You are on page 1of 1

MGA KATUTUBONG WIKA: BIGKIS NG NASYONALISMONG

KULTURAL

Kayamanang Walang Katumbas

Ating pahalagahan ang wika at kulturang kinalakihan,


Dahil ito’y pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Ito’y isang biyaya na hindi kailanman mapapalitan ,
Kahit anumang bagay o anumang kayamanan.

Ito’y parte ng ating pagkatao at puso,


Hindi mananakaw ng sinumang mapagmataas o tuso.
Kailanma’y hindi ito matutumbasan ng anumang ginto ,
O anumang bagay o pribilehiyo.

Kay’t mas lalo natin itong mahalin,


Ang paggamit nito’y linangin,.
Upang matupad ang ating layunin,
Patuloy itong pagyabungin.

Wika at kultura man nati’y magkakaiba,


Ito’y hindi hadlang upang tayo’y magkaisa.
Ito’y hindi rin dahilan upang tayo’y mabuwag,
Tayo’y mananatiling iisa at matatag.

You might also like