maria na isali ang mga


mag-aaral sa ika-anim na baitang sa paglilinis tuwing Biyernes sa
mga hardin sa paaralan.

7. Nagpakita ng galit si Berto nang malaman niya na ang kaniyang


kasama sa proyekto sa Filipino ay si Janice.

8. Naisipang alamin ng aming kapitan ang pangkalahatang


pananaw ng mga nakatatanda at nakababata bago simulan ang
programa sa barangay.
9. Iniwan ni Dave ang mga nakababatang kalahok at nagtago sa
isang silid upang ilihim ang kaniyang nalalaman sa pagpipinta.
10.Tinanggap ni Juan ng maluwag sa kalooban na hindi
maisasakatuparan ang kaniyang mungkahi patungkol sa pagbuo ng
mga gawain na makakatulong sa kalinisan ng paaralan.Note: Practice

Gawain 2
A. Panuto: Umisip ng isang sitwasyon na kung saan naipakita mo
ang paggalang sa
suhestiyon ng iyong kapwa. Isulat ang impormasyong
kinakailangan sa ibaba. Bawat
sa sagot ay may katumbas na 2 puntos.
1. Patungkol saan ang suhestiyon?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Kanino galing ang suhestiyon?
_____________________________________________________
______________________________________________________
____________________________________________________
3. Kailan ito nangyari?
______________________________________________________
______________________________________________________
_____________________________________________________
4. Ano ang iyong naramdaman at paano mo ito tinanggap?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Pangwakas

Magaling! Natapos mo na rin ang iyong mga gawain sa araw na


ito. Laging tatandaan na ang pakikipagkapwa-tao ay isang
natatanging katangian ng mga Pilipino. Mahalagang taglayin ito ng
bawat isa upang maipakita natin ang paggalang sa kapwa. Ang
pakikinig sa suhestiyon ng ibang tao ay pagpapakita ng
pagkamagalang.
Bilang responsableng tao kinakailangan din natin sumunod sa
pangakong ating binibitawan tanda ng ating pagkamapanagutan
dahil ito ay nagbibigay ng magandang ugnayan sa ating kapwa.

You might also like